KABANATA 6

67.5K 1K 51
                                    

Alexa's P.O.V.

Nakatutulala ang kag'wapuhan ni Jacob. Alam ko na medyo nahahalata nito na napapatulala ako sa kanya. Mabuti na lang at magalang ito at disente; nginingitian lang  ako nito para hindi ako mailang.

Napaka-inosente ng mga ngiti n'ya. Ang liwanag ng mukha n'ya at tila napakapuro ng pagkatao n'ya. S'ya 'yung tipo ng tao na, mapapakumpisal ka kahit ayaw mo, o 'yung makakagaanan mo ng loob kahit hindi naman kayo nagkakilala.

Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang pagkawala ng totoong kuya ko, may lalaking nagtanggol sa 'kin. Isang beses pa lang ako nito iniligtas pero pakiramdam ko,  parati na akong ligtas sa tabi n'ya.

Naalala ko tuloy nang niyakap n'ya ako sa taxi. Bukod sa totoong kuya ko at totoong Papa ko, no'n ko lamang nadamang muli na safe ako. Na may magtatanggol sa akin kapag nasasaktan ako. Na may pupunas sa mga luha ko kapag umiiyak ako.

"Alexa Lopez?" Tanong sa akin ng Mommy ni Jacob. Napakabait ng kanyang pamilya. Mula sa Daddy n'ya, Mommy niya at kapatid n'ya. Kahit hindi nila ako kilala, pinasalo nila ako sa kanilang pananghalian.

"Kaano-ano mo ang mag-asawang Susanna at Leopoldo Lopez?" tanong sa akin ng Daddy ni Jacob.

Napahinto ako sa pagsubo at tiningnan ito. Hindi ako nakapagsalita kaya umiyak na lang ako. 'Yun kasi ang pangalan ng mga magulang ko.

Mas lumapit naman agad sa tabi ko si Jacob at hinawakan ang kamay ko, maging ang Mommy nito'y hinaplos ang braso ko.

"Ikaw ba ang bunso nila?" Marahang tanong sa akin ng Mommy ni Jacob, "A-ang nag-iisang nakaligtas?"

Tumango lang ako at lalong umiyak. Bigla ko kasing naalala ang pamilya ko. Miss na miss ko na sila. Mula kay Papa, kay Mama, kay Kuya at Ate.

"Isa sa mga naging kaibigan ko ang Papa mo, hija." Sabi ng Daddy ni Jacob. Nakaupo pa rin ito sa puwesto nito. "Pero naging abala na kami sa aming mga sari-sariling buhay kaya matagal na hindi na kami nakapag-uusap o nagkikita man lang. Hanggang sa, nabalitaan ko na lang ang nangyari sa inyo. Mabuti naman at nakilala ka nitong anak ko. Nang sa gayun, magkakakilala naman tayo. Mabait na tao ang iyong ama, pero dahil isa rin itong negosyanteng tulad ko, hindi maiiwasan na may mga taong nagagalit sa kanya. Lalo na 'yung mga tauhang nasisisante nito noon. Istrikto kasi talaga ang Papa mo sa mga trabahador. Dapat lang naman dahil mataas naman itong magpasuweldo. Mas mataas pa nga itong magpasweldo kaysa sa 'kin. Marami ang haka-hakang isa sa mga tauhan ng Papa mo ang maaaring nagplanong manloob sa inyo. Pero walang makalap na ebidensya ang mga kinauukulan dahil maging ikaw raw, na nagiisang buhay na saksi, hindi mo rin nakita ang kanilang mga pagkakakilanlan."

Bigla kong naalala si Ray o Tisoy. Ang hayup na umaming dati nga itong tauhan ng Papa ko. Alam ko na naman sa ngayon na sila nga ang apat na nanloob sa amin noon, pero ititikom ko muna ang bibig ko. Dahil may mas malaki akong planong walang sino man ang dapat makaalam.

Nagbago ang mood ko. Naalala ko kasing kailangan ko nga palang tapusin muna ang mga plano ko. Tiningnan ko si Jacob. Isa itong nakatutuksong dahilan para magbago ang isip ko. Pero masyadong puro ang pagkatao nito para sa 'kin. Nagkagusto man ako agad dito, kailangan ko itong kalimutan.

Malinis ito, marumi ako.

Maliwanag ito, madilim ako.

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon