#Chapter 17: Pain

166 8 2
                                    

A/N: Kung magulo man to pasensya na. Next Ud sisiguraduhin kong hindi na kayo maguguluhan. haha. may kailangan pa kong puntahin eh. 

#BeautifulBltch~

***

*Karen’s P.O.V*

“Rieka? She’s your daughter? “I said in disbelief.

Gulong gulo na yung utak ko. Bakit kailangan nila kong saktan? Para lang mailayo kay Essie? Bakit kailangan pa nilang gamitin sina Camille at Mark? Bakit nila ko hinayaang paniwalaan na minahal niya ko? Bwisit.

“Ofcourse she’s her mother. Nakuha niya lahat ng features ng nanay niya eh pati na rin ang ugali ng tita niya. “Nagulat ako ng may biglang nagsalita. Paglingon ko sa likod ko I saw Britny, smirking at me. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko, nakita kong lahat sila nakahandusay sa sahig. Walang malay. Anong nangyare?

“Tigilan niyo na to Britny. Wala naman tong magandang kahihinatnan. “ Matapang kong saad sa kanya.

“Oh’ really? “ she bitterly smirk at me. “Alam mo kung wala lang sayo ang puso ng ate ko, baka matagal na kitang pinatay. “ After niyang sinabi yun may nagtakip ng panyo sa bibig ko. Then everything went black.

***

Nang ako’y magising nakatali na ko sa isang upuan. Wala kami sa isang abandon building. Nasa isang mansion kami.  Medyo Malabo pa yung paningin ko nung una, ngunit ng ito’y luminaw. Nakita ko si Aries. Walang malay, ang daming pasa at sugat sa mukha at katawan. Sh*t. Hindi ko mapigil sa pagtulo yung mga luha ko. Pilitin ko mang magsalita at tawagin siya hindi ko magawa. Nakatape yung bibig ko.

‘Aries, wake up. Look at me please. Tell me you’re okay. Please ‘ Kaso kahit anong pilit kong mabigkas yang mga salitang yan. Wala talaga kong magawa. Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya. I wanna spend the rest of my forever with him.

“Finally you’re awake already. Haha. You know what? He deserves that naman eh. He killed my Ate so you could live. “ Britny said as she enter the room. Lumapit siya sakin at tinaggal niya yung tape sa bunganga ko. Naguluhan ako sa sinabi niya, but I don’t care about her.

“Nasan sina Essie? Anong ginawa niyo sa kanila? “ Galit kong tanong sa kanya.

“Si Essie ba? Don’t worry about her, she’s with her family. Wag kang magalala mamaya makikita mo rin siya. Sila. Haha. Jan ka muna magreready lang ako para mamaya. “ Excited niyang saad. Tapos umalis na siya.

“Aries.” Tinawag ko siya. Buti na lang hindi ibinalik ni Britny yung tape sa bibig ko.

Remember MeWhere stories live. Discover now