Chapter Fifteen

468 20 59
                                    

Note: Susyal kasi si Bee so iinggitin niya kayo sa car niya. Nasa Media box. Haha.

Chapter Fifteen

“Oh my god. Oh my god.” I said, pacing back and forth sa sala ng pad ni Luke. Kanina pa ako nagpa-panic. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gustong-gusto kong puntahan ‘yung lima para magpaliwanag ngunit hindi ko magawa. I tried to call them for the nth time simula ‘nung makarating kami dito sa pad pero no avail. Lahat sila ay hindi sinasagot ang mga tawag ko.

“Babe, will you calm the fuck down and stop pacing back and forth?” Luke growled. Probably, siya ‘yung nahihilo sa pinaggagawa ko. But then can you blame me? The Baka Girls are my girls. And they’re like my sisters. I wouldn’t want to mess our friendship over some guy. But then hindi lang naman “some guy” si Luke. I love him.

“What should I do? Naguguluhan na ako, Luke.” Naiiyak kong sabi sa kanya. Seriously, I know my girls. And I know they wouldn’t want someone to lie in their faces. And they could hold a mean grudge. But then technically, hindi naman talaga ako nagsinungaling sa kanila. Wala lang talaga akong sinasabi tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Luke. Hindi lang ako nagco-comment tuwing gusto nilang pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Hindi naman pagsisinungaling ang tawag ‘dun hindi ba?

Frustrated, I slumped down into the chair next to Luke. Naiiyak na talaga ako.

Then I felt Luke’s arm on my shoulder and turned me so I was facing him. Tiningnan ko siya sa mga mata. Ang kanyang mga mata na nagsasabing magiging okay lang ang lahat. And as if hindi pa iyon sapat, he spoke.

“Babe. You need to calm down. Cut yourself some slack. Your girls are your girls no matter what happened. Maybe they’re just a little shock but eventually they’ll come around. Just give them the time they needed. Trust me, everything will be fine.” He said, his voice is gentle and soothing.

“You really think so?” paninigurado kong tanong in which tinanguan naman niya.

Sana nga ay tama siya. Sana nga’y oras lang ang kailangan nila and they would let me explain na. I wouldn’t want to lose my best girlfriends, wouldn’t I?

****

Napatunayan kong hindi talaga sa lahat ng oras tama si Lucky. Apat na araw na ang dumaan ngunit hindi pa rin ako kinakausap ng ibang Baka Girls. Hindi naman ako tumitigil sa pag-reach out sa kanila, but they still won’t talk to me. Naiinis na nakakatampo ang sitwasyon ko ngayon. If they’d only let me explain.

Napabuntung-hininga na lang ako. Ang lalim-lalim ng iniisip ko. Kailangan kong makausap silang lima. Stat. And so, I decided na pumuntang St. Mary’s. Kakausapin ko si Doc Lee. Maybe may makukuha akong impormasyon sa kanya kung saan nagtatago si Liz ngayon. Uunahin ko munang kausapin ‘yung bruhang ‘yun. Or kung suswertihin naman ako’y baka kasama ni Liz ‘yung apat pang mga Baka.

Agad ko namang kinuha ang susi ng aking 2013 Chevrolet Cruze at nagmaneho papuntang hospital.

Pagdating ko roon ay agad akong nagtanong-tanong kung nasaan si Doc at napag-alaman kong nasa office niya lang pala ito. Thank God, wala siyang masyadong ginagawa. And so I went directly sa office niya.

There I saw him scribbling something sa patient’s records niya. Tinitigan ko siya for a couple of seconds, thinking napakaswerte talaga ng bruha kong kaibigan kay Doc. Gwapo na. Mabait pa. And not to mention mahal na mahal siya. Minsan tuloy nakakahiya mang aminin pero nakakainggit ang bruhang ‘yun. Imagine, along with Doc Lee, they’re already starting to build their own family. Samantalang ako, stuck sa isang lalaking hindi ko alam kung mahal din ba ako o hindi. Oh well.

I Fell In Love with A Poser (Baka Girls #2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon