Chapter Ten

2.3K 105 95
                                    

Masaya ka ba para sa 'kin, ate?

Natigilan ako matapos mabasa ang text ni Biboy. Kahapon niya pa 'to sinend pagkauwing-pagkauwi niya sa kanila galing sa bahay namin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako naiyak nang umaga kahapon pagkatapos marinig 'yong balita ni Biboy. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nire-reply. Hindi ko alam kung bakit para akong timang na nakakulong dito sa kwarto habang iniisip kung bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Ilang minuto pa ay napagpasyahan kong magreply.

Oo naman. Ang saya-saya ko para sa 'yo :DDDDDD

Parang timang na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko pagkatapos kong mapindot ang send sa screen ng cellphone ko. Bakit ba depressed ako? Bakit ba umiiyak ako? Bakit ba parang hindi ko magawang maging masaya?

Yie! Kung 'di mo ko sinamahan para bumili ng Teddy Bear, baka hindi naging kami.

Mas lalo akong naluha at wala sa loob na tinapon sa pader ang cellphone kong 3210. Wala akong pake kung magkandawasak-wasak 'yon dahil sa oras na pulutin ko 'yon at i-assemble ulit ay gagana na naman.

Tanginumin. Bakit ba 'ko nagkakaganito? Walang ano-ano ay bumangon na ako sa pagkakadapa sa kama, kumuha ng pera sa maliit na kabinet sa bedside table, tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Nang makarating ako sa sala ay tiningnan ako ni Josh mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko na lang ang naghihimutok sa galit na pimples niya sa noo para hindi na magtama ang paningin namin. Ayaw ko munang makausap siya. Pero litsi lang din dahil bago pa man ako makalabas ng bahay ay bumirada na ang magaling kong kapatid.

"Umamin ka nga, ate. Apektado ka ba sa pagsagot ni Mich kay Blake? Hindi pa kita nakikitang nagkaganyan, e."

Nang tingnan ko siya ay napansin ko ang pagkaseryoso sa mukha niya. Malayo sa Josh na madalas makipagbiruan lang sa 'kin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin dahil kahit ako, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

Maglalakad na sana ako palabas ng pigilan na naman ako nito.

"Ate, binabalaan kita. Hinayaan kong kaibiganin ka niya pero hindi kami magkakasundo kung sasaktan ka lang niya. Magkalimutan na."

Napangiti ako nang mapakla. Ano bang iniisip niya? Na may lihim akong pagnanasa sa Biboy na 'yon? Aba, wala 'no. Wala. Wala talaga. Tumango lang ako at muling ngumiti pero sa oras na makalabas ako ng bahay ay nagsimula na namang mag-alpasan ang mga luha ko. Jongina. Ano bang nangyayari sa 'kin? May sapi na ako. Jongina talaga.

"Pagbilhan nga po ng isang de kanto," bungad ko sa tinderang nagbabantay na busy masyado sa paglalagay ng pink na cutix sa mahahaba niyang kuko.

"Ilan, neng?"

"Isa lang po. Chicharong baboy rin po," dagdag ko pa sabay abot ng isang daan sa kanya. Nang makuha niya ang pera, saka lang ito tumigil sa paglalagay ng cutix niya at inasikaso na ang binili ko. Inabot niya sa 'kin 'yon.

"Te, may baso ba kayo d'yan? Saka tubig na malamig na rin po," utos ko pa. Pansin kong nainis ata 'yong tindera pero nagsimula nang asikasuhin ang ni-request ko.

Nang mabigay niya na ang gusto ko ay umupo ako sa upuang naka-reserba para sa mga bumibili sa tindahan. Binuksan ko na rin ang bote ng San Miguel at nagsimulang laklakin ito diretso sa bote dahil isang baso lang ang binigay sa 'kin ng tindera. Pinagtitinginan na nga rin ako ng mga tao pero pake ko ba? Nasa tamang edad na ako. Deci nwebe. Malaya na akong gawin ang gusto ko. At wala rin naman akong planong mamerwisyo sa iba. Hindi naman ako katulad ng ibang mga maglalasing tapos magsisisigaw sa daan. Jongina. Subukan lang nilang pakialaman ako at makikita nila ang hanap nila. Letsugas nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AteWhere stories live. Discover now