Chapter 4

14.6K 456 12
                                    

KIKO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KIKO

~*~
    

NAGHANDA na 'ko saking pag alis. Chineck ko muna ang mga gamit ko sa bag kung may nakalimutan paba ako. Halos nandun na lahat kaya binilang ko muna ang pera ko, Tama na 'to lahat may 300 pa 'kong pocket money. Pambili ko nang makakain ko mamaya. Makakaalis na talaga ako dito sa pamamahay na 'to. Salamat sa bestfriend kong gwapo sa perang pinahiram nya sa akin.


Nilugay ko nalang ang hanggang balikat kong buhok tapos sinuot ko ang brown boonet at ang sinout ko naman na damit ay white plane shirt at sinapawan ko to ng checkerd jacket. Fitted black pants din ang sinuot ko pambaba at nag rubber white shoes lang ako. And last ay sinout ko narin ang backbag ko na may laman ng mga gamit ko.

Alas dos palang ng gabi ay bumaba na 'ko. Sinilip ko muna ang kwarto nila ante at tito na ang himbing ng tulog nilang dalawa at mag kayakap. Nagsulat ako ng note at nilagay ko sa lamesa pagkatapos ay umalis na 'ko ng bahay.

--

Nandito ako ngayon sa loob ng bus pa manila. Konte palang ang naka sakay.

Sinuot ko nalang ang headset ko para makapag libang sa pagkikinig ng mga paborito kong kanta.

Ilang oras ang nakalipas ay marami narin ang nakasakay sa bus. May umupo sa gilid ko pero hindi ko nalang pinansin at tinuon ko nalang ang pansin sa labas ng bintana.

Maya maya ay umandar narin ang bus. Umidlip muna ako dahil kulang pa ako ng tulog kanina.

--

Nagising nalang ako ng may tumapik sakin.

"Miss gising na nandito na tayo sa maynila." Malamig na sabi ng katabi ko. Napasandal pala ako sa kanyang balikat.

Nakakahiya naman baka tumulo pa ang laway ko sa balikat nya. Tulo laway pa naman ako kapag natutulog.

Chineck ko muna ang kanyang balikat nya kung may laway ba. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang konteng basa sa damit nya. Hala! Meron nga. Nakakahiya ka talaga jade.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Siguradong ang pula ng pisnge ko dahil sa laway ko na tumulo sa balikat nya.

"Sorry sir. Punasan ko nalang... Naku! Nakakahiya." Nahihiya kong wika sa kanya. Mabilis ko namang kinuha ang panyo ko sa bag at pinunasan ang laway sa balikat nya.

"Sorry talaga sir." Saad ko habang pinunasan ko ang balikat nya.

Tumingin naman ako sa kanya at nasilayan ko ang ngiti sa kanyang gwapong mukha. Brush up ang buhok nya at moreno ang kutis. Matangos ang kanyang ilong at makapal din ang kanyang kilay. Ang gwapo nya.

"Ok lang 'yun miss." Sabi nya habang nakatitig sakin.

"Nakakahiya nga ehh! Sorry talaga sir."

"Wala lang yun miss ok lang sakin. At wag mo narin akong tawaging sir kasi nakakatandang pakinggan eh." Wika nya at sabay ngiti na ikinalabas nang puting pantay na ngipin nya. Pwedi syang maging endorcer ng colgate dahil sa sobrang puti ng kanyang ngipin.

The Billionaire's Toy (bxb)Where stories live. Discover now