Ugong

3.1K 48 0
                                    

“So kamusta naman?” Tanong ni Maja na nakaupo sa tapat ni Sarah sa cafe. Inis na inis parin si Sarah sa encounter niya with Gerald, kaya wala parin ito sa mood na magkwento at tahimik simula nung bumaba sila galing opisina. 

“Okay naman.” Sagot ni Sarah habang sumusubo ng kanin. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Gerald sa cafe kasama ang isang matandang babae, maganda at simple. “Oh this is just perfect.” Pagirap nito sa direksyon ni Gerald, sabay turo kay Maja. “Bakit ba parang may fans club yang lokong yan?” 

Nagsimula tumawa si Maja, na lumakas ng lumakas at di na makapagsalita, pero parang may gusto siyang sabihin kay Sarah. 

“Ano?” Naiinis na tanong ni Sarah kay Maja. “Maj, ano ba yun?!” Mapilit na tanong niya. 

Bago makasagot si Maja, lumapit na si Gerald at ang matandang babae sakanila para batiin. Halos hindi makatingin si Sarah kay Gerald dahil baka tarayan niya lang ito at mabastos. Hindi magiging maganda iyon para sakanya. Kailangan niya ang trabaho na to. 

“Maja,” Bati ni Gerald bago tumingin kay Sarah, “Sasa.. Sarah.” Malamig na tawag sakanya ni Gerald. Ayaw talaga nito sakanya, well... the feeling was mutual. 

“Hello dear,” ngiti ng matanda kay Maja, na pinipigilan parin ang tawa. Dun lang natitigan ni Sarah ang matandang babae at narealize.. hindi parte ng fans club ni Gerald Anderson to. Ito ang nanay ni Gerald na si Vangie Anderson. “Sarah? Ikaw yung bagong hire ng company diba?” Tanong nito habang inaabot ang kamay na may ngiti sa mga labi. 

“Ah, opo Mrs. Anderson, nice to meet you po. You have an amazing company,” Sunod sunod na pagsasalita ni Sarah, na halos sabihin na lahat ng nabasa niya tungkol sa babae. Biglang nagsalita si Maja, para lang mapigilan ang sunod sunod niyang pagsasalita. 

“Bakit di nalang kayo sumabay samin, kakasimula lang rin namin.” Simpleng pagoffer ni Maja na tinanggap naman kagad ni Vangie, kahit parang ayaw naman ni Gerald. Walang paki si Sarah, gagamitin niya ang opportunity na to para makilala talaga si Vangie Anderson, isang babaeng tinitingala niya. 

“Sobrang gusto kong nagpupunta dito,” Kwento ni Vangie, “Mabilis at madali kasi. Ewan ko ba diyan kay Gerald at mas gusto niya yung mamahaling italian restaurant sa kabilang street, pero pumayag siyang sumama ngayon dito kasi birthday ko.” 

“Ay! Happy Birthday po,” Excited na bati ni Sarah na parang natangahan sa sarili sa sobrang hyper niya. Kailangan niya talagang kumalma. Pero di niya talaga ito mapigilan, gustong gusto niyang makilala si Vangie simula nung nalaman niyang nagtatrabaho si Maja para dito. 

“Thank you,” Sagot ni Vangie na hindi naman napansin na parang tanga na si Sarah sa tuwa. Pero napansin ito ni Gerald at tawang tawa sakanya. Pakiramdam ni Sarah ay bumalik siya sa pagiging bata, at parang nagaaway sila ni Gerald sa playground. 

“Where the hell is the waiter?” Naiinis na sinabi ni Gerald, pero tumigil ito ng tiningnan siya ng ina. So yun pala ang weakness niya, isa siyang mommy's boy. Sinubukan ni Sarah itago ang ngiti sa mukha nya. 

“You know my son’s are throwing me a huge bash tonight, kasama yung mga kaibigan at pamilya, sobrang gulo na nga ng bahay para lang sa party na to, pero magiging masaya naman,” Pagtuloy ni Vangie, “pwede ka bang pumunta Sarah? Sigurado kong nandun si Maja kasi siya ang date ni Fred, magugustuhan ko kung makakapunta ka. Nakita ko ang resume mo and I was very impressed. Matutuwa ako if we have a chance to sit down and talk.” 

Natulala nalang si Sarah, di makapagsalita. Sinipa siya ng pinsan, bago nahanap ni Sarah ang boses paran sumagot. “Oo naman po, maraming salamat po Mrs. Anderson.” 

“Tita Vangie nalang.” sagot nito sakanya, sabay ng pagdating ng waiter. 

~*~ 

In love si Sarah sa bagong trabaho. Hindi siya makapaniwala sa swerte niya, mabait si Fred at magaling sa trabaho. Alam niyang marami siyang matututunan dito about sa business. At sobrang bait ni Tita Vangie, nakausap niya ito na halos isang oras, tungkol sa trabaho, sa buhay. napakainspiring nito. 

Parang naglalakad sa ulap si Sarah, kaya dapat naging warning na ito sakanya na may mangyayaring masama, lagi namang ganun ang buhay niya. Masaya tapos biglang, unti unting lulungkot. Sabi nga ng mommy niya, 'that's the way the cookie crumbles' . 

Nasa loob ng comfort room si Sarah at palabas na sana siya ng cubicle ng marinig ang usapan ng dalawa niyang katrabaho, si Erich na kasama niya sa division at si Empress na isang secretary. 

“Alam naman natin na nakuha niya lang yung trabaho dahil pinsan siya ni Maja. I mean, boyfriend ni Maja si Fred, so malamang ibibigay ni Fred ang gusto ni Maja. Alam mo na, isang malaking pity case. Sobrang pathetic lang, i bet sobrang bobo nun.” Salita ni Erich. Parang masusuka si Sarah sa implikasyon. Gusto niyang sumabog at sumagot, dahi iyun naman ang turo sakanya ng mga kapatid niya. Pero pinigilan niya ang sarili at nakinig pa sa usapan. 

“Well, Maja should watch out. Nakita mo ba siya with Fred?” Malakas na bulong ni Empress. 

“Hindi, bakit?” Tanong ni Erich, na halatang interesadong interesado sa ichichismis sakanya ni Empress. 

“She was all over him in the hall, at laging nagpapacute. nakakalungkot. imbis na maging mabait ka sa pinsan mo for getting you a job, siya hindi.  Kaloka si Miss Geronimo. Ayoko talaga sa babaeng yun.” Pagtatapos ni Empress habang pinapatay ang tubig sa faucet at papunta at naglakad papunta sa pinto. 

“Ako rin.” Sagot ni Erich, na sumabay kay Empress palabas ng banyo. 

Naghintay ng ilang minuto si Sarah bago lumabas. Naiiyak ito, at parang gustong sumuka. Masakit sakanya na bobo, malandi at kung ano ano pa ang naiisip sakanya ng mga katrabaho. Pero tinibayan niya ang loob niya. Inayos ang buhok at lumabas ng banyo na puno ng confidence. Papatunayan niya sakanila, may determinasyon siya.

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon