Bogart says 39

27.4K 879 46
                                    

Eiji's Point of view

Pagkapasok ko pa lang ng gate ng school, ako na kagad ang pinagmulatan nila ng mga mata! I can't read them all pero alam ko, gusto nila ng words from me about the prom. About the prom, sino kaya ang itinanghal na King and Queen of the Night? Nagpunta ako dun sa may stage kung saan may mga pictures na nakapaskil sa may bulletin.

Si Stephen pala at yung class president nila Buknoy ang nanalo. He looks good on this pic kaso medyo may pagka-awkward ang pose; pero dito sa isang pic with Patti, he let loose and it's more natural. I was busy skimming through the pictures till may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.

"Sino to?" udyok nya. Parang tanga. Anong saysay ng pagtakip nya ng mata ko kung magsasalita rin pala sya? Di sana tenga ko na lang tinakpan nya.

"Oh my gosh! Hindi ko alam kung sino to!" sabi ko ng may pagkasarcastic. Inalis nya ang mga kamay nya. Maya-maya pa'y nasa bewang ko na ang mga iyon, naka-rest ang kanyang ulo sa aking balikat  habang nakikitingin din sa mga litrato. Pareho kaming naiinggit kasi most of the pictures featured there were of couples. Pero teka lang a, kay aga-aga PDA? Kung nabubuhay pa ang lola malamang kinurot na ako sa aking singit. Sakit kaya nya mangurot!?

"Nakakainis! Wala tayong picture." sabi nya.

"Oo nga. Kasi ikaw e." simpleng sisi ko sa kanya.

"Hulu!? Bakit ako?" tanong nya sabay harap sa akin na para bang na-upset nya ako. Ang cute nya magpacute. Hindi masagwa. Di katulad ni Ellis. Ugh. Bat ko nga ba nabanggit ang lukaret na yun? Moving on.

"Kung hindi mo ako hinila dun sa manhole pwede pa sana tayo makahabol sa pagpapapicture. Sayang din yung pinambayad natin dun. Hindi natin na-maximize. Ni wala nga tayong na receive na souvenirs." sabi ko. "Ni last dance nga wala e." pahabol ko habang nakaupo doon sa stair ng stage.

"Aww, Hanybee I'm sorry. Hayaan mo, babawi a-."

"Ayoko! Masakit pa rin!" inunahan ko na sya. I know very well what he meant by babawi. Alam ko nga ba?

Natawa sya sa sinabi ko at tumabi sa akin sa pagkakaupo habang nakaakbay. Pansin ko parati nyang pinupuntirya balikat ko ha? Teka, hindi kaya pinipigilan nya ako tumangkad? Kasi, sya na rin nagsabi, pagpinu-pull down ang weight, nauudlot ang paglaki. Manunudlot tong lalaking to!

"Uy si Hanybee looking forward dun." pang-iinis nya. "Iba naman yung sinasabi ko." He assured. Parang sya lang na-assured sa sinabi nya. At hayan, dahil sa nagjump kagad ako sa conclusion nagmukha akong kating-kati. Kahiya! Kay aga-aga pa man din!

"Ano?” painis kong tanong habang nag-dash one space to the left. He filled that space so that magkadikit ule kami. Dedma lang sa mga freshmen na nakakakita sa amin. Haha! See how I ruin our CLE teacher's words to ponder: Be a good example to lower years.

"Basta. You will know.” sabi nya. Walang paalam, basta na lang sya nanghalik sa pisngi sabay layo sa akin probably to catch him. Well I'm sorry. It's too early for a P.E. I don't want to break a sweat. Ano daw?

"Malalaman mo rin mamaya, Hanybee. Pramis!" isang kindat muna ang ginawa nya bago tumalikod sa akin at sumabay sa kanyang mga kaibigang lalaki. Naalala ko tuloy ang F4 noong elementary ako. Si Buknoy will be Dao Ming Su at ako naman ang kaopisyal-pisyalang San Chai. Hayaan nyo na, minsan lang mangarap e.

Tumayo na rin ako at nagpuntang classroom. Nakakahiya naman kay manong janitor na nakatayo sa gilid ko, may dalang mop -- lugar ko na lang pala di nya nalilinisan.

"Hoy gaga ka! Napaka-eskandalosa mo nung prom ha!? Yan na headline ka sa newsletter natin!" inihampas ng president namin yung finold nyang newsletter pagpasok na pagpasok ko pa lang ng room. At ako pa talaga siguro ang magpapasalamat na hindi tubo ang hinampas nya sa akin. Wala syang kamalay-malay na I was held victim. By the moment and by that girl.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon