Ate

11.5K 255 53
                                    

"Hoy! Wag mo kong takbuhan! Puputulan pa kita ng B!" sambit ko habang hawak-hawak ang malaking gunting na na-dekwat ko pa sa bahay nung hardinero. Tiningnan ko naman ang takot na takot na mukha niya, hindi ko mapigilan ang ngumiti. Kahit kelan kasi, hindi niya masakyan ang trip ko. Umiling na lang ako at tiningnan siya diretso sa mata.

"Biboy..." may halong pagbabanta na tawag ko sa kanya.

Maya-maya pa ay lumapit na rin siya at nakayukong tumabi sa kinauupuan ko. Tiningnan ko lang siya ng mataman. At sa pagtingin kong 'yun eh nakita ko na naman ang maamo at gwapo niyang mukha.

"Ate naman kasi," angal niya pa.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ang saya, winner! Nakakatawa, grabe, mga nakalimang tawa ako sa kanya. Ha-ha-ha-ha-ha.

Sa ilang taon kong nakasama siya, nakita ko na ang dugyuting bersyon ni Biboy, nakita ko na rin kung pa'no siya nagbago, kung pa'no siya unang nagmahal, nanligaw. Nakita ko rin kung ga'no siya nasaktan, kung pa'no siya umusad, kung pa'no siya natutong magmove-on. Andu'n ako sa lahat ng araw na iyon.

Nakita ko lahat. Pero siya, hindi niya ako nakita.

Ay mali, nakita niya rin pala ako. Hindi nga lang sa paraang gusto ko.

Nakita niya ako bilang 'ate' niya, isang adopted ate simula ng naging kasanggang-dikit niya ang kapatid kong si Josh. Nakita niya ako bilang sandalan sa tuwing pasan niya na lahat ng problema sa unibers. Nakita niya ako bilang ang tigasin niyang ate na hindi man lang marunong mag-ayos. Nakita niya ako bilang permanenteng kaibigan.

Ang sakit, ano? Kaibigan lang.

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos, namalas ko kung pa'no akong nahulog sa kanya. Pero ang saklap nga lang dahil para sa kanya, hindi ako 'yung babaeng mamahalin niya.

Kunsabagay, sino ba naman ako? Ate niya lang naman ako, di'ba? Ate niya lang ako at habang-buhay na mananatiling ate sa paningin niya.

---

Author's Note: Ths will be updated someday. Matagal pa, actually. Baka tapusin ko muna ang Kuya bago ko ipost ang chapter nito. Na-excite lang talaga ako sa plot nito <3 Sana, magustuhan ninyo. <3

Ateحيث تعيش القصص. اكتشف الآن