Chapter 13

1K 26 10
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 13- Misunderstanding (The Accident)

Shai's POV

Nagmumukmok na naman ako. Eh ako na ang broken hearted for the second time.

"Uy anong drama mo teh?!" , si Ate Yuri. Kita ngang nag momoment ako diba?!

"Diba obvious?!" , asar ako.

"Tss. Bad trip ata oh." , si Ate Tiffany.

"Eh try mo kayang aminin yang nararamdamn mo sa kanya! Wala namang masama sa mainlove eh.Minsan kailangan mo lang talagang magpakatotoo. Oo minsan masasaktan, mabibigo ka pero di ibig sabihin nun hindi ka na magmamahal pang muli. Ganyan naman yang love eh , masakit na masarap." , mahabang sabi ni Ate Yuri.

O_o ~~ Expression namin ni Ate Tiffany.

At biglang sabay kaming tumayo at pumalakpak.

"San yun galing Siga?!Sinapian ka ba ni Cupid?" , mapang-asar na tanong ni Ate Tiffany.

"Tss.Wala." , asar niyang sagot.

"Wahhh ang galing ng SONA mo ate ." , sabat ko naman habang natatawa.

"Ah yun ngumiti na rin sa wakas!" , si Ate Jess.

Aww. Na touch naman ako.Nag-aalala pala sila sakin.

"Aminin mo na kaya yang nararamdaman mo!" , si Ate Sunny na papasok ng kwarto ko.

Yun na nga eh. Ang hirap.

"Di ba nga muntik ko na ngang inamin eh." , sabi ko.

Totoo naman yun. Pero wala akong napala.

"Muntik lang naman diba?! Malay mo pag inamin mo sa kanya yang nararamdaman mo magabago ang lahat." , sabi naman ni Ate Jessica.

Napaisip ako. Oo nga naman baka may magbago. Baka pag nalaman niya may pag-asa pa. Wala namang masama kung aaminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.Nabuhayan ako ng pag-asa.

"Oh ano pang hinihintay mo?, tanong ni Ate Sunny.

"Bukas ang hinihintay niya!Kung makasira naman ng moment oh?",banat ni Ate Yuri. At nagsitawanan kaming lahat.

Tinext ko agad siya.

To:Bestfriend Jush

Best kita tayo sa park! Ngayong 5 may sasabihin ako sayo! :))

Send.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero ito na yun eh!

"Halika na! Make over ka namin. Para maging memorable to!" , sabi ni Ate Sunny.

Nag smile lang ako.

Inayusan nila ako.

Make up here.

Make up there.

Bihis here.

Bishis there.

Natapos din.At gumanda nga ako.

"Waaahhhh salamat ate!",sabi ko at niyakap sila.

Biglang lumapit sakin si Ate Yuri.

"Yan wag mong kakalimutan yan. Lalo kang gumanda." , sabi niya at nilagay sa buhok ko yung hairclip na binigay sakin ni Jushtine.

Nagsmile lang ako.

"Are you ready?" , tanong ni Ate Shey.

Nakatingin lang ako sa kanila at pilit akong ngumiti.

"Kaya mo yan! Ang mahalaga na sabi mo!" , sabi ni Ate Haiana.

Tama! Yun lang naman! Dapat malaman niya ang matagal ko ng tinatago! Na simula't sapul palang ay minahal at minamahal ko siya.

Papunta na ako. Heto na. Masaya akong papunta sa park. May dalang pag-asa na baka may mabago pagkatapos nito.

Jushtine's POV

Kanina pa ako dito. Naghihintay kay Yanna. Oo magtatapat na ako.Alam kong masyadong maaga pa. Pero panahon na rin siguro para mag move on. Sa tingin ko siya na yung tamang babae.

Nasan na kaya siya. Eh ba't ba kasi lowbatt ang phone ko eh. Kabanas tuloy.

Yun may padating. Siya na ata yun. Tumayo ako upang makita niya.Lumapit naman siya. Kinakabahan na naman ako.

"Hi." , bati ko sa kanya.

Ngumiti lang sya. Lalo syang gumaganda kapag nakangiti.

"Hello. Ba't pinapunta mo ko dito?" , tanong niya.

Ito na. Sumisikip na naman ang dibdib ko sa kaba. Sana bigyan nya ako ng chance.

"Yanna may ipagtatapat ako sayo." , sabi ko.

"Sige makikinig ako. Kailangan maganda ang pagkakasabi ha. Ayoko ng wrong grammar." , at tumawa siya.

"Yanna mahal kita alam kong masyado pang maaga pero kaya kong patunayan ang mga nararamdaman ko para sayo.Bigyan mo lang ako ng pagkakataon." , mahabang litanya ko.

Tumingin siya sakin. Seryoso.

"Eh kasi Jushtine..may mahal na akong iba." , sabi niya.

Yumuko ako. Pero buti nalang naging honest sya at di nalang ako pinaasa.Hinawakan niya ang braso ko.

"Pero alam mo may taong mas karapat dapat sayo. Yung taong laging nandyan kahit ano man ang mangyari.Yung taong kayang magtiis para lang sayo.Yung taong mahal ka na simula't sapul pa lang. At yung taong yun ay abot kamay mo lang." , sabi niya at ngumiti.

~Abot kamay mo lang~

~Abot kamay mo lang~

~Abot kamay mo lang~

Paulit ulit na pumapasok sa utak ko. Si Shaira! Si Shaira ang tinutukoy niya.Mahal niya ako?! Ba't di niya sinabi.

Nag sink in lahat ng mga pinagdaanan namin ni Shaira. Sa lahat ng bagay ako yung inuuna nya. Lagi syang handang sumalo sakin. Hindi kahit kelanman nya ako sinukuan. Akala ko gingawa nya yun dahil bestfriend ko sya.
Biglang may sumagi sa memorya ko. Yung tagpong sinundo nya ako sa bar.

"Sana ako na lang.",rinig kong sabi nya pero dahil lasing na lasing na ako ay wala na akong lakas ng loob na tanungin sya tungkol dun.

Tama siya si Shaira ang taong karapat dapat sakin.

Niyakap ko siya.

"Thank you for letting me realized that she's the One." , sabi ko habang yakap yakap siya.

Shai's POV

Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang tagpong yun. Para akong napako sa kiantatayuan ko. Huli na ba ako?! Ba't ba kasi ako umasa pa.Tanga ko lang! Totoo nga ang sabi nila nakakamatay ang pag-asa.

Tumakbo ako nang tumakbo na wala namang patutunguhan. Tutulo na ang mga luha ko. At siguro ramdam ng panahon na kailan ko ang simpatya niya. At umulan pa. Ang mga luhang pilit kong pinipigilan ko ay tuluyan ng bumagsak.

Wala ako sa sariling tumawid. Nang...

~BOOOOOOGGGGSSHHHHHH~

Natumba ako. Tumalsik yung hairclip. Inabot yun ng isang kamay ko.

Sana paggising ko hindi na kita mahal.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon