CHAPTER 5

181 11 2
                                    

CHAPTER 5

                 Nagpasyang lumabas ng kwarto ang dalaga ng masigurong tulog na muli ang anak ng lalaki.

                  Hinanap nya kung nasaan ang kusina, ngunit dahil sa laki ng unit, kung saan-saan sya napasuot. Madaming kamangha-manghang kagamitan ang nakita nya ngunit hindi nya alam kung ano. Nakakita sya ng isang aquarium. Mangha sya sa iba't-ibang klase ng isda na naroon. Palibhasa lumaki sa tabing dagat, alam niyang madami ngang ganoong klase ng isda.

                       Hinanap nya kung nasaan ang butas ng aquarium pero wala syang makita.

                       Iyon ang tagpong naabutan ni Johann.

                       "Anong ginagawa mo? " takang tanong ni Johann na ikinagulat pa ng dalaga. Napahawak pa ito sa tapat ng dibdib. "Sorry, nagulat ba kita? Ano ba kasing hinahanap mo diyan? " muling tanong ng lalaki.

                   "Ah, hinahanap ko lang 'yung butas at kung saan pwede ipadaan yung pagkain nila. "

                   "Hindi sila kumakain! " sagot ni Johann.

                   "Ha? Bakit? Buti hindi sila namamatay! " ani Aya bago muling tiningnan ang mga isda.

                   "Electronic Aquarium kasi 'yan. " paliwanag niya.

                   "Ano iyon? "

                   Napakamot ng ulo ang lalaki.

                   "Hindi totoo ang mga isdang nakikita mo. Peke lang sila. "

                   "Eh bakit sila gumagalaw? "

                   Napatalikod na lang si Johann.

                   "God, what have I done wrong para parusahan mo ako ng ganito kabigat?! " tanong nya sa sarili lamang ang nakakarinig.

                    "Ah, ano kamo? " ani Aya na narinig ata ang sinabi niya ng bahagya.

             "Ah wala. Sabi ko, gutom lang yan. Kumain muna tayo. " anang lalaki bago nauna ng tumalikod at napabuga ng isang malalim na buntong hininga.

                   Walang nagawa si Aya kundi sumunod sa lalaking nauna ng lumakad. Ngunit nililingon nya pa rin ang mga pekeng isda, na sinasabi ng lalaki at puno ng kainosentehang iniisip kung paano gumagalaw ang mga iyon.

                    Napahawak sya sa sikmura nya ng maamoy ang isang mabangong amoy na hindi nya alam kung saan nagmula.

                    Pumasok ang lalaki sa isang maluwang na kwartong puno ng kagamitang pangkusina.

                    Naipaikot ni Aya ang ulo sa pagkamangha. Hindi magkandaugaga ang mga mata niya sa karangyaang nakikita.

                   Nakita nya ang lalaking humila ng isang upuan. Hindi nya alam ang ginagawa nitong iyon, kaya lumapit din sya sa isang upuan at ginaya ito. Hinila din niya ang isang upuan at tumingin sa lalaki.

                    Napansin nyang bumuntong hininga ito bago umupo sa upuan. Ginaya nya rin ito. Umupo din sya. Nanatiling nakamasid lang siya dito.

My Innocent Angel(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon