Chapter 2

159 6 0
                                    

Chapter 2

Like We Used To

[A/N: Pakinggan niyo yung kanta sa side. Yun yung ginawa ko habang tinatype ko yung chapter na to eh. SHARE! :) sobrang nakakaUMFF. :(( -->]

*Drake’s POV*

Hindi ko na alam kung bakit kami umabot sa ganito. Mahal ko siya. Mahal niya din naman ako. </3

HAAAAAAAAAY!!! -_- 13 months and 7 days… YAN LANG ang tinagal namin. DAPAT HINDI EH!! Dapat forever kami. Dapat tatanda akong kasama siya. Mabubuhay ako nang siya ang dahilan. Magtatatrabaho ng husto para sa mga magiging anak namin. Sabay namin silang papalakihin. Sabay namin sila... Haay. Wala na ang lahat. Yung mga pangarap namin? UBOS. Kasi gumuho na lahat.

Ang complicated kasi eh. Masyado kaming magkalayo. Ang hirap i-balance yung time. Pero KAYA NAMAN SANA NAMIN EH!

May sumira lang talaga.

At don siya nagsimulang magduda sa loyalty ko sa kanya. :(

HAIXT!! Wala nang kwenta yung buhay ko! Nawala na kasi yunh dahilan kung bakit ako nabubuhay. Pakiramdam ko patay na ako. Kasi di ako nag-iingat. Naaksidente ako ng di ko nalalaman. Namatay ako ng walang kamalay-malay.

Hindi ko nga alam kung pano ko pa nagagawang humawak ng bola at i-shoot yun sa ring eh, patay na nga ako dba? Lahat ng bagay tinatagusan ko. Invisible na ako. Lalo na sa kanya.

Naalala ko isang time nung UAAP. Magkalaban FEU at UP. Every first half kasi, magpeperform ung bawat school pep squad. Eh kapag ganon, Team B daw yung nagpeperform sa kanila. So sa FEU, nandon si Jerika. :)

“Alam mo, kahit iba chini-cheer ko, kahit iba yung nire-represent ko, pangalan mo pa rin yung nagingibabaw sa puso ko.” Sinabi niya yan sa akin NOON.

Ayos lang talaga kami NOON eh. Ngayon, wala na. :(

Haaay. Noon, dadaan lang ako sa bahay nila para sunduin siya. Ngayon? Wala na. Noon, dadaanan ko siya sa may Morayta para sabay kami umuwi. Ngayon? wala na. Noon, ako palagi yung kasama niya. Ako palagi yung magpapangiti sa kanya. Ako yung magdadala nung bag niya. Ngayon? Iba na.

Si Lucas na. </3

Masakit eh. Alam kong hindi niya ako kayang ipagpalit pero… yung mga bagay-bagay na ginagawa ko… Iba na yung gumagawa. Si Lucas na.

Pano kung isang araw magising na lang si Jerika at ma-realize niya na wala na kaming pag-asa? Tapos pano kung bibigyan niya ng chance si Lucas na mahalin siya para makalimutan ako?

Hindi maari.

Hindi ako papaya na mangyari yun. Walang makakatalo sa akin sa puso ni Jerika. Naka-isang taon kami. Maraming nagyari sa loob ng isang taon na yun.

Kahit wala man kami ngayon, alam ko na babalik ulit kami sa dati. Hindi kami mananatiling ganito. Magiging okay kami. Magagaing kami ulit bago pa man mahuli ang lahat.

Magiging kami ulit.

Sana. :(

Forever Took So SlowWhere stories live. Discover now