Bagyo

3.8K 67 19
                                    

Eeeep. Medyo mahaba po ito. Sana magustuhan niyo! :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Hi.” Pagbati ni Sarah kay Gerald na may ngiti. Pinuntahan niya ito sa condo. Kitang kita ang gulat sa mukha ni Gerald, bago lumabas ito ng condo, at sinarado ang pinto, halatang ayaw siyang papasukin nito. 

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong nito sakanya, halata sa boses nito na nagwoworry ito at naiirita. Hindi mapakali si Sarah sa nerbyos, it had taken all her courage para puntahan si Gerald at kumatok sa pinto nito. Pero ngayon hindi niya na alam ang gagawin niya, hindi siya sigurado kung may magagawa ba siya. 

“I needed to see you…” pagamin niya, habang paulit ulit na pinatutunog ang kamay niya. Kinuha ni Gerald ang kamay niya para pigilan siya. Hindi sanay si Gerald sa galaw ng galaw, daldal na daldal, o kahit ano pang constant. Pero nasanay na ito sa kakadaldal niya... that had to mean something.. right?

“Sarah,” pagsimula nito habang tumitingin sakanya at sa pinto ng condo, parang ninenerbyos din ito, “this really isn’t a good time, pwede ba bukas nalang? Pwede tayo magkita bukas pagkatapos ng trabaho, manood ng movie or something…” offer nito sakanya, na halatang gusto lang siya paalisin. 

Nakatitig lang si Sarah sakanya, bago inisip ang lahat ng kinikilos ni Gerald simula nung binuksan nito ang pinto at nakita siya. At narealize niya kung anong nangyayari. Ayaw niyang pumasok si Sarah sa apartment, parang kabado ito, at gusto na siyang paalisin nito- may babae ito sa loob ng condo! Biglang lahat ng kaba ay nawala kay Sarah. She's decided. Kailangan ng matapos to kung matatapos man. She's doing this now. She deserves better than just a few minutes of his time. She deserves the minature golf, picnics and meeting the family. She deserves that. At kung hindi kayang ibigay sakanya ni Gerald yun... well hahanapin niya nalang ito sa ibang lugar. 

Kaya niya to. 

“Sino nandun?” Tanong niya, habang sinusubukang itago ang sakit, kahit konting pride eh may natitira pa naman siya. “Sino? Babaeng nakilala mo sa club? Ha? Come on Gerald, regular ba siya? O bago? Gusto mo ba siya ha? Sabihin mo!!” Sigaw niya, hindi niya ito binibigyan ng chance na sumagot. Lumapit ito sakanya at hinila siya palapit, “Hinaan mo yun boses mo, may kapitbahay-” pero tinulak niya ito palayo sakanya, hindi niya parin ito binibigyan ng chance na makapagsalita. “Sarah, this really isn't the time, look.. magusap nalang tayo bukas-” 

“Hindi,” sambit niya habang umiiling, “Di mo gets Gerald, wala ng bukas, ngayon lang--” tumigil siya, habang humihiling na hindi makita ni Gerald na nanginginig siya. She has never been this terrified in her entire life. Eto na yun, the moment of truth. At nararamdaman niyang this would send her back to aisle six sa grocery, kung saan nandun ang sandamukal na ice cream. 

“Ano yun ultimatum?” Sagot nito sakanya na may galit. “You should know by now you’re not going to lead me around Sarah. Hindi ako tulad nung kung sino mang- Sam na yun. Yun, di ako si Sam. So maguusap nalang tayo bukas, and that's the end of this.” Hinila nito ang braso niya, at sinubukang dalhin siya samay elevator. 

“Hindi ka nakikinig sakin Gerald,” sabay hila sa braso niya na hawak ni Gerald “I’m not trying to give you an ultimatum, sinasabi ko lang ang totoo-” nanlisik ang mata ni Gerald dun, at tumigil si Sarah sa kung ano mangsasabihin niya, hindi niya alam kung san nagpunta ang isip nito. Pero alam niyang hindi maganda ang naisip nito. 

“Oh you mean about you and Sam? Sabi ko sayo, alam kong may nangyari na sainyo. Di mo na kailangan sabihhin pa sakin ang detalye. Sabi sakin ni Rachel he was really big on that romantic shit, I'm sure okay sayo yun at-” Tuloy tuloy na pagsasalita nito 

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon