Chapter 9

437 26 20
                                    

I took a deep breathe as I step to the East Dormitory once again. I received a text from Sir Jesse.

'Rec class at room 25.' :)

Kung bakit ba naman kasi siya ang unang subject at huling klase na meron ako. Well technically, hindi naman talaga siya ang huling klase ko. Professors arranged the meetings kung kelan ka nila gustong imeet. And I really don't think we have a class, malamang magsosorry lang yun. Napapaisip tuloy ako, itext ko na lang kaya yun. Sabihin kong pinapatawad ko na siya.

But nah, i deserve an apology. Yung apology na umiiyak siya, lumuluha ng dugo, nakaluhod at humihingi ng kapatawaran sa mga ginawa niya. Chos! Ang OA. But stil, you get the picture. I want an apology. A sincere apology. Pero pag ako talaga pinahirapan ni hot prof makakatikim na talaga siya sa akin.

Ayokong masira ang araw ko noh. Masaya na kaming nagkukwentuhan nina Dennise at Jake this morning sa canteen. After Jake touched my ass, Dennise laughing hard, I rolled my eyes and laughed with them. Nakita ko pa ngang first time na nag-apir sina Jake and Dennise. Sa kalokohan lang pala magkakasundo ang dalawang yun e. It's surprising it didn't made me uncomfortable though. Actually, i was relieved. Ibig sabihin lang kasi nun okay na kami ni Jake.

I knocked on the door at agad namang bumukas iyon. Ngumiti si Sir Jesse nang makita ako, yung tipong nakakaloko. Sa totoo lang, hindi yan ang mukhang aasahan mo sa isang taong gustong mag-apologize. 

"Akala ko hindi ka na sisipot sa recove-" I cut him off then walked past him. He followed me inside. He still has this stupid grin on his face when I came to face him again. Mukhang walang planong magsorry ang isang to. Nakakainit ng ulo. Tss. Pero di ako papakabog. 

"Bilisan mo. Busy ako." mataray kong sabi.  Medyo nabigla pa siya sa katarayan ko kaya nagsalita uli ako. "Nakipagkita ka lang naman diba for you to personally say sorry?"

"What?" 

"Wag mo kong what what-tin dyan! May kasalanan ka pa sa'kin!" I know i'm way out of the line, after all, he's still my professor, but this jerk needs a lesson. Hindi ba siya naturuan ng magulang niyang magsorry?

"I don't understand you Jen."

"Bakit? Nabagok ba yang ulo mo at hindi mo na maalalang hinalikan mo 'ko at halos ipangalandakan mo sa buong klase ang nangyari?" 

"Ah, the kiss."  sabi nito na tila ngayon lang naalala ang nangyari. "I'm sorry i'm not sorry."

"Ano!? Pakiulit nga yung sinabi mo?" 

"Look. I changed my mind Jen. I wouldn't apologize for something na naenjoy mo rin naman." 

"I.. I'm sorry!? Naenjoy?" I laughed sarcastically. "Pull your head out of your ass Mr. Romero!" Halos pasigaw kong sabi.  "Hindi ako isa sa mga babaeng napapaikot mo. Nasa katinuan pa rin naman ang pagiisip ko para pumatol sa psychotic na kagaya mo!"

I waited for him to retaliate but he just stared at me then walked away to the table. May kinuha siyang paintbrush and started painting on a canvass.

"Hoy kinakausap kita." I followed him. Kahit kelan talaga nakakakunsume kausapin ang lalaking 'to. Nakakabwisit!  Napasulyap ako sa pinipinta niya. This is the nude painting i saw the last time i came here. Tinatapos niya.

Hindi pa rin ito nagsasalita. Focused ang atensyon nito sa pinipaint niya. Bakit ba kasi ang pogi netong ugok na'to?  My heart pounded so hard. I felt silly though.

Jusme Jen, hindi ito ang tamang panahon para maturn on sa lalaking nagpipinta sa harap mo. Concentrate!

"Di ka talaga makausap ng matino noh? Habang tumatagal, paliit ng paliit ang respeto ko sa'yo!"

"Why? I never asked you to respect me." He paused then looked straight in my eyes.  "Pwede mo 'kong bastusin Jen." He grinned and winked at me. Nasapo ko na lang ang noo ko. Bakit ba lahat ng lumalabas sa bibig ng lalaking 'to may double meaning.

"Alam kong iba ang nagagawa ng maturity, pero utang na loob wag mo 'kong piliting magbasag uli ng mukha!"

He laughed. "Did i told you na mas gumaganda ka kapag galit." Natigilan ako sa sinabi niya. Ako maganda? Nagagandahan si hot prof sa akin? Letse! Ang sarap magpaparty! Pero syempre, kahit gusto kong magsasasayaw sa sinabi niya i maintained a poker face. "Kaya wag kang nagagalit dyan, baka mahalikan uli kita." 

 "Subukan mo! Hindi ko lang babasagin yang mukha mo, lulumpuhin pa kita!"

"Done."  He turned the painting around for me to see it clearly.

"So? Do you want my opinion about your work?" sarkastiko kong sabi.

"Nope." he said smiling. I rolled my eyes. Hindi ba nakakaamoy ng sarcasm ang lalaking 'to? "I want you to look at it." 

Tinignan ko siya ng masama saka umirap at tinitigan ang painting na hawak niya. Anong meron? Me pa look at it-look at it pang nalalaman e. Tss. Bukod sa hubot hubad ang nakikita kong babae wala namang espesyal dito. Hindi naman siguro to gumagalaw o magsasasayaw sa harap ko. 

"Anong meron? Isa ba to sa lessons natin ngayon? Titigan lesson? Ganun?"

"Nope. Just look at it."

Nayayamot akong sumunod sa utos niya. "Hanep! I came here for a recovery class tapos makikipagtitigan lang pala ako sa-" Natigil ako sa pagsasalita ng matitigang mabuti ang mukha ng babae. Nanlaki ang mata ko at tila naubos ang dugo ko sa katawan. I looked at him in shock. Tumawa siya sa naging reaksyon ko.

Then i remembered Sir Jesse and Shane's conversation the last time i came here. It all made sense now. Babae. Babae sa painting. 

"Tss. Too bad, I'm not satisfied with this one. Mas kuha kasi kung may actual model." He looked at my direction. "You can be my model, okay lang ba?"

"Gusto kitang patayin, okay lang ba!?" I retorted and he laughed. Hindi nga ako halos masuportahan ng Mama ko sa pagsusulat, tas pagmomodelin pa! Loko.

"I'm just kidding."

"Kidding? Ano 'to? So all this time na magkasama tayo, you were picturing me naked?!" Napatakip ako ng bibig matapos kong sabihin yun. Tss. Great Jen, now you've given him an idea. 

At ang loko hinead to foot nga talaga ako at ngumisi ng pagkalapad lapad.

"Manyak!" I turned around, ready to leave.

"Where are you going?  He grab my arm.

"Kahit saan basta wala ka."

"We still have class."

"I don't care!" 

"Failing grade!" Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"So you're blackmailing me? Sige. Isusumbong kita kay Mrs. Agustin. Sasabihin ko na pinapapunta mo 'ko sa room mo for a rec class."

"Go on. I'll tell her you modeled for a nude painting."

I laughed. Walang maniniwala sa kanya. "Then, go on. No one will believe you." I challenged him. Walang maniniwala sa kanya. I tried to convince myself.

I stiffined when he put a hand on my waist. "Then try me babe." He challenged me back. My heart pounded and my stomach churned. 

I know what he meant but...  Shit. Ang sarap nga niyang itry!....

A/N lol ang tagal ng update. 

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon