Chapter Six

1.1K 62 16
                                    


"Alam kong sadista ka talaga, ate. Pero grabe naman 'yon! Ang sakit kaya!"

Hindi ko na lang inintindi ang mokong sa mga pinagsasasabi niya at nagpatuloy na sa pagboboard. Wala na akong pake sa iniisip niya. Ang gusto ko lang ay makalayo. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at lalong hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na magtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako tinubuan ng hiya. Isa lang ang alam ko, ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko.

"Ate naman, lagi mo na lang ba akong tatakbuhan? Magpapatulong lang naman akong manligaw, eh!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang sinabi niya. Gusto ko na lang na biglang maglaho na parang bula. Sa dinami-dami naman kasi ng panahon na pwede akong mag-assume, ngayon pa talaga? Hay, naku. Ewan ko. Ang tanga lang.

Mas lalo kong binilisan ang pag-skate para maiwan na ang damuho pero para naman itong isang maamong tupa na susunod-sunod sa 'kin. Walang lingon-lingon akong nagpatuloy hanggang sa marating ko ang bahay namin. Nang makatapak ako sa loob ng gate ay saka ko naman ito ini-lock para 'di na siya makapasok. Pero hindi ko alam kung may sa-pusa ba ang loko at nakita ko na lang itong nakatayo sa likuran ko matapos kong i-lock ang naturang gate.

"Tangna, 'di mo ba alam ang salitang 'ayaw kong kausap ka'?" nanggagalaiting untag ko sa kanya.

Sumimangot ang loko na para bang nagpapaawa pa. "Gusto kitang kausap, e."

"E, sa ayaw ko ngang kausap ka? Trespassing ang ginagawa mo, lumayas ka nga sa pamamahay ko!"

"Bahay rin naman 'to ng kapatid mo, a? Na kaibigan ko?"

Nagpanting na lang ang tainga ko sa pamimilosopo niya. Sa sobrang inis ay sinipa ko siya sa kung saan sasakit talaga nang husto at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Dinig na dinig ko ang pagsigaw niya nang dahil sa ginawa kong pagsipa. Ah, bahala siya sa buhay niya. Hindi naman gaanong kalakas ang ginawa ko kaya hindi pa naman siya mababaog no'n. Magdusa siya.

"Ate, ang B ko!" mangiyak-ngiyak na sigaw nito.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Oo na, ako na ang demonyita! Kahit nakakatawa ang itsura niya dahil namumula na pati ang tainga niya at namamawis na ang buong mukha habang namimilipit sa ginawa ko, ayaw ko pa rin siyang kausapin. Wala akong ganang kausap siya ngayon. Kailangan ko munang pagnilay-nilayan ang katangahang nagawa ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ay kaagad akong dumapa sa kama habang paulit-ulit na binabalikan ang mga pangyayari. Sinampal ko siya. Kasi ang akala ko, liligawan niya ako. Hashtag medyo tanga!

Isang dakilang OA ako ngayon. At hindi ko 'yon matanggap. Bakit gano'n nga ba ang reaction ko. Oo nga pala, wala kasing nagtangkang manligaw sa 'kin. Siya ang una. Pisti, sa dinami-dami ng una, siya pa. Bakit si Biboy pa? At pisti lang din dahil mali pa ang pagkakaintindi ko. Tange. Tanginumin namang buhay 'to, e. Baliw ako. Baliw. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Bakit ba ang lakas ng pake ko? E, ano kung gano'n ako? Sanay naman siyang gano'n ako, e! Ba't ba nahihiya-hiya pa ako? Ano 'yon, pabebe lang?

Tanginumin talaga! Shete.

Pinalipas ko ang buong oras ko sa pagkurot-kurot sa sarili habang nakikipagtitigan sa life-sized Sadako stuffed toy ko. Naaasar ako. Bakit ba kasi ang shunga-shunga ko?

"Bakit ba ang shunga ko?" bulalas ko kay Sadako, nagbabaka sakaling sasagutin naman ako ng babaeng multo. "Sadakoooo, palit tayo. Ako na lang higa rito habang buhay tas ikaw na lang ulit mabuhay."

Nang mapagtantong walang sasagot ay napabuntong-hininga na lang ako habang nagmura ng pagkadami-daming mura sa utak ko. Pwede bang kainin na lang ako ng lupa?

AteWhere stories live. Discover now