Ibinubunyag

3.5K 61 14
                                    

Dahil nagpromise akong magaupdate, at kasi medyo high pa ko from last night's Cebuana. Damang dama niyo ba ang kanta ni Ge? Kasi ako dama ko hanggang buto. LOL! Maikli lang po ito. Medyo windang pa kasi talaga ko. Salamat po ulit sa mga nagbabasa, nagvote at kung ano pang anik-anik ng wattpad. Para po to dun sa mga nangungulit sakin magupdate :))

SORRY KUNG BITIN!!!!!!!!! :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagalis ni Sarah, tumingin si Fred sa kapatid, “I suspected as much.” 

Gulat na napatingin si Gerald kay Fred, “Alam mo?” 

“Not exactly… Masasabi kong gusto mo siya, at gusto ka niya- you’ve been acting weird for months Gerald. You hardly go out anymore, you don’t date nearly as much… Naisip ko baka gusto mo ng magpari or you’d found her.” 

“Her?” Nawiweirduhang tanong ni Gerald. 

“The girl to get through that big wall you put up… Kala ko di siya nageexist.” 

“Di ko alam anong sinasabi mo,” Pagiwas ni Gerald sa kapatid. “Sarah and I- we’re just a thing, it’s not some huge big thing. It’s not like gusto ko ng magpakasal at magkaron ng sampung anak. I like spending time with her, big deal, walang ibig sabihin. Eventually, we'll end up hating each other.” 

Napailing si Fred, “Naniniwala ka ba talaga dyan? I don't think you do. I think she cracked the ice, big bad, cold and moody Gerald Anderson finally met his match... That's a good thing Ge.” 

Umiling nanaman si Gerald, “You’re full of shit.” 

“Nah… Takot ka, gets ko yun, tingin ko gets niya rin yun, probably why she's still putting up with you. I bet you put her through hell, walang attachment, walang emotions, hindi mo pinapakita na may paki ka- It takes someone tough to deal with all of that and still want the guy in the end. Pero gusto ka parin niya diba?  Diba?” 

Kumibit balikat si Gerald, “I guess.” 

“I knew I liked her, first moment I met her, there’s a fire in her, she’s a fighter, parang si Mommy-” Naaaliw na sambit ni Fred tungkol kay Sarah. 

“Yeah, and look at mom now, malungkot. Nainlove siya at namatay si Daddy, ngayon anong meron siya? Sasabihin ko sayo bro, meron siyang pain, misery at malulungkot na gabi at malulungkot na umaga. People kept on telling me- you, Sarah, freaking Hallmark cards- lagi niyo sinasabi that it's better to love and lost than never have love at all. Pero kagaguhan yun. Pano magiging better kung saglit lang siya nasayo, minahal mo, naging buhay mo, nasanay ka, tapos mawawala. Kasi lagi namang ganun diba Bro? Lagi namang nawawala. Tapos ano? Alam mong nawala sayo, at lagi mo nalang hahanapin yun, na parang may butas sa buhay mo na kahit kailan hindi mo na mahahanap. That won't be Bro. That won't be me.” 

“Ge!” Naiinis na sigaw ni Fred sa kapatid. 

“Fred,” Nagulat ang magkapatid sa kalmadong boses ng kanilang ina na nakatayo sa tapat ng elevator. “Bakit hindi mo nalang muna puntahan yung lolo't lola mo dun sa baba, nandun yung dating kapitbahay natin, kausap ng lola mo.. I think kailangan namin ni Gerald ng oras para magusap na kami lang.” 

Umiling si Fred, at sinunod ang ina.

“How much did you hear?” Tanong ni Gerald. 

“Enough, not that any of it surprised me. You’ve always been my cynic Gerald, while Fred was the dreamer. Kaya siguro parang masmadali ang buhay sayo, lahat naapektuhan yung kapatid mo, masyado siyang naniniwala sa lahat ng bagay kaya kapag nagfifail, he takes it hard. Pero hindi ikaw, hindi ka naniniwala... ganyang ganyan ang Daddy mo.” 

“Smart man.” Bulong ni Gerald. 

“And then he met me,” malaking ngiti ni Vangie sa anak, habang naaalala ang nakaraan. “He told me once that meeting me was the single most important moment in his life, because I gave him a life. I opened a new world to him, of happiness and joy- even pain. We had an amazing life together Gerald, we raised two wonderful boys and loved enough for 3 lifetimes. And then he died, and a part of me died with him.” Malungkot na pagamin ni Vangie sa anak. 

Umiling si Gerald, “Why would I ever want to chance that… Di ko kaya.” 

“Gagawin ko ulit yun lahat, para sa isang minuto kasama ang Daddy mo. I would bear all of the pain over and over again, kasi Gerald.. I lived and I loved, at may buhay ako na kaya kong maging proud. Bata pa ko nung nakilala ko ang Daddy nyo, untarnished by pain yes, but untouched by love. Binago niya lahat yun. Araw araw na gumigising ako namimiss ko siya, at gabi gabi bago ko ako matulog ganun parin. Hindi ako titigil Gerald. There will never be a day I don't wish na nasa tabi ko siya. But life threw us a twist at nawala siya sakin, far too soon for my wishes pero nandun na yun, wala na siya. Hindi ko siya kayang ibalik, hindi ko kayang pigilin yung sakit, and I REFUSE to regret any of it, kahit yung mga away, yung mga saya, kahit alin dun. And if somehow I made you think I would, sorry anak.” 

“Pero namatay siya, pano kung naiba, pano kung iniwan mo siya, o iniwan ka niya- hindi ganyan mararamdaman mo Mommy.” Mahinang argument ni Gerald sa ina. 

“I can honestly tell you na kung buhay ang Daddy mo, kami parin. Naniniwala ako na kapag nahanap mo yung isang tao, yung tao na binubuhay yung buong pagkatao mo, you hold on, you hold on with everything you have. Linalaban mo lahat para lang manatili siya sa buhay mo. Hindi madali, it's not supposed to be, it's just the way it is. Yung mga taong umaalis? Baka hindi palang nila natatagpuan yun. People who stay no matter what they're fighting for, they do it, every day, for the rest of their lives.” 

“So anong sinasabi mo sakin Mommy?” Tanong ni Gerald na hindi makatingin sa ina. 

“I’m telling you that if Sarah is the one Gerald, if you love her, if she makes you whole- grab her. Take it and live it and fight for it until the day you die because there is nothing else in this life son. Money and success mean nothing without someone to share them with. So if she’s it-” 

Umiling si Gerald, “She’s it.” Malinaw na sagot nito. 

“Then stop running Gerald, let her in, let her love you, have faith in her, and in yourself… you’ll never regret it. That is the one promise I can make you.”

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon