Chapter Three

2.8K 108 7
                                    

Joke. Ang buhay ko ay parang isang malaking joke. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado ata akong pinaglalaruan ng mundo. 'Yung taong kinaiinisan mo eh siya ring hinahangaan mo. 'Yung totoo, laruan ba ako o tao? At 'yung totoo ulit, ano bang ipinaglalaban ko rito?

"Oh, a-ate. Kamusta na? Short time no see ah."

Napatingin ako sa lalakeng naka-hoody na ngayon ay kumakamot-kamot pa matapos niyang makita ang biglang pagtigil ko sa pagsasalita nang nakita ko ang kanyang pangit na mukha.

"Magaling ka," wala sa loob na sambit ko. Eh sa hindi ko nga kayang aminin na magaling siya talaga. Mahirap na, baka lumaki pa ang ulo eh. Ngumiti naman ang mokong at parang naka-jackpot na tumingin sa'kin.

"Salamat, ate!" anas niya pa.

Para naman akong nabuhusan ng yelo nang mapagtanto ang tinawag niya sa'kin.

Ate? Close ba kami para tawagin niya ako no'n?

Pinandilatan ko siya ngunit nanatili lang itong nakangiti. Kahit nga ang kapatid kong si Josh ay nakabungisngis. Bakit ang insensitive ata ng mga taong 'to at 'di man lang magets ang sarcasm ko? Manhid lang ang peg?

"Hoy, ikaw! Hindi porke't sinabi kong magaling ka eh may karapatan ka nang tawagin akong ate! Kapatid ko lang ang tatawag sa'kin n'yan! 'Wag kang epal," nanginginig sa galit na sagot ko. Para naman itong bingi na nagsalita. Ay naku talaga!

"Opo, ate!"

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa sobrang inis. Nakakaasar talaga ang mga taong ganito, inis ka na nga, lalo ka pang aasarin. Ni hindi man lang marunong makibagay! Dyahe! Ipatapon na 'to sa Dapitan! Ah, sa Bermuda Triangle na lang kaya?

Naglakad ako palayo at muling umupo sa bench na inuupuan ko kanina. Mag-isang kumain ng ice candy na lusaw na pala at inis na tumingin sa dalawa na ngayon ay nagtatawanan pa. Maya-maya pa ay nagsimula na namang magpakitang-gilas itong si demonyito na akala mo eh kanya ang plaza dahil lahat ay nakatingin ata sa kanya kaya idinako ko na lang ang tingin ko sa mga taong kumakain ng street food malapit sa inuupuan ko. Biglang tumunog ang tiyan ko, senyales na Tom Jones na ako kaya tumayo ako at maglalakad na sana papunta sa street food stall nang biglang may nag-skate papalapit sa'kin. Tumigil ito sakto mismo sa harapan ko at nakangiting inabot ang isang bowl ng kwek-kwek. Inismiran ko naman ang mokong at kunwaring maglalakad pabalik sa pwesto ko nang hindi siya pinapansin nang bigla itong magsalita.

"Ate, sorry na. Gusto ko lang namang makipag-kaibigan, eh. Sorry na. 'Di ko naman sinasadya na masira 'yung skateboard mo. Alam ko namang importante 'yun sa'yo. Hindi ko talaga sinasadya 'yun. Nagkataon lang na amaze na amaze ako sa sapatos mong limited edition. Pramis, hindi na talaga mauulit. Pangako sa'yo, ipaglalaban ko. Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig. Upang 'di magka--" Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko habang naniningkit ang mata. Nakuha niya pa talagang isingit 'yung kanta ah? Lokong bata 'to, ano kayang hinithit nito bago pumunta rito? Kung tutuusin, matagal ko naman nang gustong maging mabait sa kanya eh. Umiinit lang talaga ulo ko pag nakikita ko siya. Naii-stress talaga ako sa pagmumukha niya! Ewan ko ba! Basta, tumataas presyon ko pag nakikita ko ang hilatsa ng mukha niya! Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya nang diretso.

"Tsk. Magsosorry lang, dami pang arte! At dinamay mo pa talaga ang kanta ni Sharon? Yung totoo? Nakakahiya ka. Siya, bumili ka pa ng tatlo nito at kulang pa 'to!"

Ngumiti naman ang mokong at inalog-alog ako.

"Aray ko ah!" singhal ko nang 'di ako tinitigilan sa pag-alog niya sa balikat ko.

"Sorry naman, ate. Hintayin mo ako at bibili pa ako!"

Nagsimula na itong maglakad papunta sa stall, iniwan niya na rin sa'kin ang board niya. Aba, ang feeling close talaga- Naglakad na rin ako papunta sa pwesto ko dala ang bowl ng kwek-kwek at pati rin ang board niya. Nang makaupo ako ay hinanap ko naman sa gitna ng plaza ang kapatid ko. Pero kahit anong zoom na ang ginawa ko sa mata ko para mahanap lang si Josh ay 'di ko siya makita.

AteWhere stories live. Discover now