#Chapter 3: Playful DESTINY~

314 8 12
                                    

*Iris P.O.V.*

Napagpasyahan naming magkwentuhan ni Micko. Habang binabantayan si Cassie na naglalaro sa swing.

Naikwento niya den sakin na may asawa na siya. Malamang, obvious naman yun. Tsk. Paano siya magkakaanak kung wala siyang asawa di ba? Tss. Nasabi niya den na ngayon daw darating yung mga kaibigan niya at yun daw yung kausap niya kanina. Sino kaya yun? Sina Ralph kaya? Pero parang impossible naman yun dahil ang alam ko lahat kami wala ng contact sa isa’t isa.

Habang nagkwekwentuhan kami may lumapit na lalaki samin. Nung hinarap ko siya, medyo nagulat ako. But I compose myself and smile.

“Kaibigan mo? “ Natanong ko si Micko. Bakas sa mukha ni Ralph yung pagkabigla. Pero hindi din nagtagal nagbago den yung emotion ng mukha niya.

“Yeah. Pare si Iris nga pala. Iris si Ralph, Bestfriend ko.” Pagpapakilala niya samin. Nakangiti ko namang inabot yung kamay ko at nakangiti niya naman itong tinanggap.

“Nice meeting you. “ sabi ko. tapos tinanguan lang niya ako.

“Ahm, hindi na ren ako magtatagal. I need to go. Bye. “ Pagpapaalam ko sa kanila. Hindi pa naman kasi ako dapat aalis, kaso nakita ko si Karen. Tsk. Alam kong alam ni Ralph na naaksidente kami. At alam kong walang alam dito si Karen.

Oo, isang taon den akong nacoma pero nung araw na magising ako. Narinig ko silang nag-uusap.

/*Flashback~*/

 

Kakamulat pa lang ng mata ko, hindi pa malinaw ang aking paningin pero alam ko kung sino sino yung nag-uusap sa labas.

 

 

“Paano kung may maalala pa siya? Baka guluhin niya kami ng babes ko. Hindi ako papayag dun. “ Pagtutol ni Briana sa paguusap nila.

 

 

“Hindi niya magagawa yun. Dahil once na magising siya, at hanapin niya si Mirko. Sasabihin ko agad sa kanyang patay na to. And I’ll make her love me. “ Sabi naman ni Bryan.

 

 

“Paano kapag nagkita ulit sila? “ Tanong ni Ralph sa dalawa.

 

 

“I’ll change everything about her. The way she act the way she wore her dress. Everything. “ Frustrated na sabi ni Bryan.

 

 

“Paano kung maalala siya ni Mirko? “ Tanong ulit ni Ralph.

Remember MeWhere stories live. Discover now