KABANATA 10

63.7K 1K 74
                                    

Jacob's P.O.V.

Hindi ako papayag na mawala na naman siya sa aking paningin. At saan na naman siya pupunta kung pababayaan ko siyang umalis? Kailan ko na naman s'ya muling makikita?

"You are not going anywhere, Alexa."

Hindi niya ako pinansin. Nagdirediretso lamang ito sa paghahandang umalis.

"I said, you are not going anywhere!" Mas nilakasan ko na.

Itinigil na n'ya ang kanyang ginagawa. Sinaksak n'ya ako ng matatalim na mga tingin at saka nagbuntong-hininga.

"Hindi ako kasing-talino mo pero nakakaintindi ako ng ingles, Jake." Malumanay naman ang pagsasalita n'ya. "At ano ang gusto mong gawin ko? Ang sumama sa iyo? Eh ni hindi ka pa nga nakakawala sa mga magulang mo eh."

"It was my Mom's request that I'm still there." Sagot ko, "If you will come with me right now, magpapakasal tayo at bubukod."

Natatawang umiling-iling ito.

"Are you out of your mind?" Anya. "You don't even know me yet. Hindi mo pa alam ang ugali ko, ang ayaw ko, ang gusto ko, ang masasamang katangian ko, wala ka pang alam kung sino talaga ako, pagkatapos... pakakasalan mo na agad ako?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"We will have the rest of our lives to know more of each other, Alexa. Please...please naman. I promise to make you happy. I promise to love you and you alone. Please Alexa, please come with me. Let's get married, have children, build a ho--"

"No."

"Why not?"

"Dapat mo pa ba talagang itanong yan, Jake? Hindi tayo bagay. Marami namang babae riyan na mas karapat-dapat sa pagmamahal mo ah, bakit ako pa?"

"Ikaw ang gusto ko."

Tumalikod siya sa akin at humarap sa dingding. Ilang beses siyang nagbuntong-hininga; tila nag-iisip ng susunod sasabihin.

"Dapat ko pa ba talagang ipakilala sa 'yo kung sino ako, at kung anong klaseng tao ako, bago mo ako tantanan, Jake?" Nakatalikod pa rin ito sa akin.

"Kahit sino ka pa, hindi kita tatantanan."

At hayun na naman ang kanyang pagbubuntong-hininga; na ngayo'y may halong pagtangis na.

"Masama akong tao, Jake." Hindi pa rin siya humaharap sa akin. "Isang maruming babae na may maitim ang budhi." Sumisinghot-singhot ito. "Isang WARAK na babae na dapat mong pandirihan. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi ako ang babae para sa 'yo!"

"Kahit ano pa ang sabihin mo Alexa. Mahal na kita. Hindi ako makapapayag na mawala ka sa akin kahit na ilang beses mo pa ako tanggihan. Alam kong gusto mo rin ako. Kaya pakiusap naman," Hinawakan ko ang kanyang magkabilang braso, "Bigyan mo naman ako ng pagkakataong mahalin ka. Kahit na hindi mo ito suklian. Basta't hayaan mo lang ako na alagaan ka."

Mas lalong tumindi ang kanyang pag-iyak. Pinilit ko itong humarap sa akin, pero nagpumilit itong manatiling nakatalikod sa akin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"I am sleeping with four men at the same time." Anya, "And you know what's worse? These were the same men who raped me and killed my family many years ago."

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon