Chapter 8

11K 377 30
                                    

Blake Marcus Monte Carlo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Blake Marcus Monte Carlo

~*~

HINDI KO ALAM kung anong gagawin ko kasi parang pamilyar sa akin ang lalakeng 'to. Malapad at maskuladong ang likod nya.

"S-irrr." Nauutal kong wika sa kanya at dahan dahan syang humarap sakin gamit ang swivel chair na inu-upuan nya.

Napanlakihan ako ng mata dahil hindi ako makapaniwala na makita ko sya ulit. Sya yung lalakeng nakabungguan ko sa palengke at sya rin yung nakita ko sa gilid ng daan. Sya si mysterious guy.

Nahihiya akong yumuko dahil nawalan ako nang sasabihin ko. 'Chance mo nayan jade para mapalapit sa crush mo. Wag nang choosy. Tadhana na ang nag bigay ng kaswertihan mo.' 

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o mag back-out nalang ako. Pero 'di pwedi ehh! Chance ko nato. Tadhana na ang nag udyok para makita ko ang matagal ko ng pinapantasyahan sa pagtulog. Ang landi ko talaga.

"Ikaw ba 'yong sinasabi ni chad na mag aaply ka bilang waiter ng restaurant ko." Walang imosyong wika nya sa 'kin na ikinatayo ng mga balahibo ko. Tumingin ako sa Blankong asul nyang mga mata na nakatitig sa akin natila bang kinikilatis nya ko sa mga titig nya. Ohmygosh!

"Opo ako po 'yun sir." Mabilis kong ani sakanya at napayuko ako dahil 'di ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal. Para akong malulunod sa mga tingin nyang pinupukol sakin.

Kahit nakayuko ang ulo ko alam ko parin na nakasulyap parin sya sakin kasi naramdaman ko yun.

Narinig ko ang tunog ng swivel  chair nang tumayo sya. Lumikha ng tunog ang kanyang sapatos sa bawat hakbang ng paa nya.

Nakita ko ang malaking itim na sapatos nya sa harap ko. Tumingala ako dahil nasa harap ko na sya.

Nakatingin ako sa kanyang blankong mukha na nakatingin 'din sakin ng seryoso at kunot na kunot ang noo.

"Si----" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Hindi kaba talaga babae?" Wika nya habang sinulyapan nya ako sa aking paa pataas sa mukha ko. Seryoso parin ang mukha nya.

"O-opo sir h-hindi po ako talaga b-babae." Nauutal kong sabi kasi para akong nayeyelo sa kinatayuan ko dahil sa mga malamig nyang presensya. Hindi ko alam kung anong iniisip nya dahil hindi ko mababasa ang kanyang asul na mga mata.

Hinawakan nya panga ko pababa sa leeg ko at hinihimas nya ito. Parang may kuryenteng dumaloy doon papunta sa puso ko na ngayon ay kasing bilis na ng tibok na parang kabayong tumatakbo.

Para akong mahimatay sa init ng pakiramdam ko dahil lang sa pag haplos nya sa leeg ko.

Tutok na tutok sya sa makinis kong leeg na parang isa akong nakakatakam na putahe dahil sa mga pinukol nyang tingin sakin. Bumaba naman ang kanyang kamay pababa sa dibdib ko.

The Billionaire's Toy (bxb)Where stories live. Discover now