Chapter 5

12.8K 442 10
                                    

NAKAYUKO ako ngayon dahil hindi ko kayang makipagtinginan sa kasama ni kiko. Hindi pa talaga nawala sa utak ko ang nakakahiyang eksena kanina lang.

"Girlfriend mo ba 'to kiko. Swerte mo bro." Sabi nung lalaking may braces ang ngipin. At sinapak pa nya ng mahina si kiko sa balikat. Napakamot nalang ng ulo si kiko.

"Atsaka bro saan mo 'to na bingwit ang ganito ka ganda. Para mapuntahan ko baka maka bingwit din ako." Tawang sabi nung naka trim ang bigote sa kanyang panga. Pogi din ang isang to.

"Oo nga para mapuntahan namin." Sabi naman nung makapal ang kilay at nakipag apir pa sya sa katabi nya.

"Hindi ko sya boyfriend." Putol ko sa kanilang mga tanong habang humiga sa kama.

"Ouch! Sakit no'n bro." Sabi nung may braces at hinawakan pa nya ang dibdib nya habang nag act ng nasasaktan.  Loko talaga.

"Dini-deny ka ng girlfriend mo bro.." Sabi naman nung makapal ang kilay at nag make face pa nang nasasaktan.  Hahaha mga loko talaga amputa.

"Yes totoo 'yon hindi kami mag kasintahan. Tinulungan ko lang syang may matutuluyan para hindi na sya mahirapang maghanap ng mauupahan." Paliwanag naman ni kiko sa kanyang kasama. Yes thats true! ang bait nga ni kiko eh.

"Ahhh ok! So, anong pangalan nya?" Sabi 'nung may braces habang naka taas ang isang kilay nya.

"Sya si jade. Jade si Franco, Edwardo at Joseph." Pakilala sakin ni kiko.

Si franco yung may braces ang ngipin at si Edwardo naman ay yung may makapal ang kilay at si Joseph naman ay yung may bigote.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"At mga bro! Wag kayong ma bibigla sa sasabihin ko." Pabitin na wika ni kiko.

Lumapit naman ang tatlo sa kanya na nagtataka ang kanilang mukha.

"Ano yun bro?" Sabay nilang sabi at ang seryoso ng kanilang mga mukha. Yung si edwardo ay mag kasalubong ang makapal nyang kilay si joseph at si Franco naman ay kunot ang noo na naghihintay sa sabihin ni kiko.

"Hindi sya babae." Prangkang sabi ni kiko sa kanila.  Yan ang totoo talaga.

"Ahhh!.. Ayon lang pa--- WHATTTT!"

"Wow! Thats cool."

"WHAT THE HELL!!"

Gulat nilang reaksyon dahil sa nalaman. Hayst! Ganito nalang ba palage kapag malaman nilang hindi ako babae.

"Yes totoo yun kaya wag na kayong mag tanong." Sabi ko sabay hikab kasi naantok pa talaga ako sa byahe.

"Idlip muna ako kiko." Sabay talikod ko sa kanila para matulog.

"Are you serious bro?"

"Mag sabi kanang totoo kiko."

"The fuck! ang ganda naman nya na maging lalake."

Narinig ko pa ang kanilang bulangan pero hindi ko na ito tinuonan ng pansin kasi antok na antok na talaga ako.

Pumikit na ang mata ko at naka tulog.

--

Nagising ako dahil tumunog na ang tiyan ko sa gutom. Hindi pa pala ako nakakain kanina.

Bumangon ako sa pagkahiga at hinanap ko si kiko pero wala ito, kasama siguro nya ang kaibigan nya. Lumabas nalang ako ng kwarto at naghanap  ng karenderya.

Naglalakad ako sa daan ng mahagilap ko ang lalaking naka tingin sakin ng blanko. Naka sandal sya sa gilid ng kotse nyang itim. Taimtim ko rin syang tinitigan at pinapamilyar ang kanyang mukha. Nakasalamin sya at ang gwapo ng kanyang mukha may makapal na kilay, asol ang kulay ng mata nya at manipis na mapupulang labi na nakangiti. Maskulado ang katawan nya at namumutok ang kanyang braso sa sout nyang black suit. Mukhang mayaman si kuya. Ang gwapo nya talaga. Bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang bumagal ang pag-ikot ng oras at mundo ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanyang mapang halinang mukha. Nandun parin ang kanyang ngiti na nag papainit sa aking katawan. Ano ba ang nangyari sakin. Bakit bigla nalang ako nag kakaganito ng dahil lang sa mapalinlang nyang ngiti. Patuloy parin ang kabog ng dibdib ko hindi dahil sa takot kundi sa hindi ko alam kung anong dahilan. Ngayon lang kasi ako nakaramdam nang ganito sa tanang buhay ko.

The Billionaire's Toy (bxb)Where stories live. Discover now