4: Connor

184 10 0
                                    

Masayang masaya si Caroline nang ipapanood ko sa kanya yung video ng concert ng paborito nyang banda.

"Connor thank you ha. Alam ko namang di mo talaga gustong manood pero ginawa mo pa rin." sabi niya sa akin.

Gusto ko sanang guluhin ang buhok niya pero alam kong makakasama 'yon sa lagay niya. Nginitian ko na lang siya, "Wala 'yon. Pasensya ka na ha, naubusan akong gas kanina kaya ngayon lang ako nakapunta."

"Ok lang yun. Nabanggit din sa akin ni Emily na may meeting daw kayo sa kumpanya. Anong nangyari?" tanong pa niya.

Si Emily talaga.

"Wala naman. May sinabi lang ang head ng Marketing Department." pag-iwas ko sa tanong niya. Ayoko, hindi niya dapat malaman. Makakasama lang 'to sa kanya.

"Anong sabi? Nakakabawi na ba ang kumpanya?" ayokong malaman niya pero nagpupumilit talaga siya. Si Caroline talaga.

"Everything is doing good." matipid na sagot ko.

Napangiti na lang siya. "Mabuti naman."

Masaya akong nakikita siyang masaya. Masaya akong nakikita siyang nakangiti. Her smile is the sweetest.

Yet what made her smile was a lie.

Oo, nagsinungaling ako. Hindi totoong ayos ang kumpanya. Kanina lang, nag-announce ang head ng Marketing na patuloy raw ang pagdecline ng sales.

Ayokong malaman ni Caroline na ang lahat ng pinaghirapan niya--nila ni Papa ay mawawala na lamang ng basta basta.

Napailing na lamang ako. Ayoko, hindi pwede.

Maaaring si Lolo ang nagmamay-ari ng kumpanya pero, alam kong si Papa ang nagpalago nito.

"Sa 50th anniversary ng company bukas, iaannounce na ni Lolo kung sino ang susunod sa yapak niya." sabi ko sa kanya.

"Advance Congrats Connor."

Muli akong napailing. Alam kong hindi mapapapunta sa akin ang kumpanya. Sa nangyari dati ay napaka imposible.

"Binabantayan ka ng Papa mo." sabi pa niya sa'kin.

"Caroline."

"Umuulan ba?" tanong pa niya. Napatingin naman ako sa bintana.

"Oo."

"Ang dami kong naaalala tuwing umuuluan."

Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng awa. Ganitong ganito ang panahon noon.

Tumayo ako. "Magpahinga ka na."

Inabot niya ang kamay ko saka muling nagsalita, "Mag-iingat ka."

Inintay ko siyang makatulog bago tuluyang lumabas ng ospital.

"Umuulan na naman. Umiiyak na naman ang langit."

***

"NANDYAN na si Sir Patrick!"

"Shet, ang gwapo ni Sir Travis."

Iba't ibang bulungan ang narinig namin nang makapasok kami sa elevator ng building. Agang aga puro chismisan. Kaya hindi umuusad yung kumpanya e.

Nang iannounce ni Lolo kagabi kung sinong papalit sa pwesto niya ay alam ko na.

"Good Morning President." bati ng elevator girl sa kanya. Napilitan siyang tumango.

"Shet naman kasi bro, bakit ako pa? Dapat ikaw na lang e." bulong niya sa'kin. Mula sa pagiging head ng Communications Department, si Travis na ang bagong Presidente ng aming kumpanya. "Pumayag ka na kasi sa alok ko bro, be my right hand." alok niya.

The Least Compatible SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon