1: Gemini

675 24 0
                                    

Sobrang dami na ng tao. Ngayon pa lang naririnig ko na ang hiyawan nila, what more kapag lumabas na silang apat at nagsimula na? Jeez! Lalo tuloy akong naeexcite!

"Hi certified fan! The long wait is over! Anong masasabi mo at mapapanood mo na rin sa wakas ang The Constellations?"

"Waaaaaah! Excited na akong makita si Nero, pati si Hanson, si Luther at saka si Louie. Pero sad pa rin ng very light e, wala si Fafa Zach!" naghyhysterical na sabi noong babaeng iniinterview nung reporter.

Kumirot naman ang puso ko sa narinig ko, oo nga pala. Wala si baby Zach. Nadurog na naman ang puso ko!

Napatingin ako sa hawak kong ticket, 'Titanium' 'yan yung nakalagay sa dream come true na papel na hawak ko. Parang kailan lang nang nakikipagsiksikan ako sa pagbili ng VIP ticket tapos malalaman ko na lang naubusan na pala ako. Iyak ako nun e nang malaman kong ubos na. Pero siyempre, I composed myself. Thankful pa rin ako at kahit papa'no nakabili pa rin ako ng ticket kahit Titanium lang.

Siguro sa iba OA tingnan. Ano ba naman yung sina Hanson, Luther, Nero, Louie at Zach lang naman ang naging true friends ko since highschool. Oo, highschool pa lang baliw na baliw na ako sa kanila. Sila ang bandang The Constellations.
Third year highschool ako nang una ko silang makita sa TV. Nagnumber one kasi yung kanta nila sa isang music channel sa cable. Maging sa mga radyo number 1 hit din yung kanta nila. Baliw na baliw nga sa kanila yung mga kaklase ko. Yung mga kaklase kong mas gugustuhin pang makipagkaibigan sa mga virtual na tao kaysa sa akin. And yes, they hate me. Hindi ko rin alam kung bakit pero ayaw nila sa akin. Ayaw na ayaw ng mga kaklase ko sa akin.

Kaya naman nang may pagkakataon, nakisabay ako sa kanila. Gusto nila sila? Pinilit kong maging sila. Naging certified fan ako katulad nila.

Akala ko noong una ang naging purpose lang ng pagiging fan ko ay ang maging friends na rin ako ng mga classmates ko pero iba yung nangyari. Nahumaling na rin ako sa kanila na kahit sa TV ko lang sila nakikita, baliw na baliw na rin ako. Kung yung mga classmates ko, sobrang OA ng pagiging fan, mas malala ako.

Feeling ko kasi, napamahal na sa akin silang lima. Gustong gusto ko silang lima. Wala akong bias. Gusto ko silang lahat.

Napapangiti na lang ako tuwing maalala ko kung paano ako naging isang ultimate fan ng favorite boyband ko.

Parang kailan lang, sa screen ng TV ko lang sila nakikita tapos ngayon, makikita ko na sila in person! Excited na talaga ako!

"Here I come!" walang pumansin sa pagsigaw ko, bising busy ang lahat. Halatang excited na excited na rin ang mga co-fans ko.

"Excuse po." naglakad na ako papunta sa entrance gate nung hawak kong ticket.

"Nero! Luther! Louie! Hanson!" rinig kong sigawan ng mga tao mula sa loob. Mas lalo tuloy akong naeexcite!
Hawak ang aking bag ay nagtatakbo na ako papunta sa entrance.

Hindi ko na kaya 'to! Nagpapalpitate na ako sa sobrang excitement.

"Neroooo! Hansooon! Lutheeer! Louieeee!" napasigaw na ako. May pagpikit pa. Siguro kung hindi lang puro fans ang nandito, mapapagkamalan nila akong baliw.

Bakit ba? Ang sarap kaya sa feeling ng magsisigaw at magtatakbo lalong lalo na kapag feel na feel mo!

Nakapikit lang ako, feeling the polluted air me and my idol is breathing right now! Yes, we're breathing the same polluted air now!

"Aaaah!" sigaw ko pa at sa pagmulat ko, bigla akong natumba. Napasalampak tuloy yung pwet ko sa sahig sa sobrang lakas ng impact.

"Araaay!"

Napatingin ako sa kamay ko at bigla akong kinabahan sa nakita ko, "Sht. Ang ticket ko!"

"Damn miss tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" rinig kong sabi noong lalaking nabundol ko. Sa halip na sagutin ay di ko na lang siya pinansin. Ang ticket ko! Ang ticket ko

Maya-maya pa, may nakita akong papel na malapit sa akin. Kinuha ko naman agad 'yon at napayapos agad ako do'n sa papel.

"Oh, my baby. I thought I lost you." mangiyak ngiyak kong sabi.

"Careless na, baliw pa." sabi noong lalaki.

"Excuse me? Are you talking to me?" mataray na tanong ko sa kanya. Bastos 'to ah. Ako baliw?! Yes, maybe, baliw ako pero kina Nero lang!

Napakamot na lang siya sa ulo niya saka nilimot yung papel na nasa may harapan niya. Manonood din siya? Wow. Ayos ah, lalaking fan!

"Tss." rinig ko pang sabi niya at sa halip na sagutin ako ay umalis na siya.

Inayos ko na lang yung sarili ko. Napatingin ako sa relo ko, 7:45PM na. Syems! 15 minutes na lang magsisimula na!

Nagmadali na ako papunta sa entrance. makalipas ang ilang minuto nakarating na rin ako doon sa may gate. Nakipila na ako sa iba pang mga fans na halatang excited na excited ng pumasok.

"Miss ticket?" tanong sa akin noong security na nando'n. Iniabot ko sa kanya yung ticket ko. Napakunot ang noo niya habang binabasa yung ticket ko.

"M-may problema po ba sa ticket ko?" tanong ko sa kanya. Di na rin ako mapakali, ilang minuto na lang kasi magsisimula na.

"Ah, kasi mo Miss, hindi po rito yung entrance gate para sa mga VIP, sa kabila po." tapos tinuro niya yung kabilang dulo ng way.

Kunot na kunot na ang noo ko, ano bang sinasabi nitong si Manong?
"P-po?" sabi ko, "Ano pong VIP ang sinasabi niyo?" tanong ko pa. Ibinalik  niya sa'kin yung ticket na inabot ko sa kanya.

'VIP' basa ko do'n sa ticket na - wait, WHAT?!

Chineck ko ulit yung ticket na hawak ko.

'VIP Ticket?!' I mouthed at napanganga na ako habang kukurap-kurap.

"Malapit na pong magsimula ang concert, pumunta na po kayo do'n sa entrance gate for VIPs." sabi pa ni Manong sa akin. "Next po." tinulak naman ako noong nasa likod ko sapat para matauhan ako. Iiling iling pa rin ako.

"Papaanong..Y-yung lalaki kanina."
8 minutes before the concert, narinig kong pinatugtog ang isa sa hit single nila. Nakita ko sa screen ang pay play ng music video.

"Sht! Mag-uumpisa na!" dali-dali akong nagtatakbo papunta sa entrance gate for VIPs.

Kung kanina ay sobrang saya ko na, mas lalo pa ngayon.

"Lalaking masungit, hulog ka ng langit!" 'yon na lang ang nasabi ko.

Abot langit pa rin ang ngiti ko lalo na nang makarating ako sa gate kung saan ako dinala ng mga paa ko.

The Least Compatible SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon