Chapter Five

2.6K 95 41
                                    

Mahuhusgahan siguro ako ng kung sino mang tao kapag sinabi kong nahuli ng mokong ang kiliti ko dahil lang sa binigyan niya ako ng long board. Oo na, ako na ang materialistic. Pero hindi naman 'yong material na bagay ang iniisip ko, eh. Kaya ako nadala ay dahil nagawa niyang ibigay sa 'kin ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa 'kin.

Simula nga no'ng araw na binigay ni Blake ang long board, parang bula na lang na naglaho ang badtrip ko sa kanya. Madalas nga siya sa bahay at minsan pa'y sumasama sa 'kin sa pagska-skateboard sa plaza kahit wala ang kupal kong kapatid na si Josh. Minsan pa nga'y tinutukso na kami ng mga kapwa namin boarders dahil sa lagi kaming magkasama rito.

Tatlong buwan na rin simula nang sirain niya ang skatie ko. Tatlong buwan, sapat na para mas lalo kong makilala si Biboy.

Napatingin ako sa mokong na busy sa pag-aaral ng mga new tricks na tinuturo ng mga isa sa magagaling na long boarders sa na madalas ding magpalipas oras sa plaza. Kitang-kita sa mukha niya ang determinasyon na para bang iyon na lang ang pinaka-importante sa lahat. Napangiti ako. Dati kasi, wala akong ibang makita sa kanya, kundi ang mga negative sides niya.

"Biboy!" tawag ko sa kanya ngunit para bang hindi ako narinig ng mokong dahil patuloy pa rin siya sa pag-ikot sa malawak na plaza.

Lalapit na sana ako para patigilin siya dahil gusto ko nang umuwi nang bigla namang nagtilian ang mga babaeng nakaupo malapit sa kinauupuan ko. Mga highschool students ang mga ito na punung-puno ng kolorete ang mukha. Base sa mga eyeliners nito na dahilan para magmukha silang koreana ay napag-alaman kong mga K-poppers ang mga ito. Idagdag pa ang mga kakaibang ayos ng mga buhok nito.

Napangiwi na lang ako nang makitang punung-puno ng pagnanasa ang mga mata nito na para bang ulam ang nasa harapan nila. Kebabata, kelalandi. Mga lesheng bata.

"We love you, Baby Blake!" parang sinisilaban ang pwet na igik ng isa sa mga fangirls ng loko. Napailing na lang ako. Blake-Blake pa, Biboy 'yan, eh!

Kaya na lang nasasabihang wala nang pag-asa ang mga kabataan ngayon, eh. Hindi na marunong ng salitang 'kalma'. Lahat, dinadaan sa bugso ng damdamin. Ayun, kadalasan, nagkakamali. Kung tutuusin, wala naman talagang masama kung nadadapa ang isang tao, eh. Ang hindi ko lang mainitindihan, sa dinami-dami ng mga nangyayaring hindi maganda sa mga tao sa paligid natin, hindi pa rin makuha ng iba na hindi na nila kailangang tularan pa ang pagkakamaling nagawa na ng iba. Kita na nga kasing mali, gagaya pa. Porke kasi uso, makiki-sakay. Hay naku, kalma.

"Ready na ko magka-baby, basta ikaw ang Daddy! Akin na sperm mo," parang palakang hindi maihi na usal naman ng isa pa sa kumpol ng mga K-poppers.

Nang idako ko ang tingin sa mokong ay kitang-kita ko ang malawak na ngiti nito na para bang tuwang-tuwa pa siya sa atensyon na nakukuha mula sa mga neneng nagsisi-tilian.

"Biboy," pag-uulit ko sa pangalan niya. Dahilan para tumingin naman sa 'kin ang mokong at nang makita niya ang iritado kong pagmumukha ay mas lalong lumawak ang ngiti nito. Lokong bata 'to, ah.

Pinaandar niya ang long board papalapit sa 'kin at nang makalapit ay saka naman siya muling tumingin sa mga fangirls kuno at malokong kumaway sa mga babae sa harapan namin. Lesheng loko 'to, daming alam.

Akmang maglalakad na sana ako pauwi nang bigla namang bumulong ang loko sa tainga ko, "Selos ka naman, ate?"

Hindi ko mapigilan na batukan ang mokong bago pinagtaasan ng kilay sabay pameywang. "Loko mo, asa ka naman. Ba't naman ako magseselos?" Isang batok pa ang binigay ko sa loko pero hindi man lang ito natinag at nakangiti pa rin nang mapang-asar.

"Hindi ba?" bungisngis na sagot nito bago tumingin sa mga K-poppers na nakatingin pa rin sa kanya. Umakbay pa ito na para bang iyon ang pinaka-normal na ginagawa niya kaya naman binanatan ko na ng isang upper cut.

"Ate naman, eh! 'Di mo ko sinasakyan," tampururot na utas nito habang sumasabay sa paglalakad ko.

"Eh bakit kasi aakbay-akbay ka pa. Naka-drugs ka ba? 'Di ako pokpok, ah. Asa ka," inis na sabat ko naman sa kanya.

"Kasi naman, lagi na lang nakatitig 'yong mga babae  sa 'kin. Araw-araw, sinusundan ako ng mga 'yon. Kahit sa campus. Para naman tigilan na nila ako," palusot naman niya. Ang kaso, hindi umubra sa 'kin kaya isa na namang batok ang natanggap niya. "Aray ko naman, ate! Pang-ilan na 'yan ngayong araw, ah!"

"Loko-loko ka talaga. Dinamay mo pa 'ko sa kagaguhan mo?"

"Ate naman, eh. Sorry na," pagmamaktol nito. Inirapan ko na lang ang mokong at itinuon ang konsentrasyon sa paglalakad.

"Uy, ate!"

Rinding-rindi akong tumingin sa kanya. "Problema mo ba?" Pagkatapos magsalita ay naisipan ko namang sakyan ang long board na binigay niya sa 'kin na pinangalan ko naman ng, 'Blakey'.

"Kausapin mo naman ako."

"Tse, humanap ka ng kausap mo."

"Ate naman, eh. Kailangan ko ng tulong mo."

"Tulong? Kung 'yon at 'yon lang din naman ang tulong na hinihingi mo, ang itaboy ang mga fangirls mo, 'wag ako ang asahan mo. Hindi ako bouncer, no? At utang na loob, wala akong planong makigulo."

"Eh, hindi naman 'yon ate, eh." Hinawakan nito ang braso ko at para bang isang bata na nagmamakaawang ibili siya ng lollipop. Natigilan naman ako sa inasta ng mokong. Akala mo kasi kung sinong artista, ang galing mangunsensya.

"Eh, ano ba kasi 'yang tulong na gusto mo?"

Bigla namang nawala ang busangot ng loko. Napalitan ito ng malawak na ngiti na parang excited na excited talaga siya sa gagawin niya. Huminga pa ito nang malalim na akala mo ba ay mauubusan siya nang hininga kapag nagsalita na siya at pinagdikit niya pa ang dalawang kamay na animo'y nagdadasal.

"Matagal ko na kasing gustong sabihin 'to, ate. Kaso lagi akong dinadaga. Nakakahiya kasi, eh." Kumamot pa ito sa ulo na para bang ikina-gwapo niya naman ang ginagawa niya.

"Eh, ano ba kasi 'yon at 'di mo masabi-sabi?" takang tanong ko pa habang nagpapatuloy sa pagska-skate pero tumigil ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang braso ko.

"Ano kasi, ate..." Yumuko pa ito, kunwari pang nahihiya.

"Ano nga kasi?"

"Ahm..." pa-biting sagot niya. Halos ibalibag ko naman sa kanya si Blakey dahil sa dami niyang pasubali.

"Takte, isa pa, Biboy! Isa pa at 'di talaga kita papakinggang pisti ka!"

"Manliligaw sana ako sa--"

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko na rin napigilan ang sampalin siya. Sa sobrang pagkabigla ay naitulak ko pa siya, dahilan para matumba si Biboy sa pagska-skate. At hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataon, dali-dali ko nang pina-andar ang long board habang naka-hawak sa dibdib ko.

Hindi ko maintindihan kung ba't ganon-ganon na lang ang reaksyon ko. Naituon ko ang pansin sa puso ko na kanina pa nagpapaputok na para bang baby armalyte.

Takte. Pisti. Ba't ang lakas ng kabog nito? Mamamatay na ba ako?

---

Author's Note: Omeji. Bigla akong na-excite. Hahahaha. Shete. Sa katunayan po, wala talaga akong matinong plot para sa Ate. Hinahayaan ko lang na liparin ako papunta sa kung saan ng mga characters ko. At omegash, ang kyoti nito (buhat lamesa, eh no?). Hahahaha. Di ito planado. Omeged. Hahaha <3

Maikli lang. Haha. Sinadya kong maikli. Peace yow, medyo tamad. Pero may purpose din naman kahit papano. Hahaha. Pabitin muna ako.

Oo na, may kasalanan ako. Eng tegel ke meg-epdeyt. Serreh ne. Huehue. May naghihintay pa rin ba sa update na ito?

AteWhere stories live. Discover now