Hantungan

3.5K 65 16
                                    

Oops, sorry kung natagalan! Pero eto na po.. malapit ng matapos ang kwento. Siguro po mga 3 chapters nalang. Sobrang maraming maraming salamat po sa nagbabasa, nagvovote at nagcocomment. :)

Enjoy! :)

p.s. May cameo po dito ang isa sa mga magaganda kong friend. bwahahah!!!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“I can’t believe he just up and left…” Pagsambit ni Maja sa pang-limang beses sa gabing yun habang pinapanood si Sarah na magayos ng gamit niya para sa camping trip nila ni Sam. 

Limang araw na ang nakalipas pagkatapos ng gabing yun sa hallway ni Gerald, tapos na ang 48 hours na palugid, at wala paring nasagot si Gerald sakanya, or rather hindi binigay nito sakanya ang sagot... not in words at least. Pero malinaw kay Sarah ang intensyon nito ng biglang kumuha ito ng holiday vaction at di pumasok sa opisina kinabukasan. Halos di masabi ni Fred kay Sarah na umalis si Gerald papunta sa isang island, at mananatili dun ng dalawang linggo. Binigay din ni Fred kay Sarah ang isang sulat, pero hindi niya pa ito binabasa. 

She knew it was just some sad swan song, and she couldn’t deal with that. Kaya pinabayaan lang niya ang sulat sa desk niya. Ininvite siya ni Sam na magcamp somewhere in the south, at pagkatapos niyang malaman ang pagalis ni Gerald, pumayag na siya na sumama kay Sam. She wasn't naive, alam niyang si Sam ay ang rebound guy, alam niyang walang seryosong relasyon ang mamumuo sakanila. Hindi lang talaga si Sam ang lalaki para sakanya, and Gerald proved he wasn't either, kailangan niya to, just something to get her through the initial ache that had taken up residence in her heart. 

Nagdecide si Sarah na maging diretso kay Sam, sasabihin niya kung anong nararamdaman, pati narin ang sakanila ni Gerald and she'll let him decide if he wanted to continue with their relationship. She was ready to be with him now, lahat lahat, give him as much of herself emotionally as she could risk. Na hindi niya nagawa noon kay Gerald. 

Naisip ni Sarah na baka umayaw si Sam, o baka tanggapin nito ang mga limitasyon niya and agree to build from there. Whatever, alam niyang walang kahit anong sasabihin si Sam na massasakit pa sa mga ginawa ni Gerald. Leaving her like that? Not even a call. Just a letter na ipinabigay niya pa kay Fred. 

Panay malulungkot na tingin ang binibigay sakanya ni Fred at Tita Vangie, buong linggo, like they just knew. Of course they did, kilala nila si Gerald better than anyone, at siguro kung alam lang nila simula nung umpisa, baka sinabihan na siya nito. Sadly she knew she wouldn't have listened then, she was too caught up with him, too infatuated. 

Gerald Anderson had been the first man to truly catch her, catch her heart, her attention. Hinabol niya ito, molded to fit his needs, giniveup ang mga priorities niya para lang sakanya. Ginawa niya lahat yun sa pagasang balang araw mararamdaman din nito ang nararamdaman niya and she'd get her fairytale romance, however screwed up it might have been with Gerald cast as the prince. 

But that was all gone now, she had to forget it, she had to… she would. 

“Ayoko nang pagusapan Maj,” Pagsambit ni Sarah habang linilingon si Maja na nakahiga sa kama. Si Maja ang isa sa mga naging source ng comfort ni Sarah nitong nakaraang linggo. Sarah suspected she probably knew more than Sarah did from Fred, kaya ganun nalang ang mga tingin nito sakanya. 

“Sorry,”  Pasimpleng sagot ni Maja na may maliit ng ngiti. “So sabi ni Fred sakin may iniwan daw na sulat sayo yun ah…” Dahandahang tanong ni Maja na halatang curious, at halata din ni Sarah na ayaw siyang tantanan ng pinsan. Sarah should have figured, halos lahat ng babae sa pamilya nito ay may ganitong diterminasyon.. lalo na pagchismis. “Anong sinabi niya? I mean nagexplain manlang ba kahit konti...? Ate Sarz?” Tanong nanaman nito na may malungkot ng ngiti sakanya. 

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon