Chapter 18

7.8K 276 9
                                    

LIMANG BUWAN ang lumipas at nandito parin ako sa loob ng pamamahay ng boss ko. Gusto ko sanang tawagin si kiko at si carlo para kamustahin silang dalawa.

Alam kong nag alala yung mga mokong na'yon dahil sa biglang pagkawala ko. Kung alam ko lang pala na ganito ang mangyayari sakin sa kamay ng boss ko e sana hindi nalang pala ako sumabay kay tonya.

Hindi nalang talaga sana ako sumama sa demonyong baklang yun.

Nawawala rin ang cellphone ko nung kinidnap ako kaya hindi ko makamusta si kiko at si carlo. Hindi rin ako nakakalabas ng mansyon kasi pinagbabawalan ako ng boss ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto niya at nag lilinis ako ng kama niya. Pinalitan ko iyon ng bed  sheet atsaka nililinis ko rin ang kanyang boong silid. Nag vacuum ako ng sahig at nilinisan ang kanyang mga mamahaling vase na nakadisplay sa kwarto niya.

Pagkatapos kong matapos ang lahat ng paglilinis sa kanyang kwarto ay bumaba nako at pumunta sa kusina para magluto ng pagkain.

Maid na talaga ang tinuring sa akin ni sir blake mula panong binili nya ko. 5 years ang contrac ni sir sakin bago ako makaalis at makauwi.

Sobrang yaman ni boss. Siya ang nag mamay-ari ng 5 star hotel atsaka meron din s'yang maraming restaurant dito sa pilipinas. At ang higit sa lahat ay sya ang nag mamay-ari ng Monte' Carlo mall dito sa pilipinas.

Oh! Diba sobrang yaman pala ng boss ko. Saan ko ba nalaman ang lahat ng yan... edi nakita ko lang naman sa magazine dito sa mansyon. Kaya pala parang wala lang sa kanya ang one million na pinagbili nya sakin. Dahil bilyonaryo pala siya.

Inilipag ko na ang niluto ko sa glass table ang pagkain at prinipare ko narin ang mga mamahaling kubyertos sa table.

Nag salin rin ako ng wine sa table kasi ganyan talaga ang boss ko. Nakasanayan na siguro nya na kumain na ang panulak ay red wine imbis na tubig.

Pagkatapos kong mapripare lahat ay pumunta ako sa kwarto ko para maligo. Ang lagkit lagkit ko na kasi kanina ko pa nilinisan ang kwarto ni sir blake atsaka sa loob ng mansyon. Ang laki pa naman nang pamamahay nya kaya sobra sobra ang lumabas na pawis saking katawan na parang nag gi-gym ako.

Hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan atsaka ko tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko talaga akalaing na mag kakaroon ako ng ganitong katawan. Maliit ang katawan ko na may kurba na parang babae. Wala nga lang dibdib pero babawiin rin naman sa kakinisan ng aking buong katawan.

Pababa ang tingin ko sa aking hita at patungo sa namumulang tuhod ko hanggang saking maliit na paa.

Babaeng babae talaga ang katawan ko. May collar bone, walang adams apple, makinis na leeg atsaka maliit at makinis na mukha.

Pagkatapos kong sinuri ang aking katawan ay pumasok nako sa banyo para maligo.

Sa kalagitnaan ng pagliligo ko ay may kumatok sa pinto. Napaigtad pa ako kasi ang lakas ng pagkatok niya na akala mo ay masisira ang pinto ng banyo.

"Naliligo pa po ako!!." Sigaw ko kung sino ang lumapastangan sa pagliligo ko.

"Buksan mo 'to!!.." Sigaw din nya sa labas ng banyo. Dun ako nakumperma na si boss pala ang kumatok. Kumbinsado ko na kasi ang boses nya.

"Wait! Lang po sir blake malapit na po akong matapos." Tugon ko at Binilisan ang aking pagligo.

"I said open this fúcking door!!" Galit nyang sigaw at kumalabog ng malakas ang pinto na ikina kaba ko. Sh*t galit na talaga si sir blake.

Hindi ko pa natapos ang pagligo ko ay nag tapis nako ng tuwalya sa katawan ko at dali daling binuksan ang pinto.

Nasilayan ko ang nanlilisik na mga mata ni sir blake sakin bago ko mabuksan ang pinto. Pero bigla ding nawala iyon ng makita nya kong nakatapis. Napalunok pa sya nang ilang beses at sinuri ang katawan ko.

The Billionaire's Toy (bxb)Where stories live. Discover now