Chapter Fourteen

417 24 66
                                    

Chapter Fourteen

“So, Bee, talagang dito pa tayo nagkita muli.” Sabi ni Dr. BBS habang nakataas ‘yung isang kilay. Akala mo naman madadala niya ako sa pataas-taas niya ng kilay. Ahitin ko lahat ng buhok niya sa kilay eh.

Hindi lang ako nagsalita. I’ve learned to ignore her ever since Lee and Liz hooked up. Kasi ever since Lee and Liz hooked up (and eventually got married), she would always say something nasty sa isa sa amin or sa buong grupo. Hindi nga talaga ata siya maka-recover kasi si Liz ang pinili ni Dr. Lee at hindi siya. Pati hindi pa gumana ‘yung mga ginawa niyang paraan para masira ang dalawa.

After Liz and Dr. Lee’s wedding, nawala naman siya.  Hindi namin alam kung san’ na nagpunta ‘yun pero naging matiwasay ang mga buhay namin simula ‘nung umalis siya. Alam niyo naman ‘tong babaeng ‘to. Hitad na salot pa.

So, ngayong nagpakita ulit siya and I’m guessing mukhang ako pa talaga ang unang nakakita sa kanya ay nangangamba ako sa kung ano na naman ang maari niyang gawin. Baka this time, si Luke naman ang balak niyang agawin. Nalintikan na ‘pag nagkataon. Magkakamatayan muna kami bago niya maagaw sa akin ang lalaking mahal ko.

“Kamusta ka naman, Bee? Nagtitiis pa rin ba ang St. Mary’s sa isang nurse na tulad mo?” she asked acidly.

Bitch.

I’m not gonna go down without putting up a fight and so I was about to retort ng mapansin ko ang pagdating ni Luke. Hell and Damnation. Bakit sa lahat ng oras na pwede siyang dumating bakit ngayon pa?

Nakita ko naman kung paano tiningnan ni Hanna si Luke. I could tell she liked what she saw. And she liked it very much. ‘Yung mga tingin niya kay Luke ‘tila tingin ng isang leon hindi nakakakain ng ilang buwan at nakakita ito ng isang daga. Damn. Gusto ko tuloy dukutin ang mga mata niya at i-donate sa mga mas nangangailangan.

Tinitigan niya si Luke mula ulo hanggang paa. And the minute she licked her upper lips gustong-gusto ko na talaga siyang kaladkarin palabas ng mall. Kaladkarin gamit ang buhok niya. Matapos niyang pagsawain ang kanyang mga mata sa itsura ni Luke ay inilipat niya sa akin ang kanyang tingin. Tapos tiningnan niya ulit ako. Then she stared at Luke’s arm na nakapatong sa balikat ko. You don’t have to be a genius para ‘di malamang Luke and I are together.

That’s when she raised her eyebrow at me. Peste!

“Babe.” I heard Luke say. “Who is she?” tanong pa niya. Akala niya siguro kaibigan ko ‘to. Gusto ko tuloy isigaw at ipamukha sa kanya na wala akong kaibigang hitad at salot. But then wala naman talagang alam si Luke tungkol kay Hanna.

Ayoko sanang ipakilala silang dalawa but then naunahan ako ni Hanna. She extended her arm and offered her hand and introduced herself. Kapal ng mukha. Letche!

“Dr. Hanna Pintacaso, Brain Surgeon.” She said at ngitian si Luke. Isang ngiting mapang-akit.

Being the gentleman that he is, inabot naman ni Luke ang kamay nito at nagpakilala rin. I looked at their hands at nakita ko kung paano pisilin ni Hanna ang kamay ni Luke. Anakng! Di na nahiya, nasa harapan ‘yung girlfriend ‘nung tao tapos dumadamoves siya? Tangina sa boyfriend ko pa!

Buti na lang talaga binawi agad ni Luke ‘yung mga kamay at halatang sa mukha niyang hindi siya interesado kay Dr. BBS or else I’m gonna cut off his water. Magtitiis siya ng dalawang linggong walang nookie, walang kiss, walang lips at higit sa lahat walang sex kapag nagkataon.

“Actually, nagpareserve ako ng isang table sa isang resto banda rito,” Hanna said. “I wouldn’t mind if you would join me.” Offer niya kay Luke na akala mo’y wala siyang nakikitang isang Isabelle “Bee” Brackens sa kanyang harapan. Walanghiya talaga ‘tong babaeng ‘to. Harap-harapan ba namang nilalandi si Luke.

Kaya naman bago pa man makasagot si Luke ay inunahan ko na siya.

“No thanks. May gagawin pa kasi kami. Nagpaplano na kasi kaming gumawa ng baby at kailangan naming mag-overtime para sure ball.” I said habang nakangiti at saka tiningnan si Luke. “Buntis agad ‘di ba, babe?” Idiniin ko pa talaga ang salitang “babe” sabay pulupot ng mga kamay ko sa braso niya.

Nakikita ko namang nagpipigil si Luke ng ngiti. Hinayupak ‘to! Mukhang aliw na aliw pa talaga siya sa pagiging possessive ko. Peste! Sinamaan ko tuloy siya ng tingin na naging dahilan ng tuluyan niyang pagngiti. Hayop!

“So, next time na lang.” And that next time means never. Agad naman akong naglakad papalayo. Ngayon si Luke naman ang kinakaladkad ko. Though hindi naman siya nahihirapan dahil kahit na mabilis ang paglalakad ko, ang dalawang hakbang para sa akin ay isa lang sa kanya.

“Babe,” he said. I can still hear his amusement in his voice. Sige lang. Ma-amuse ka lang ngayon.

“Shut up, Luke!” I said and then ignored him. Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang tawagin niya ako ulit.

“Babe.”

Sa sobrang inis ko ay hinarap ko siya. Nasa basement parking lot na kami ‘nun at wala namang masyadong tao. Kung meron man, I really don’t give a shit. I was on the roll and whether they like it or not, I’m going to rant.

“Wag mo ‘kong ma-babe babe, Lucas Grabell. Alam mo bang hindi ka dapat nakikipagkilala ‘dun sa Hanna na ‘yun? At lalong-lalo na hindi ka dapat nakikipagkamay sa kanya. Gusto mo bang magkasakit? May germs ang babaeng ‘yun. Hitad ‘yun, Luke. Ang mga hitad may bacteria kaya dapat pagdating-pagdating natin sa bahay ay mag-alcohol ka! O kaya naman sa sasakyan. May nailagay akong isang bottle ng alcohol ‘dun. At saka nakita mo ba ‘kung paano ka niya tingnan? God! Hindi ko alam kung paano mo  napalagpas ‘yun. It’s like any minute she’s going to eat you.” I rant. Pero hindi pa ako tapos. Nakita ko namang nagpipigil pa rin siya ng tawa.

“Don’t you fucking dare laugh at me, Lucas! Hindi pa ako tapos! At talagang hinaayan mo pa siyang landiin ka kanina? Buti na lang talaga hindi ka nagpadala kung hindi baka kung anong nagawa ko sa inyong dalawa! Matapos mo akong bitinin kanina makikita kong nilalandi ka ng Dr. Brainless Brain Surgeon na ‘yun! Agrh!” finally! I’ve let the cat out of the box. I was breathing heavy habang nakatingin kay Luke.

“You done?” he asked, tumango naman ako. “Dr. Brainless Brain Surgeon?” tanong nito. Halata talagang nagpipigil siya ng ngiti. Nakakainis!

“What?! She has no brain. Kung meron man edi hindi niya alam gamitin ‘yun.” I pointed out.

“Alright then, binitin kita kanina?”

Namula naman ako. What can I say? I was on the roll. Kaya lahat na lang nasasabi ko.

“Let’s go home then. Alisin natin ‘yang pagkabitin mo.” He said. That’s when I felt my belly swoosh.

Hinawakan niya ang kamay ko para sumunod sa kanya at maglalakad na sana papunta sa area kung saan naka-park ang kanyang sasakyan nang bigla siyang napahinto. Tiningnan ko ang dahilan kung bakit siya napahinto.

There, in front of him, I saw Ann. And Jasmin. And then Aly. Charlyn and then Liz. Fuck! The whole BAKA Girls were there. Nakatingin lang sila sa amin. Confusion were written all over their faces. Then napatingin sila sa aming mga kamay.

Halatang-halata na marami silang gustong itanong ngunit wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Mag-e-explain na sana ako when a teary-eyed Liz looked at me straight in the eye. Ang mga mata niya’y ‘tila nanunumbat. And then she walked away.

Sunod-sunod namang nagsialisan ‘yung iba. Huling umalis si Charlyn. Shaking her head na ‘tila disappointed na disappointed sa akin.

Fuck! Could this day gets any worse?

I Fell In Love with A Poser (Baka Girls #2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon