Chapter 7

11.3K 405 13
                                    

PARA AKONG na estatwa sa kinaupoan ko. At hindi ako makapag react sa ginawa nya. Magkalapat parin ang labi nya sa akin.

Nabalik nalang ako sa ulirat ng nilabas nya ang dila nya at ginalugad nya ang bibig ko na parang may hinahanap sya doon.

Mabilis akong bumitaw sa halikan namin. Ay hindi. Halik nya lang pala kasi hindi naman ako tumugon diba?..

Tumingin ako sa kanya na may pagtataka. Pinukulan nya akong nakangiting tingin. Nahihibang na ba sya, baket nya ko hinalikan ng ganun. Ok lang naman sakin kung smack lang, maintindihan ko pa yun kasi ganun si carlo sakin. Pero yung lamutakin na niya ang labi ko. Hindi naman siguro tama iyon.

"Baket mo ko hinalikan?" Ang seryoso kong sabi sa kanya.

Hinawakan naman nya ang mukha ko. "Ok. Listen to me. Sabi mo tutulungan mo kung makamove-on diba.." Sabi nya habang titig na titig sya sa mga mata ko.

"Oo pero hindi ganun na dahilan. Para makamove-on ka sa past mo." Depensa ko naman.

Bigla naman nalungkot ang kanyang mukha at tumalikod sa 'kin. Pumunta sya sa kanyang kama at humiga ng nakadapa. Nagtalukbong sya ng unan sa kanyang mukha.

Bigla naman akong nakonsensya sa kanya. Ano ba talaga ang gusto nyang mangyari para makapagmove-on. 'Di ko talaga alam. Hayst! Ang sakit talaga sa ulo ang mga isip bata na katulad ni Carlo.

Tumayo naman ako sa pagkaupo at lumapit sa kanya. Kinalabit ko sya pero hindi manlang nya ako magawang tingnan.

"Oiii! Kiko nagtatampo kaba sa sinabi ko?" Tanong ko pero hindi nya ko pinansin.

"Kiko naman pansinin mo naman ako ohh!" Parang batang sabi ko pero nag bingi-bingihan sya at hindi parin nya ko pinansin. Ang hirap talagang paamuhin ang may tagas sa utak.

"Sige! Anong gusto mong gawin ko. Para hindi kana mag tampo sa akin at pansinin mo na 'ko?." Malomay kong tanong sa kanya. Humiga na rin ako sa tabi niya at yinakap ko sya patalikod.

Humarap naman sya sakin at parang batang nakapuot ang kanyang labi. Nagpigil akong hindi matawa dahil sa ka-kyutan nya.

"Kiss mo 'ko." Parang batang wika nya. Naku! Iba talaga kapag may tagas ang utak. Kung ano ano nalang ang sasabihin.

"Ayaw!" Parang bata ko namang sabi sa kanya at umiling. Sabayan ko nalang kung anong trip nya para pansinin na ako ng mokong nato. Isa sa mga ayaw ko ay yung merong tampo ang isa sa mga kaibigan ko sa 'kin. Ayoko no'n kaya hanggat kaya ko pa ay sabayan ko nalang ang kahit ano mangtrip ng kolokoy nato para lang hindi na sya mag tampo sa akin.

Tumalikod naman sya sakin at sabay talukbong ng comforter ng kama. Hayst! Ok.. suko na 'ko sa kabaliwan nito.

"Saan mo gustong halikan kita?" Labas ilong kong bulong sa kanya.

Humarap naman sya sa 'kin habang seryoso ang mukha at nakapuot parin mapupulang labi nya.

"Sa lips." Walang kagatol gatol nyang sabi at hinintay nya ang mga kilos ko. Suko na talaga ako. Gawin mo nalang jade para hindi na magtampo sayo. Friendly kiss lang ang tawag jan tulad ng ginagawa sayo ni carlo. Ok! Huminga muna ako ng malalim.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha. Nakatitig parin sya sa 'kin at parang kinalatis nya ang bawat sulok ng mukha ko.

Hinawakan ko ang magkabilang panga nya at nakatutok parin ang mata ko sa labi nya. 'Kaya mo yan jade laban lang para hindi na 'yan mag tampo sa 'yo.' Cheer ng isip ko.

Nilapit ko ang labi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang mapupulang labi habang nakatitig kami sa isat isa. Nakita ko sa kanyang mga mata ang saya. Hinawakan nya ang batok ko at diniin nya ang halikan namin.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon