Tadhana

3.7K 54 3
                                    

Eto na ulit. Sorry kung maiikli, nauubusan ang ganda ko! lol

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Oh my god nakuha mo yung trabaho!” Sigaw ni Rachel sa di mo na mabilang kung ilang beses nya sinabi sa gabing yun. Paguwi ni Sarah sinabi niya kay Rachel na magsecelebrate sila pagkatapos ng klase nito. Ngayon nasa isang club sila ng pinsan ni Rachel na dating bouncer. Umiinom, nagsasayaw at nagsasaya. 

“I know!” Sigaw din ni Sarah, “Nakuha ko yung trabaho! Woohoo!” Paulit ulit niyang sinasabi habang umoorder ng shots sa waitress. Meron siya hanggang lunes para mabuhay ng malaya kaya ieenjoy nya ito. 

“Sayaw tayo!” Sigaw ni Rachel sabay hila sa kamay ni Sarah papunta sa dance floor. Linunok ni Sarah ang huli niyang shot bago sumunod kay Rachel at nagpakamalaya sa music. 

“Life is so good right now,” sigaw nya kay Rachel na umiling sakanya habang sayaw ng sayaw. Si Rachel ay isang napakalaking contradiction, isa siyang singer pero gusto niyang maging teacher, sa panglabas na anyo eh napakamahiyain nito, pero kapag dinala mo siya sa mga ganitong lugar, lumalabas ang pagiging malaya nito at wild. Dun sila nagkakatugma ni Sarah, sa pagiging reserved pero pero meron ding wild side. Kaya siguro sobrang naiintindihan nila ang isa't isa. 

Pagkatapos ng 20 minuto sa dance floor, inaya ni Sarah si Rachel sa bar para kumuha ng maiinom. Halfway there, nakita niya ang isang napakagwapong lalaki, matangkad ito, matipono at napaka-sexy. Pinipigilan ni Sarah ang sarili na maglaway. 

Tuloy tuloy siya sa bar, habang may mga tao sa paligid na napapatingin, pero hindi ang sa lalaking yun. Umupo siya tabi nito at umorder ng Cosmo sa bartender just because it sounds sexy. Napatingin ang lalaki sakanya, na may napakagandang mata na nakita nya, pero umiwas din ito ng tingin.

“Hi,” Napatingin si Sarah at nakita ang isang matabang mama na parang 40 years old na, na nakatayo sa likod nya na may suot na wedding band. Napairap nalang si Sarah at di pinansin ang lalaki. “Huy, dali na,” habang pinatong nito ang kamay sa balikat ni Sarah, kinukuha ang atensyon nya, “hindi ka man lang maghahi sakin?” 

Tumingin ng masama si Sarah sakanya na inis na inis na, “Kung gusto ko mag-hi, nag-hi na ko, pero hind so please lang tantanan mo ko.” At halos nakalimutan nya na ang gwapong lalaki sa tabi nya dahil sa inis niya sa pesteng lalaki sa likod nya. 

“You can’t come in here looking like that,” sabay turo nito sa sexy nyang top na suot, “and expect people na tantanan ka lang. Dali na, hayaan mo na kong bilhan ka ng inumin-” 

“Shit!” Sigaw na galing sa tabi niya, napaikot ang upuan ni Sarah ng makita ang gwapong lalaki sa tabi niya na nakatingin sakanya at sa mamang peste na iritang irita. “Just take the freaking clue dude and leave, you're starting to piss me off.” 

“At sino ka naman?” Sagot ng matandang mama, na parang pinalalaki pa ang katawan nya na parang kaya nyang labanan ang gwapong adonis sa tabi niya, yeah. fat chance. natatawang naisip ni Sarah. 

“Just leave her alone, hindi siya interesado, hanapin mo na ang asawa mo at patulugin mo na ang mga anak mo.” Nakatitig lang ang matanda sakanila, bago tumalikod at umalis. 

Tumingin si Sarah sa katabi para magpasalamat, “Sobrang thank you sa lahat ng gina-” simula nya pero natigilan siya sa sinabi ng lalaki. 

“Ya know he was right, di ka pwedeng pumunta dito na yan lang ang suot, and expect people to not mind you,” as he fingered the thin strap of her top, na nagpakilabot kay Sarah. nagiwan ito ng pera sa bar pangbayad sa ininom at tumayo paalis, iniwan siyang nakaupo lang dun. 

Give In To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon