Masaya na si Gemini na makapag fangirl at makanood ng concert ng kanyang mga idol kaya naman nang materminate siya sa kanyang trabaho ay sobra siyang nanlumo. Walang trabaho si Gemini is equals to wala siyang pambili ng concert tickets. Because of her bad record, nahirapan siyang maghanap ng trabaho. Too desperate to find a new job, she decided to post her resume online hoping na isang araw ay may magkakainteres sa kanya. Hindi siya nabigo at dumating ang araw na kanyang pinakahihintay. Isang kumpanya ang nagkainteres sa kanya at inalok siya ng trabaho. Ang trabahong kung saan ay underqualified siya. Ang buong akala niya ay ito na ang sagot sa kanyang mga panalangin. Ang hindi niya alam ay ang lalaking minsang nakabunggo niya sa concert hall ay siya n'yang magiging boss, si Connor. Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkukrus ng kanilang landas? Kakayanin niya ba ang magpanggap kapalit ng kanyang mga pangarap?