Bogart says 38.2

22.4K 924 79
                                    

Hello guys medyo napabilis ang update, this chap's long and it's about to get hot.

Nang nakapag-register na sila Red at Eiji sa may reception area, tuluyan na silang pumasok sa pagkaganda-gandang Gazebo. Ika pa nga ni Eiji ay para syang nasa set ng Encantadia. Napapalamutian kasi ito ng iba’t – ibang klase ng halamanan. Ngunit ang tanging nagpapangit lang ayon sa kanya ay yung makita nya ang isang mangkukulam na tila kinapos sa tela ang damit. Pabiro nya pa ngang nasabi na sana nadala nya ang panggantsilyo nya.

Dahil first time nya pa lang makarating sa Gazebo, itinour sya ni Red na certified tambay ng Gazebo. Sumama si Eiji sa lalaki nang malingat muna saglit ang isipan sa babaeng inimbita ni Buknoy sa Prom. Tinanggal nya na rin ang maskara dahil parang balewala na rin ang silbi nito.

Lingid sa kaalaman ni Eiji na sinusundan sya ng tingin ng mga mata ni Buknoy mula sa pagkakaupo nya dun sa table ng kanyang mga tropa. Buti kamo’y hindi napili ni Ellis na makiupo sa kanilang table dahil wala rin naman syang balak na mang-imbita. Ngunit sa kabilang banda ng pagtingin ay ang namumuong dugo sa lalaking ilang beses nya ng nakikitang nakaakbay kay Eiji.

May mababasag na naman akong mukha. Sabi nito sa sarili sabay nagpatunog ng kamao.

“Hoy!” sinigawan sya ni Robert. “Ba’t mukha kang may papatayin? Chillax bro! Di pa nga nagsisimula ang prom e. Siguro gutom ka na. Ito o tikman mo yung appetizer nila.”

“Dahil may papatayin nga ako Robert. Makita ko lang bumaba ang kamay nya mula sa balikat papuntang baywang, basag mukha nya sa akin.” Sabi ni Buknoy habang kumukuha ng vegetable chips sa platitong hawak-hawak ni Robert na hanggang ngayo’y wala pa ring clue kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.

Nabaling lahat ang atensyon ng mga magpro-prom nang nagsalita na ang dalawang emcee na galling sa Student Council. Syempre, hindi mawawala parati ang dasal sa simula. Sinundan ito ng pagtawag sa kagalang-galang nilang Principal para sa isang short  foreword, then sa pagpapakilala sa mga kandidato sa pagiging King and Queen of the Night. Nasa kalagitnaan pa lang ng pagpapakilala ng mga contestants, pinatatawag na ang mga coutillion participants dun sa isang hall.

Iniwan nya ang lugar at dali-daling pumunta sa nasabing lugar. Pagpunta’y nakita nya si Eiji. May pagnanais syang kausapin ito ngunit sa isang banda hindi nya alam kung pano. Galit yan sa akin panigurado. At tumama nga sya sa kanyang hinala nang hindi sya pinansin ng boyfriend nya nang kinalabit nya ang kanyang balikat ng dalawang beses.

Hindi pinahintulutan ng oras si Buknoy na mag-explain dahil ngayo’y tinawag na ng mga emcee ang sasayaw ng coutillion. Yung mga estudyanteng kanina’y nakaupo ay tumayo na rin upang pagmasdan ang papasok na mga sasayaw, inihanda na ang camera, videocam para i-record ang mga mangyayari.

Binigyan sila ng masigabong palakpakan pagkapasok sabay patugtog ng Beauty and the Beast. Habang sumasayaw ay nag-aangat si Buknoy ng ulo para lang makita si Eiji na pagkalayu-layo ng distansya mula sa kanila ng kasayawan nya. Preoccupied si Eiji. Parang wala syang ganang sumayaw, di tulad ng sa rehearsal todo-bigay. Para bang ang tanging nagpapasayaw na lang sa kanya ay yung ka-partner nya. Other than that, satisfactory naman ang pag-execute nila ng sayaw na ultimo Principal ay napa-standing ovation.

 Matapos ang sabay-sabay nilang pagba-bow, kanya-kanya na silang alis sa dance floor. Tatangkain pa lang sana ni Eiji na umalis, pinigilan sya ni Buknoy, hawak-hawak ang kamay at sinabing,

“Come with me…”

Come with me mo yang mukha mo! Sabi ni Eiji sa loob-loob habang tinitignan lang si Buknoy, marahil may hinihintay na marinig ang karugtong ng kanyang sinabi.

“…please?”

Kumurap si Eiji at naglakad papunta sa direksyon na sinabi nya, tikom pa rin ang bibig. Si Buknoy naman na nasa kanyang likuran ay napakamot ng batok at nag-iisip kung pano nya ba sisimulan ang panunuyo. Hindi na pinagbigyan ni Eiji ipakita ang pagkamaginoo ni Buknoy sa pag-offer sa kanya ng upuan sapagkat nakaupo na sya bago nya pa tangkaing magpa-impress. Kaya naman wala ng nagawa si Buknoy kundi umupo na lang din. Ilang sandali lang ang lumipas, kainan na.

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon