#Chapter 22: Medyo SPG

191 7 7
                                    

*Essie’s P.O.V.*

Yung honeymoon na solo dapat nila ang isa’t isa kasama kaming barkada. Hahaha. Ang mga walangya kasi nung nalamang sa isang sikat na resort ako nagpabook para sa honeymoon nina Indira ayun sumama na. Buti na lang at pumayag yung dalawa. Pero nangako naman kaming hindi kami manggugulo. Hahaha.

Asa byahe na kami. Tapos na ang kasal. Ang corny masyado nung vow nila sa isa’t isa. Hindi ko  na kayang inarrate pa. Sasakit ngipin ko sa tamis kapag nag flashback ako tungkol dun. Hahaha. Ngayon pa nga lang na nasa likod namin sila landian pa din ng landian. Buti na lang hindi kami magkatabi ni Ralph. Hahahahah. Si Glenda katabi ko eh. Baka kasi mamaya sabihin ni Ralph naiinggit ako. Eh, hindi naman. Medyo lang siguro? Hahaha.

Gusto niyo ba ng flashback kung anong nangyari nung pumunta kami sa bahay?

*Flashback*

Nagpark siya ng maayos sa tapat ng bahay namin. Nauna siyang bumaba, actually ayaw ko na ngang bumaba eh. Pinagbuksan niya ko ng pinto tapos hinawakan niya yung malalamig kong kamay. Tsk. Baka mapabalik ako sa ospital ng di oras dahil dito.

Pinagbuksan kami ng pinto ng mga maids. Tinanong naman sila ni Ralph kung asan si Daddy.

 

“uhm. Pwede bang ikaw na lang muna ang pumunta kay daddy? May hahanapin lang ako. “ Pakiusap ko sa kanya. Tumango naman siya. Agad ko siyang tinalikuran.

 

 

Hinanap ko agad si Mark. Feeling ko kasi andito yun. Gusto ko lang sabihin sa kanya lahat ng habilin ni Camille. Baka mamaya dalawin pa ko nun dahil lang sa hindi ko nasabi no. Nung makita ko siya, agad ko siyang nilapitan at niyakap. Nagulat siya sa ginawa ko pati nga ako eh. Hahaha.

 

 

“I’m sorry. “ Sabi niya. Nginitian ko na lang siya.

 

 

“Ok na yun kuya. Tapos na. Atsaka baka multuhin ako ni Camille kapag hindi pa kita pinatawad eh. “ sabi ko sa kanya.

 

 

“Thank you “ He said.

 

 

“Pinapasabi niya rin. Ok lang daw sa kanya kung magasawa ka. Basta wag mo lang daw papabayaan ang anak niyo kundi mumultuhin ka daw niya. hahaha. “ I said.

 

 

“I don’t think kaya ko pang magmahal ng iba. “ seryoso niyang saad napangiti naman ako. “Tara na nga sa garden puntahan muna natin si Daddy. “ Sabi niya. lalo akong napangiti ng tinawag niyang daddy si Daddy.

Remember MeWhere stories live. Discover now