19: Gemini

94 7 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Halos mag-iisang buwan na mula noong huli ko siyang makita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Nick na nakaupo sa sofa sa aking opisina.

"Tinawagan ako ni Mr. McDonald kahapon. Sabi niya, kailangan daw ng company nila ng consultant. Sakto naman na kakaresign ko lang so I grabbed the opportunity. Little did I know na dito ka rin pala." nakangiting sagot ni Nick sa akin na para bang nakajackpot siya.

"Seriously Nick? At bakit ka naman nagresign sa company natin before? Ang ganda ng posisyon mo do'n ah." pang-uusisa ko sa kanya.

Ngingiti-ngiti pa rin siya, "To be honest Gem, mula no'ng nawala ka, nawalan na ng buhay ang kumpanya." tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin, "Oo, maganda ang posisyon ko pero masaya ba ako?"

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagiging sincere niya. He's still the same old guy I used to know.

Mabait si Nick, sobrang maalaga. Nung panahong kami pa, sobra niya akong i-baby. Inispoil niya ako pero that doesn't mean na inaabuso ko ang kabaitan niya. I know my limits.

Minsan napapaisip din ako, ano bang nagustuhan sa akin ni Nick? Aminado akong bukod sa baliw baliwan ako, medyo childish din ako.

I took a deep breath. Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na siya and he knows everything.

"Gem alam mo ba 'tong pinasok mo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Tumango ako pero hindi na ako nagsalita pa. Sa tono ng pananalita niya ay alam kong pagagalitan niya ako. He's like that, parenting me as always.

"At alam mo naman siguro kung anong mangyayari kapag nalaman nilang lahat na fake ka diba?" tanong pa niya.

Muli akong tumango.

"So alam mo naman pala. Alam mong mali pero bakit mas pinili mong manloko ng ibang tao?" medyo pagalit na ang tono niya at pinagtataasan na niya ako ng boses.

"Look Nick, you're here to be my consultant right? And to support me. So please, stop scoldong me like a child. I know what I'm doing." iritable kong sabi sa kanya.

He sighed, "You're right. Pumayag akong maging consultant. Pumayag akong pagtakpan ang incompetent na TL ng Department na 'to. Pumayag ako sa kadahilanang hindi ko naman alam na ikaw ang taong 'yon. If that was a different person, it'll be fine but Gem, it's you and I know you're worth is more of this. There are bigger and better opportunities out there waiting for you. Stop with this non-sense Gem. Hanggang kailan ka ba magmamatigas? Mayaman ang parents mo. Why don't you just work for your parents' company instead?"

Napaupo na lang ako sa aking silya. Alam kong hindi magpapatalo si Nick.

Nauunawaan ko naman siya. He's just concerned of me.

Tumingin ako sa kisame at muling nagsalita, "Alam mo naman ang pinanghahawakan ko diba? Alam mo kung bakit mas pinili ko ang mag-isa at hindi umasa sa kanila. I lost a bunch of people because of who I was. I want to rebuild and prove something to myself. I've gone so far, ngayon pa ba ako susuko?" muli akong tumingin kay Nick. "It's either you'll help me rebuild myself or just leave me and walk away." sa mga huling salitang aking binitawan ay mukha naman siyang natauhan.

"Fine. But, let's make a deal."

Kumuha siya ng papel at ballpen sa aking lamesa at nagsulat.

"I was told that you're only given less than 3 months para maibangong muli ang kumpanyang 'to." patuloy pa rin ang kanyang pagsusulat. "I'll help you do it Gem, but in one condition."

Nang matapos ang kanyang sinusulat ay iniharap niya sa akin ang papel, "Kapag napagtagumpayan natin 'to, you'll resign and give up that TL position."

He gave me the paper which I soon realized na isang kontrata.

"And what if hindi ako pumayag sa gusto mo?" tanong ko.

"I don't have any choice but to tell your parents about this."

Having heard of that, wala na akong nagawa kundi ang pirmahan ang ginawa niyang contract, "Fine. Deal."


***

Sabado, saktong alas dose ng umaga ay nagising ako sa aking alarm.

Bumangon ako at nagtungo sa study table na katabi ng aking kama.

Binuhay ko ang laptop at nagtungo sa website ng organizer ng concert ng Zodiac.

Kagabi, bago ako matulog ay may promo ticket silang inannounce sa kanilang Twitter account.

Sabi nila, ang first 10 na magpupurchase ng Ultimate VIP ticket sa kanilang website ay matic na mamimeet and greet ang Zodiac.

Nag-alala pa ako dahil sa wala naman akong cash sa savings account ko. Mabuti na lang at nagaaccept sila ng credit card.

Sakto naman na may available credit pa ako sa aking card. Abot pa para makapagpurchase ako ng Ultimate VIP ticket. Ang pinoproblema ko lang talaga dati ay kung paano ko mababayaran ang debt ko kung sakaling isagad ko ang aking limit.

Hindi ko mapigilang hindi mag-imagine. Ano kayang susuotin ko sa concert? Kailangan ko sigurong magshopping ng bagong damit? Ugh! Hindi na ako makahintay.

Inilagay ko na sa cart ang aking virtual purchase. Nagproceed ako sa check out at nag fill out ng form.

Nang mailagay ko ang aking personal information at credit card details ay agad kong pinindot ang confirm.

Nangangatal pa ako sa sobrang excitement!

Hinintay ko lang magload ang page hanggang sa maredirect ako sa isa pang page.

Akala ko ay confirmation page ang lalabas pero hindi. Sa halip, nanlaki ang mata ko sa aking nabasa.

Hindi. Hindi ito maari!

Inirefresh ko ang page pero gano'n pa rin ang lumalabas.

Page 404 Not Found

Kinabahan na ako nang paulit ulit kong mareceive ang same error. Patuloy pa rin ang pangangatal ng aking kalamnan.

NOO! This can't be. Hindi pwede!

Nirefresh ko ng nirefresh ang page hanggang sa lumabas na muli ang homepage ng website.

Muli kong isinearch ang Ultimate VIP concert ticket ng Zodiac. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag ngunit mas nadurog pa ang puso ko sa sunod kong nakita.

SOLD OUT.

Muling nagunaw ang aking mundo. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palayo pero baka magising ang mga kapitbahay ko at ireklamo nila ako.

Wala na akong nagawa pa kundi ang isara ang aking laptop.

Nang madaling araw na 'yon ay hindi na ako nakatulog pa.

Nakakapanghina, "BAKIT SA LAHAT NG TAO, AKO PA?!"

Sobrang sakit sa damdamin.

Isang webpage error lang pala ang sisira sa aking mga pangarap!

The Least Compatible SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon