Chapter Six

635 27 12
                                    

Warning: Some words are not appropriate for very young readers. Read at your own risk.

Chapter Six

Ilang beses ring naulit ang paglabas-labas naming iyon. Each date would end with a hot and torrid kiss in my doorsteps or his car. But then as soon as the kiss would turn to next level, he would just come into a full stop. I don’t even know kung inaasar lang ba niya ako or kung binibitin niya ako sa ginagawa niya. Nakaka-frustrate din kasi minsan kasi ‘yung alam mo ng nararamdaman niya rin ang pagkaka-turn on ko saka naman siya tumitigil. That is one of those moments where I hate him for being such a gentleman. Maging gentledog naman sana siya minsan.

Kagaya na lang ‘nung isang araw na lumabas din kami, we grope and fooled around inside his car and then that’s it. He kissed me and went home. Minsan naiisip ko tuloy kung paano niya nakakayang magpigil ng ‘ganun katagal. I mean, c’mon, he’s a man. Bakla ba siya? Wala ba siyang balak na pumunta sa next level?

Napabuntong-hininga na lang ako. Nakakafrustrate lang kasi talaga. I don’t even know if he likes me, like me. Or it’s just one of those casual things. Alam mo naman sa States uso ‘yung mga casual relationship lang. Friends with benefits kumbaga. And hindi pa ako ready pumasok sa isang casual relationship. Yeah, I admit may mga pagkakataong (dalawang beses lang) nagka-one night stand ako pero that’s it. Mas gusto ko pa ring nasa isang relasyon ako at pareho kaming may nararamdaman sa isa’t-isa kesa puro lust lang ‘yung mamamagitan sa aming dalawa ‘di ba?

“Hoy!” tawag sa akin ni Jasmin ng mapabuntong-hininga naman ako for the nth time. “Alam mo, nakikita ko sa’yo si Liz ‘nung mga panahong broken-hearted pa siya kay Greg.”

“Oy. Wagas. Broken-hearted agad? Kanino naman eh wala naman akong boyfriend.” I defended myself. Kasi totoo namang ‘di ako broken-hearted. Frustrated lang. Lack of you know – stimulation. Ano daw?

“Eh anong tawag mo ‘dun sa Lucky na ‘yun.?” Jasmin said. Even after she met Lucky – accidentally by the way – she still doesn’t like him. She always says there’s really something off with him. I don’t know if that’s still her who’s-the-serial-killer-who instinct or in simple words her paranoia about serial killers. Okay. Paranoia is such a big word, let’s say dahil sa mga napapanuod niya kaya siya ganyan. Dapat talaga inaalis ng cable provider niya ‘yung channel na lagi niyang pinapanooran ng ganyan eh.

Among the five of them si Jasmin at si Liz pa lang ang nakakilala na kay Lucky sa personal. They told me that one time daw sa EK ay hindi naman daw talaga nila masyadong nakita at naaninag ng maayos ‘yung itsura nito. “He’s not that bad looking.” Pag-amin pa sa akin ni Jasmin ‘nun pagkatapos niyang ma-meet si Lucky. Though kahit nga umamin si Jasmin, hindi pa rin natitinag ang ating dakilang dentista. Tough nut to crack nga ‘di ba? As for the other girls naman, saka na siguro ‘pag may pagkakataon.

“Ayan na naman kayo. Magbabangayan na naman kayo dahil na naman diyan sa non-existent lovelife ni Bee.” Wika ni Charlyn. Alam ko namang gusto lang niya kaming awatin pero napakunot naman ang aking noo ‘dun sa sinabi niyang non-existent lovelife ko ‘daw. Let’s just wait and see. Malapit na.

Wait, what? Saan naman nanggaling ‘yung malapit na? Jeez, mukhang kulang na kulang pa ata ‘yung breakfast na kinain ko kanina. Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko.  

“Alam niyo, why don’t we surprise Ann sa office niya? Matagal-tagal na rin siyang ‘di nakakasama sa atin.” Aly suggested. I totally agree with her – you know not just to change the subject. Totoo naman kasing ‘di na namin masyadong nakakasama si Ann simula ‘nung may bagong NBI agent na makakasama.   

I Fell In Love with A Poser (Baka Girls #2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon