Chapter 19

540 19 0
                                    

Chapter 19- Sorry?

HOPE'S POV

Pagkatapos ibigay sakin ni Lynn yung gamot ay pumunta na ako sa kwarto ni Gray dala ang sopas na niluto ko.

Pagdating ko doon ay mahimbing ang tulog nya. Pagod na siguro. Pero diko alam kung naramdaman ba nya ang presensya ko kaya sya nagising.

" Hopi? Akala ko iniwan mo ulit ako" diko narinig ang huling sinabi nya pero ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita nya.

" Heto oh, kumain ka na. Nagluto ako ng sopas. Pagtapos mo inumin mo na tong gamot." Sabi ko sabay lapag ng pagkain sa mesa na tabi ng kama.

" Subuan mo ako" he pouted.

" Ano ka? Bata? " Sabi ko naman.

" Please? Bakit nagagawa mo yun sakanya? Sana ako nalang sya" may sinasabi talaga sya eh, kaya langhalos pabulong na ito.

" Tsk. Oo na. Oh. Nganga" sabi ko sabay abot ng kutsara sakanya.

"Ahh" tsk. Childish. Diko alam na may ganto pala syang side. Akala ko sa paghohook lang ng babae to magaling eh.

" Isa pa" sabay subo ko ulit sakanya.

" Shandari rang. Mabuburunan ra ako" ano daw?

" Ano!?" Diko maintindihan ang sinabi nya eh.

Hindi muna sya sumagot. Nilunok nya muna lahat bago magsalita. " Sabi ko, sandali lang. Kasi mabubulunan na ako."

Ayts! Hahahah. Infairness mukha syang bata nong nagsasalita sya kanina.

" You smiled" pagkuwan ay sabi nya. Tila amazed na ngayon lang ako nakitang ngumiti.

" Akala ko hindi ka na ngingiti sa harap ko" saad nya ulit.

" Ha? Kain ka na ulit oh" pag iiba ko ng usapan.

" You look like an angel when you smile. I just hope that I am the reason for it" hayag nya habang kumakain.

" Gray..."

" Sorry. I know ilang beses na akong nagsosorry. Pero Hopi. Sana mapatawad mo pa ako. I know that I've been a jerk so many times, pero nagsisisi na ko. I am so sorry for hurting your Heart Hopi."

Di ako nakapagsalita matapos nyang sabihin iyon. Namayani ang tunog ng kutsara at ang pagclick ng orasan. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwarto.

Natapos na syang kumain at uminom ng gamot.

" Matulog ka na. Magpagaling ka para makauwi ka na bukas."

" P-pwede bang tabihan mo a-ako Hopi? Just...just this once?" Sabi nya.

" Hindi pwede Gray" sabi. Akmang pipihitin ko na ang knob ng pinto pero naramdaman ko ang kamay ni Gray na pinipigilan ako.

"Please. Kahit ngayon lang?" Sabi nya.

" Fine. Pero hindi ako matutulog dito. Aalis rin ako kapag nakatulog ka na." Pagsuko ko. Pagod narin kasi ako.

" Thank you" sabi nya sabay hila sakin.

" Good night Hopi"

" Night Gray" tugon ko.

Pumikit na sya. Akala ko tuluyanna syang nakatulog pero, hindi pa pala. Akmang aalis na kasi ako ng bigla nalang syang yumakap at sumiksik sa akin. Pilit kong tinatanggal ang kamay nya, pero mas lalo lang itong humigpit. Prang sawang nakalingkis sa aking maliit na beywang.

"Gray. Lalabas na ako." Habang tinatanggal ang kamay nya.

" No. Please stay." Sabi nya na isiniksik ang ulo sa leeg ko.

Wala akong nagawa kundi hindi umalis hanggang sa tinangay na ako ng antok. Nakatulog na ako.

NAGISING ako sa umaga dahil sa isang sigaw.

" Ahhhhh! Rape!!!! Rape!!!" Kita ko naman ang gulat na si Yaya Lynn habang nasa may pintuan ng kwarto.

" Ano ba yaya. Matutulog pa ako" sabi ko sabay pikit ng mata.

" Ma'am! Anong ginawa nyo? Oh my Gosh! Rapist ka Na ma'am!" Sigaw nya ulit.

" Can you just please shut up!? Natutulog ang tao eh! Atsaka ako? Rapist!? Pano naman aber!?" Galit na sabi ko.

"Yun po oh. Si pogi. Bakit katabi nyo matulog? Kala ko sa kabila ang room niyo?" Sabay turo niya sa tab-

Oh my G! Nakatulog pala ako kagabi! Argh! Kaya pala!

" A-ah eh-"

"I O U? Naku ma'am. Lumang gimik na po yan. Tsk! Kala ko pa naman ang bait nyo. Bakit naging rapist kayo? Tsk! Tsk! Tsk!" Ano ba talaga role nitong babaeng to? Ako ata amo diba?

" Heh! Magtigil ka nga Lynn kung ayaw mong masisante" sabay irap ko sakanya.

" Hmmp. Nagbibiro lang naman ako eh" aba! Sungitan daw ba ako?

" Iba iniisip mo. Nakatulog lang ako dito no. Walang nangyari" paglilinaw ko sa pinagsasabi nya.

"Hmm? Sure???" Pinaliit nya pa ang mata nya.

"Sure" sabi ko naman.

" Talagang talaga?"

" Isa pang salita mo dudukutin ko na yang dila mo" sabi ko.

" Oppps! Sorry na po." Sabi nya sabay zip ng bibig.

" Anong oras na ba?" Tanong ko.

" Mag ten na ma'am" ah...kaya pala mainit na.

Tinignan ko ang katabi ko. Mahimbing parin ang tulog. Di man lang nagising sa bungangaan namin ni Yaya? Siguro dahil sa may sakit sya.

Bumaba na ako para kumain. Iniwan ko na si Gray doon. Mamaya ko nalang sya gigisingin.

Is 'She' Also 'Her'? (Completed) (U.N.E.D.I.T.E.D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon