Bogart says 42.2

16.9K 804 20
                                    

Buknoy I love you...but I guess we're through. Ito ang huling birong narinig nya kay Eiji bago sya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lang sya nasa kama na sya ng ospital. Hindi nya alam kung pano at sino ang nagdala sa kanya dito. Gusto nyang umalis. Tinatanggal nya ang mga nakakabit sa kanya, subalit masakit ang katawan nya - nanghihina. Napansin din nyang iba na ang suot nya. Hindi na ito yung kaninang unipormeng dinisenyuhan ng dugo. Puting-puti ito.

Ilang saglit lang, naanigan nyang may gustong pumasok. Inaasahan nyang si Eiji iyon ngunit pagkatulak sa doorknob papasok, si Ellis ang nakita nya - may dalang basket ng prutas at bulaklak.

"WIller what are you doing!?" tumakbo papalapit si Ellis, inilapag ang dala at pilit binalik sa pagkakaayos ang mga tinanggal ni Buknoy. Patuloy ang panenermon ni Ellis habang ginagawa ito na para kay Buknoy ay dapat wala naman syang ipagpakialam.

"Ellis I'm fine." hinila ni Buknoy ang kamay na hinahawakan ni Ellis. "Teka, ba't ba ako nandito? At ikaw,  bakit ka nandito?" nagtatakang tanong ni Buknoy.

"You collapsed Willer." ika nya.

"Pano mo naman nalaman yun?"

"Dahil pinapasundan kita. Hindi mo lang alam." Nilapag nya ang dalang shoulder bag. "I really don't get you Willer. You're acting like a dog over Eiji."

"Ano bang pakialam mo?"

"Don't I have a care? At all? E yung parents mo, ganun din ba ang response mo sa kanila pag sila ang nag point out sayo nun? My god WIller, you've been blinded by love that you can't even see Eiji doesn't love you anymore."

"Dyan ka nagkakamali." pagmamayabang ni Buknoy sa dating nobya.

"If I'm wrong then where is he? Alam mo ba nung sinundo kita doon sa campus nung guy, he didn't even flinched. But, instead, he let himself be wrapped by the guy's arm and walked away."

Ipagtatanggol na sana ni Buknoy si Eiji nang biglang pumasok ang mga magulang nya sa kwarto - hindi makapaniwala sa sinapit ng anak.

Nung makaalis kasi ang anak nung madaling araw, sinubukan nilang tumingin ng mura-murang bahay sa may Antipolo kung saan lang din residente ang kapatid ni Aleng Angie. Bago pa man din nun, magkasama na ang mag-asawa pumunta ng mga bangko para magloan ngunit nang nakita nila ang record nya sa pinapasukang kompanya, wala ni isa ang nagpaunlak magpa-loan. Balisang-balisang umuwi sila ng bahay ng kapatid ni Aleng Angie. Doo'y nakareceive sila ng text kay Ellis na sinasabing nasa Ospital ang anak. Ang sinabing dahilan: nakipag-away dahil kay Eiji. 

Kaya nang makaluwas ng metro manila, kaagad silang sumugod sa Ospital. Ang ama lang ang hindi umiiyak. Hindi nya magawa sapagkat magkahalong galit ang pumapaloob sa kanya. 

"Buknoy ano namang kataranduhan to?" tanong ng papa nya pagkapasok na pagkapasok sa kwarto. Ang kanya namang ina, agad na nilapitan ang anak at hinaplos-haplos sya.

"Pa, sorry pa." sabi nya. "Gusto ko lang naman po makatulong e. Pinuntahan ko po yung anak ng boss mo, nagmakaawa po ako para pabalikin na kayo sa trabaho at wag ng kunin yung bahay natin."

"Buknoy hindi ko naman sinabing gawin mo yun e!" naiinis na sabi ng papa nya. "At alam kong hindi mo rin ito ginawa para lang sa purpose na yun! You did this for Eiji."

"Tama ka Pa. I also did this for Eiji. Ayoko sya mapunta kay Red, Pa. Natatakot ako."

"Buknoy hindi mo nakukuha e. Ayaw na ng magulang nya maging sya, sayo. He is setting you free because he can't afford to keep you. Can't you see, you just made him leave you. Naawa sya sayo. Sa atin. Alam na alam nya ang nangyayari sa paligid. For sure, meron din yung problemang kinakaharap. He just solved one. And that is to let you go."

"Pa, pano mo nagagawang sabihin yan?" umiiyak na si Buknoy. Napaiyak nya rin ang ama nya matapos ng tanong na yun. Pabuntong hiningang lumapit ang kanyang ama.

"Buknoy you're that one person that is vulnerable to love. They always cheat on you. Take advantage of you. And then, leave you. Ako naman nagmamakaawa sayo Buknoy, call it quit already. Kami nahihirapan sa ginagawa mo e."

"Pa, I love Eiji --"

"You're loving him too much Buknoy. It's dangerous."

Humingi si Buknoy ng oras para makapag-isa. Gusto nyang iiyak ang mga masasayang samahan nila ni Eiji. Nangangamba syang baka hindi na iyon maulit. Subalit, kahit anumang pagnanais nilang hiwalayan niya na si Eiji merong isang parte sa puso nya ang nakakapit pa rin sa pisi na sa oras na bumitiw, hindi na maaaring maikabit.

"I hope masaya na kayo dahil hiniwalayan ko na si Buknoy." sabi ni Eiji habang nakatingin lang sa mga magulang, lalo na sa ama, habang sila'y naghahapunan.

Hinaplos ng mama nya ang kanyang kamay. "I'm sorry, honey."

"Ma, it's okay. It's definitely fine. Just don't call me honey from now on." sabi nito. "You're letting me remind my 'hanybee'" dagdag nito.

"That's a good sign." komento ng papa nya.

"Oh is it, dad? I thought it's very good. Very, very good." sarkastikong pag-e-emphasize ni Eiji. "I'm a go to my room and do advance studies. Baka kasi hindi ako maging valedictorian. Pilot section pa naman ako. Sige Pa, Ma, good night."

Tumayo si Eiji at nagpunta na ngang kwarto. Pagkaalis nya ay nagtalo ang mag-asawa tungkol sa ikinilos ng anak.

"He'll get used to it." pag-a-assure ng asawa sa babae.

"And what, we'll get used to this attitude he's portraying!? Honey, it's killing me!" tumayo na rin ang babae at iniwan ang asawa mag-isa.

Isang linggo namalagi si Buknoy sa bahay upang doon magpagaling. Araw-araw ding bumibisita si Ellis para dalhan sya ng mga prutas. Malugod naman nilang pinapatuloy si Ellis na para bang nakalimutan na nila ang nakalipas. Nakuha ring alukin ni Ellis ang ama ni Buknoy kung gusto nya bang magtrabaho para sa kompanya ng ama. Nahihiya si Tito Ben ngunit wala pa rin syang nahahanap na trabaho sa mga panahong iyon kaya pumayag na ito. Sa mga ginagawang pagmamalasakit ni Ellis, nakuha ni Buknoy magpasalamat.

"Uhm, Ellis thank you ha!?" sabi nya nang minsang magtungo syang kusina kung saan tumutulong si Ellis sa paghihiwa ng gulay.

"For what?"

"For everything. Simula sa pagbayad mo sa ospital bill, sa pagrecommend mo kay papa sa kompanya nyo, up until now." sabi ni Buknoy habang tumulong na rin sa paghihiwa ng gulay.

"Ano ka ba, okay lang. Hindi na kayo naiba sa akin." sabi nya habang hinahawi ang bangs sa mukha.

"Uhm, babalik ka na ba ng Paris?"

"Hmm, not if there's a reason to stay." Hindi iyon sinagot ni Buknoy bagkus nagpaalam sya na pupunta lang ng kwarto dahil may nakalimutang gawin. Nakalimutan nyang magprepare ng mga gamit pampasok. Naeexcite na kasi syang makita si Eiji. Hindi kasi macontact ang phone nito at mag-iisang linggo na ring hindi nag-o-online.

Samantala, mag-iisang linggo na ring inihahatid sundo si Eiji ni Red, maski ang mga ibang estudyante hindi maiwasang malito dahil ang alam nila sila pa ni Buknoy. Iyon din ang pagkakaalam ng bestfriend nyang si Patti. Minsan nga ay hinila ito ni Patti palayo kay Red at kinompronta.

"Eiji bakit kasama mo yang gunggong na yan?"

"Boyfriend ko." walang buhay na sinabi ni Eiji sa kaibigan. Natawa si Patti. Akala nya isa lang itong prank dahil mag-iisang linggo ng absent ang ulupong. Ni walang nakakaalam ng sinapit ni Buknoy kundi si Eiji, Red at Ellis lang.

"Nagbibiro ka diba?"

"Hindi."

"Teka, bespren parang di ko feel aura mo ngayon. Tell me exactly, anyare?" kinalog-kalog nya si Eiji waring pinipilit magising sya sa katotohanan.

"May date pa kami Pat. Maybe, bukas. I'll talk about it." aniya sabay pasok na sa sasakyan ng binata.

Ipinilit nila si Eiji sa isang relasyong hindi naman nya talaga gusto at ito ang nangyari. Isang Eiji na parang nakatali. Isang puppet. Isang manikang de susi. 

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon