KABANATA 19

45K 960 30
                                    

Jacob's P.O.V.

Dalawang araw pa ang lumipas, laman naman ng balita na natagpuan na raw ang tatlong pugot na ulo ng mga pulis. Naagnas na raw ito at halos hindi na makilala nang makita ang mga itong nakasabit sa mga sanga ng puno. Sa noo raw ng bawat ulo'y may nakapaskil na maliit na papel--nakapako raw ito. Sa maliit na papel na ito'y nakalagay: Rapist. Huwag Tularan.

Nakita na rin daw ang bangkay ng di pa nakikilalang apat na lalaki. Nakahilera raw ang mga ito nang hubo't hubad sa tambakan ng basura. Nakabusal daw sa bibig ng mga ito ang kanilang napigtal na tenga at pinutol na ari. Sa bawat katawan--nakapako sa kanilang baba, ay ang karatula kung saan nakasulat ang mga katagang: Babala sa mga manyak, magnanakaw at mamatay-tao.

"Jake, nasaan na kaya si Eliza?" Umiiyak na tanong ni Alexa. Nanonood kami ng balita sa salas.

"Ewan ko. Hindi ko alam."

"Jake..."

"Hmmmm?" Abala ako sa paglilipat ng channel gamit ang remote control.

"May itatanong sana ako."

"Ano 'yun?" Hindi ako nakatingin.

"Noong araw bago tayo dinukot nina Eliza at Emil. Noong bago ako pumasok sa banyo. M-may kinuha ka munang itim na garbage bag sa loob. A-ano ba ang laman no'n?" Hindi ko alam kung bakit tila kabado at nauutal ito sa pagtatanong.

"Ah..." Pinatay ko na ang T.V. at tumingin na sa kanya, "Mga duguang damit at at tsinelas na pinaghubaran 'yon ni Eliza. Nakita ko kasing nakakalat lang sa kuwartong pinagdalahan sa kanya. Nakaligtaan sigurong kunin ng mga pulpol na imbestigador, kaya hayun, inilagay ko muna sa CR. Ang kaso nangangamoy na kahit nakabalot pa, kaya inilabas ko muna bago mo gamitin. Bakit mo naman naitanong?"

"Ha? Ah eh... W-wala..."

"Anong wala?" Sabi ko, "Nababakas d'yan sa mukha mong may mabigat kang dahilan. Ano ba 'yon?"

"Ah, eh..."

"C'mon Alexa. Sa mga pinagdadaanan ba natin ngayon, eh magse-sekretuhan pa tayo?"

"A-ano kasi..."

"What?"

"N-nakatiming kasi 'yun sa balita na, may tatlong pulis na pinugutan ng ulo. Nagkataon na ang mismong tatlong pulis na 'yun ang nang-abuso sa akin. Alam kong galit na galit ka sa mga pulis na 'yun. Kaya a-akala ko, mga pugot na ulo nila na pinugot mo ang laman noon."

"What?!" Hindi ko akalaing pinagsuspetsahan n'ya ako ng gano'n.

"Eh nakangisi ka kasi sa akin habang papalabas ka ng banyo. Kinilabutan ako. Akala ko may ginawa ka nang karumaldumal na bagay. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng pagngisi mong 'yun?"

"Goodness Alexa! Kung ngumingisi man ako no'ng mga panahong 'yon, dahil 'yun sa balitang pinatay ng asawa niya ang ama-amahan mong tumarantado sa 'yo!" Medyo napikon ako.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Eh sorry na. Malay ko ba." Habang hinahaplos niya ang braso ko.

"Ewan ko sa 'yo." Nagtampo talaga ako.

"Sorry na nga sabi eh."

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon