Chapter 12: 2 years after..

171 7 5
                                    

*Essie’s P.O.V.*

Nakita ko sina Den at Angel. Pero hindi ako hinayaan ni Ralph na batiin yung dalawa. Hinila niya na kasi ako palayo dun. Tapos dinala niya ko sa isang coffee shop.

“Ano bang problema mo at nanghihila ka bigla? “ Tanong ko sa kanya nung makaupo kami.

“Hindi mo sila pwedeng istorbohin. “ Napataas ang kilay ko sa sagot niya.

“Bakit naman?” Tanong ko ulit sa kanya.

“Ngayon lang ulit sila nagkasama. Di ba? “ nginisian niya ako. Napaisip ako bigla. Paano sila nakapag date kung bantay sarado palagi ni Clyde si Angel? Duh? Sobrang seloso po ng pinsan ko.

“May gusto akong itanong sayo. Kelan kayo naging close ni Angel? Kelan sila nagpakasal ng pinsan mo? Si Clyde ba talaga ang tatay ni Pheniel? “ Nahilo ako sa dami ng tanong niya. Sakto namang may nakita akong strawberry frappe at strawberry cake. Hihi.

“I’ll answer your question, kung ililibre mo ko nun. “ tapos tinuro ko yung mga nakita kong pagkain. Napailing siya pero tumayo pa rin siya at umorder. Pagkaorder niya, umupo siya agad sa harap ko. Kinuha ko naman yung cake at yung frappe.

“Paano ko nakilala si Angel? Hhhm. Sa ospital ko siya nakilala. 2 taon after nung pagalis mo. Sinugod ko nun si Reika sa ospital. Nung nasa emergency room na si Reika. Dun ko na inisip ang mga kagagahan ko nung umalis ka. Napabayaan ko siya, napabayaan ko na den ang sarili ko. Nung araw na yun, dun ko na realize, na mali na pala talaga yung ginagawa ko. Naisipan kong maglakad lakad, ayaw kong patuluin yung luha ko. Sa paglalakad lakad ko, may nakita akong babaeng mangiyak ngiyak na lumabas sa isang pinto. Napaupo siya sa sahig kaya nilapitan ko siya. Naisip kong parang pamilyar sakin yung pagmumukha niya. “ Sinubo ko yung Cake kaya napatigil ako sa pagkwekwento.

“At dun siya nagpakilala sayo? Anong nangyare at naiiyak siya? “  Curious na tanong niya.

“Yep. She’s pregnant.  Sinabi ko sa kanyang hindi niya dapat pabayaan ang sarili niya. Then, isang araw nakatanggap ako ng invitation. Para sa wedding ng pinsan kong si Clyde at ni Sapphire. Nagulat man ako, hindi na lang ako nakielam. “ Sumubo ulit ako ng Cake. He looks too frustrated.

“Bakit nga ba sila ang nagpakasal?” Tanong niya ulit.

“I don’t know. Pero ang alam ko si Kuya Den talaga ang ama ng anak niya. Kambal ang anak nila, mahina yung puso nung isa kaya namatay din 2 months after ipanganak. Nung namatay ang isa sa kambal, dumistansya na si Sapphire sa anak niya. Hindi ko rin alam pero hinayaan niyang ang mga magulang niya na lang ang magalaga dito. “ Lalo ata siyang naguluhan sa sinabi ko. haha.

Remember MeWhere stories live. Discover now