CHAPTER 4

177 11 0
                                    

CHAPTER 4

Ayon sa kanyang pagsasaliksik dati dahil malayo sa kabihasnan ang Isla Tawig, halos lahat ng tao ay kapos sa edukasyon. Walang elektrisidad sa lugar at maraming tao ang mawawalan ng tirahan oras na kamkamin niya na ang isla. Kaya dala na rin ng awa sa mga taong nakatira dito, ipinagpaliban nya muna ang pagpaparenovate sa Isla habang hinahanapan pa niya ng panibagong titirhan ang mga tao.

                        Ginamit marahil ng kakambal nya ang titulo ng lupang nakapangalan sa kanya. Malaki kasi ang kautusan nyang huwag ng magpapasok ng kahit na sino sa Islang pagmamay-ari niya.

                        "Byron Yuan! You'll pay for this one! " aniya sa sarili bago naikuyom ang kamao habang hindi inaalis sa imahinasyon ang mukha ng walang hiyang kapatid!

                         "Sino siya? " natuon ang pansin niya sa dalagang taga isla. Nakatingin ito sa anak niya.

                       "Ah, her name.. Ahm.. I mean, ibig kong sabihin, siya si Sherie anak ko.. " paliwanag niya.

                         "Anak mo? " ulit nitong tanong.

                         Tumango si Johann.

                         "Nasaan ang lola ko? " muling tanong nito na ikinagulat niya.

                         "L-lola mo? " muling tanong din niya dito.

                         "Oo. Di ba sabi mo nasa Maynila siya? "

                         "Sinabi ko ba 'yon? "

                         "Nakalimutan mo na ba? Sabi mo dinala sa ospital si Ima dahil malala yung nangyaring sunog sa kanya. "

                          Nawalan siya ng isasagot.

                          Hindi niya alam ang sinasabi nito tungkol sa lola nito, tungkol sa sunog! Marahil napagkamalan rin nitong siya si Yuan!

                         Ano nga kayang ginawa ni Yuan sa lola ng dalaga? Hindi niya masasagot ang katanungang iyon kung hindi niya itatanong sa kakambal niya.

                          Pero ang masaklap, ayaw na niyang makita pang muli si Yuan, dahil hindi niya alm ang maaari nyang gawin dito, oras na makita niya ito!

                         "Ano? Asan ang lola ko? " muling tanong nito.

                         "Ah.. Sige ipapahanap ko na lang kung nasaang ospital sya ngayon, sa ngayon, kelangan mo munang kumain kagabi ka pa siguro hindi kumakain. " pagliligaw niya sa anumang sasabihin nito.

                    Nagtagumpay naman siyang iligaw ito ng animo bata itong napahawak sa sikmura pagkarinig sa salitang pagkain.

                          "Ganito, habang naghahanda ako ng pagkain, maligo ka muna. " anang lalaki bago pumasok sa built-in cabinet at ng lumabas ay dala na ang isang puting tuwalya at isang oversized t-shirt at puting pajama. "Pagpasensyahan mo na muna 'tong damit habang hindi pa tayo nakakabili ng masusuot mo. " akmang tatalikod na ito ng may maalala.

                           "Asan ang batalan? " tanong nito.

                          "B-batalan? " ulit niya sa tanong nito.

My Innocent Angel(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon