Previous Page of 3Next Page

My Innocent Angel(on going)

spinner.gif

 CHAPTER 1

            "Lalalalala... " pakanta-kanta pang nakatungo sa buhanginan habang naglalakad sa dalampasigan si Aya. Hawak ang isang maliit na basket na naghahanap ng mga shells na ginagawa nilang palamuti.

             Hindi alintana ang init ng araw, bakas ang namumulang talampakan sa  maputing buhanginan ng Isla Tawig. Alas diyes na noon ng umaga, mainit na sa balat ang sikat ng araw.

               Ang Isla Tawig ay masasabing isa sa pinakamagandang islang makikita sa  may bandang Timog Katagalugan ng Luzon na nasa ikaapat na rehiyon. Isang mala paraisong lugar na malayo sa kabihasnan. Isa't kalahating oras na biyahe ng bangka mula sa bayan ng Atimonan, Quezon ay mararating mo na ang islang ito.

               Kilala ang Isla Tawig dahil sa mala kristal na buhanginan sa tabing dagat, sariwang hangin na may napakabangong simoy, magagandang tanawin at asul na karagatan. Ngunit ang lahat ng ito ay sa umaga lamang nasisilayan, sapagkat pagsapit ng gabi, ang animo buhay na buhay na kagandahan ay para ng isang walang hanggang kadiliman. Walang elektrisidad na dumadaloy sa Isla. Kapos sa sibilisasyon. Kaya't hindi nakakapagtakang halos lahat ng mamamayan sa lugar na ito ay hanggang Ikaanim na grado lamang ang natapos. Walang sapat na kakayahan ang mga tao para ipagpatuloy pa ng High School ang edukasyon. Sapagkat ang eskwelahan ay matatagpuan pa sa bayan ng Atimonan, na may halos tatlong oras na bangkang de sagwan ang gamit na bumibiyahe lamang ng isa't kalahating oras.

                      Pangingisda, pangunguha at paninisid ng perlas ang tanging hanap buhay ng mga tao dito. Halos dalawang daang pamilya ang sama-samang namumuhay sa Isla, kasama na roon ang maglolang sina Aling Carmen na kilala sa tawag na Impong Hilot at ang kanyang napakagandang apo na si Aya.

                     Si Aling Carmen o Impong Hilot ang kaisa isang manghihilot sa Islang iyon, halos lahat sa kanya dumaan lahat ng buntis at nagpaanak sa mga ito. Dahil na rin sa sobrang layo kasi ng ospital at klinika, hindi na rin magawang magpa-ospital ang mga manganganak bagkus tatawagin na lamang si Impong Hilot para magpaanak dito.

                     Ngunit may katandaan na rin si Aling Carmen at alam nilang darating ang araw na hindi na niya magagawa pang magpaanak. Ayaw naman niyang sanayin ang apong si Aya sa pagpapaanak dahil sa edad na disinuebe ay ayaw nyang makakita ang apo ng paghihirap sa panganganak, dahil baka dumating ang araw na hindi na nito naisin pang mag-asawa at bumuo ng pamilya dahil takot itong manganak.

           Umaasa sila sa padala ng nag-iisang anak ni Aling Carmen na nasa Maynila at nagtatrabaho sa isang pabrika ng karton, si Armenio o mas kilala sa tawag na Armen.

            Madalang itong umuwi sa Isla kung kaya't ipinapadala na lamang nito ang perang panggastos nila sa araw-araw.

                Hindi lihim sa mga taga Isla ang pagkatao ng apo ng manghihilot na si Aya. Nag-iisa lamang ang anak ni Impong Hilot ai isa pang binabae.

              Si Aya ay iniwan lamang ng isang babaeng nagngangalang Amalia kay Impong Hilot matapos nitong isilang ang pobreng bata. Nangako itong babalikan ang bata ngunit namuti na ang mga mata ng matanda ay hindi pa rin ito nagpapakita hanggang sa kasalukuyan. Kaya itinuring na niyang tunay na apo si Aya.

                   Batid ni Aya ang kwento ng buhay niya, ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang magtanim ng galit sa inang alam niya namang inabandona lang sya at walang sapat na dahilan. Para sa kanya, sapat na ang pagmamahal na inukol ng kanyang lola sa kanya.

                     "Malapit ng mapuno ang basket ko.. "

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Chris Evansas Byron Johann
Chris Evansas Byron Yuan
Kim So Eunas Aya

Who's Reading

Recommended