Bogart says "10"

36K 1.1K 106
                                    

Buknoy’s Point of view

Sa bahay after that scenario.

“O Buknoy ba’t ganyan ka maglakad?” tanong ni mama nang papalapit ako sa kanya sa kusina para magmano.

“E ma, si Eiji kasi inapakan ako e!” sumbong ko habang kumukuha ng maiinom.

“Aba’y bakit ka inapakan!? Siguro may ginawa ka sa kanya.” Natumbok ni mama! Ang galing!

“Mmm…wala naman-“

“Hmm…anong wala naman!? Wag mo akong tinatanga ha! Hindi ganon ang pagkakakilala ko kay Eiji. Sabihin mo na kung anong nang-”

“Hi honey!” sigaw ni papa na kararating lang dun sa may sala. Kaagad lumabas si mama para batiin sya. Ilang saglit lang pumasok si papa sa kusina at binati ako ng tanong.

“Anong ginawa mo kay Eiji para apakan ka anak?” I mean, hindi naman parang manunugod ang dating ng tanong nila, curious lang talaga sila. E ako naman nagdadalawang isip kung magsisinungaling ba o sabihin na lang ang totoo. Kung magsisinungaling ako, then I could just eat my dinner and go to my room without bothering (about that). But something (and when I say something, it’s got to be important) is bothering me (particularly my feelings). At kung meron mang higit na makakaintindi sa akin, hindi si Dr. Phil kundi ang aking magulang.

Tinanong uli ako ni papa.

“Huy ano na?”

“Hinalikan ko po si Eiji…sa labi.” Gulat na gulat sila sa kanilang narinig. Di ko lang alam kung anong klaseng gulat yung pinakita nila kasi kahit ako man litong-lito na. Sinabihan ako nina mama’t papa na magpaiwan pagkatapos kumain. Feeling ko, ako’y masasalang sa hot seat.

Matapos ang kainan,

“Sige anak toothbrush ka na ng ngipin bago ka matulog.” Sabi ni mama kay Mark na sinunod naman ng buong pag-galang. Now that it’s only the three of us nagsimula na akong makaramdam ng kaba.

“Anak bakit mo hinalikan si Eiji?” tanong ni mama.

“Ma it was a cumpolsory game. Naglalaro kami ng Truth or Dare at yun ang pinagawa ni Robert.” Sagot ko.

“Did you hesitate in the first place?” gustong malaman ni papa.

“Opo kasi alam kong hindi naman ganong klase si Eiji. Taas ng tingin ko dun ( kahit maliit lang sya) e.”

“E kung mataas ang tingin mo sa kanya, bakit mo pa rin tinuloy? Bakit di ka na lang nag pass o di kaya mag truth na lang?” sabi ni mama.

“Ma Truth ang una kong pinili nun and my last chance was Dare.”

“Teka ano ba yung Truth at bakit mo napiling magdare na lang!?”

“Kung nalilibugan daw po ako kay Eiji. Kaya nagdare na lang ako.” Napangiti si papa sa aking rebelasyon kahit si mama pero medyo pigil yung ngiti ni mama.

“Was the Truth true?” tanong ni papa. I do fantasize Eiji but I don’t know it will go this far. And to answer his question, tumango lang ako ng dalawang beses not wanting to meet their eyes (nakakahiya e).

“Anak –” sabi ni mama sabay patong ng palad nya sa ibabaw ng aking kamay. “ May gusto ka kay Eiji?” dugtong nya.

“Ma hindi ko alam…Opo.”

“Kakaiba yang kaso mo anak. Kasi ang alam ko mga bakla ang unang nagkakagusto sa mga lalaki. At yung mga lalaki naman, wala talaga silang pakialam sa pakiramdam ng mga bakla. Ang pakialam lang nila, in general, ay yung pera ng mga bakla. Anak, nagbibigay ba si Eiji ng pera sayo? Are you gay for pay?” napaka-rasyonal ni papa mag-isip pero,

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon