Chapter 16

122 6 10
                                    

Sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update. Busy po kasi sa school activities eh. Kaya ito na po ang pambawi ko. Sorry po kung corny ‘yung update. On the spot eh. HAHAHAHAHA =))))))) Inspired? Pwede. :-) So, enjoy reading! :D

___________________________________________________________

Chapter 16

The Wedding

*Jerika’s POV*

Halos isang taon din kaming naghanda para sa kasal namin. Feel ko dinaig pa namin ‘yung kasalan sa Walang Hanggan. Joke. ‘Di kami rich ni Drake, ano! Madami lang talaga sponsor.

Sa may Nuestra Senora de Gracia kami ikakasal. Hindi siya gano’n kagara pero para sa akin, napaka-magical nung place na ‘yun. I mean, nung church na ‘yun. Ang ganda lang nung setting kasi medyo mukhang ruins na ‘yung church, kahit hindi naman talaga. Tapos may ilang steps muna bago ka makarating sa pinto nung church. Siguro, mga 10 ‘yun.

‘Yung wedding dress ko? Simple lang siya actually. Tube na may sequins. Tapos ‘yung palda part, palobo siya pero pwedeng tanggalin ‘yun kasi may cocktail dress naman ako sa loob. Simple lang din ‘yung cocktail dress. May thin lining siya na sky blue na cloth tapos white ‘yung nasa ilalim no’n.

‘Yung veil naman… mahaba siya. Tapos may mga flowers-flowers na kumikinang once na nasinagan ng ilaw o kaya ng araw or something na may illuminance. Shetttt.

Tapos ‘yung mga pupunta sa kasal, lahat sila naka-barong tagalong o maria clara. Yeeep. Pinagawaan namin sila. So ibig sabihin, bilang lang ‘yung mga bisita. Exclusiveeeee. Depende pala ‘yung kulay nung suot nila sa gusto nila. Damay mo na din ‘yung design.

Para naman sa mga ninong, barong na gawa sa pinya na medyo greenish ‘yung kulay sa baba. Can you imagine? ‘Yung sa mga ninang naman, maria clara na kulay grass green. May ganyan ba? Gasta, ganyan. Tapos may dahon-dahon na design. ‘Yung embroidered ah! Baka kasi isipin niyo, dahon talaga na nakalagay sa dress. E-eh? Lady Gaga?

‘Yung anim na flower girls, limang bata at isang teenager. Mga pinsan ko ‘yun eh. Share. ‘Yung top nila, grass green. ‘Yung palda nila, medyo puffy na layes ng white, tapos dalawa pang shades ng green. Medyo cocktail dress ‘yung dating niya. Tapos may parang ccrown sila ng flowers sa ulo.

‘Yung ring bearer, na pinsan ni Drake, barong din ‘yung sa kaniya na parang katulad nung sa mga ninong.

Tapos ‘yung mga abay naman, same nung sa mga ninong at ninang.

Ang gastos ng kasal namin, ano? Ayoko nga sana ng ganitong kagastos na kasal kaso… si Drake eh. Sapat na naman siya sa akin. Sapat na sa akin ‘yung simpleng wedding dress. Sapat na sa akin ang simpleng buhay. Sapat na.

Kaso, sino ba naman tayo para tumanggi sa mga biyaya sa atin? Let’s accept them. Kasi kapag ‘di natin tinanggap ‘yun, parang tinaboy na rin natin ‘yung blessings ni Lord. ‘Yun.

‘Yung parents ko at parents ni Drake ‘yung major sponsors. ‘Yung relatives namin ‘yung sponsors. Si TERRY JAMES VILLAFUERTE talaga ‘yung MAJOR MAJOR MAJOR MAJOR sponsor ng kasal namin. Palag?

*tok tok tok*

“Bes?”

“Oy, Bes!”

“Ready ka nab a?”

“M-Medy-yo.”

“Kinakabahan ka yata…”

“A-Ah. E-Ewan ko ba. Feeling ko… Geeling ko may masamang mangyayari…”

“Gaga! Batukan kita diyan eh! Pasalamat ka, may suot kang veil. Ikaw ha. ‘Wag ka ngang nega. Mamaya....”

Forever Took So SlowWhere stories live. Discover now