Chapter 21

196 10 3
                                    

Thank you all for reading. Masaya akong nakakabasa ng comments and messages niyo. :D Dedicated to @Rhealalat . Thank you for taking time to read my work and message me.

"So kailan mo balak sabihin kay Jake na may jowa ka na?" untag ng bestfriend kong si Dennise habang naglalakad kami papunta sa una naming klase.

"Hindi ko pa alam best eh."

"Hindi mo alam o inienjoy mo?"

"Ang alin?" takang tanong ko.

"Aminin mo na kasi, nag-eenjoy kang nanliligaw si Jake sa'yo."

"Hindi ah!" Tanggi ko.

"Ano yun?"

"Anong ano yun?" balik tanong ko.

"Ganito kasi pagkasabi mo oh." Tumikhim muna si Dennise bago nagpatuloy. "Hindi ah!"she said smiling like an idiot. "Ganun!" Binatukan niya ako bigla. "Ganun na ganun ang pagkasabi mo. Aminin mo na kasi! Nagmamaganda ka kasi tatatlong lalaki ang naghahabol sa'yo!"

"Hindi ah!" I said, this time forcing myself not to smile. Kilalang kilala talaga ako ni Dennise, wala talaga akong maitatago dito sa bestfriend ko. Psh. Masama ba kung kinikilig ako sa ibang lalaki? Masama bang kinikilig ako sa tuwing may iniiwang rose si Jake sa upuan ko? Masama ba kung masaya ako tuwing tumatawag si Mike at hindi puro 'Asan si Jenessa?' 'Magkasama ba kayo ni Jenessa?''Pakausap naman sa kapatid mo.' ang bukambibig ni Mike?

"Sige. Deny pa. Kaya dumadami yang split ends mo eh!" Sabay walk out ng bestfriend ko. Sinundan ko na lang siya sa loob ng classroom.

But seriously? Anong konek nung split ends sa love life ko? Tss. Konti na lang talaga iisipin ko ng nagseselos lang itong si Dennise eh. Hindi kaya may gusto talaga siya kay Jake?

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom, agad na naghiyawan ang mga kaklase ko. Tinaasan ko sila ng kilay pero nakatingin lang sila lahat sa akin while wearing an idiotic smile on their faces at hindi ko mapigilang magtaka.

Agad kong binaling ang atensyon kay Jake na ngayon ay papalapit na sa akin. May hawak hawak siyang bouquet of flowers at hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita.

Bago pa siya tuluyang makalapit, he nudge his head towards the board. Lumingon ako at nakita ang mga salitang "Can I have a date with you?"

I smiled at him at naghiyawan uli ang mga kaklase ko.

"Ate, sagutin mo na!" sigaw ni Ria. Mukhang sincere naman itong si Ria sa sinabi niya. Akala ko talaga may something sa kanilang dalawa ni Jake pero mukhang friendly lang talaga itong si Jake kaya aakalain mong babaero.

I look at Dennise pero nakapoker face lang ito.

"You better say yes bago magbago ang isip ko." Jake said handing me the flowers.

Kinuha ko mula sa kanya ang bulaklak at mahinang hinampas sa braso niya. "Ang kapal mo!"

"Tapos na kayo?" Halos mapatalon ako sa pagkabigla. "Get back on your seats!" Mando ni Jesse at nagsibalikan na sa upuan nila ang buong klase... well except for me and Jake.

"Hindi pa ba kayo uupo?" Tanong nito ng makarating siya sa table niya at kami na lang ni Jake ang hindi sumusunod sa utos niya.

"Sir! Sandali lang. Hindi pa nakakasagot si Jen." Reklamo ni Jake at muli akong hinarap. Aalis na sana ako ng hinawakan ni Jake ang kamay ko. Nagtudyuan uli ang buong klase.

"Quiet!" Iritadong saway ni Sir Jesse. "You two! You can do that outside kung gusto niyo." Sambit nito sa seryosong boses.

"Jake, tara na." Bulong ko habang hinihila siya papunta sa upuan namin.

"Saan? Sa labas?"

Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Jake.

"Sira! Sa upuan natin." Hinila ko na ulit si Jake pero nakakailang hakbang pa lang kami ay hinila na naman niya ako pabalik sa harap ng klase.

"Sir naman. Hindi mo man lang ba gustong malaman ang sagot ni Jen?" Sabi ni Jake sabay kindat sa akin. Naghiyawan uli ang buong klase. May pagkasira ulo din talaga itong si Jake. Humarap uli si Jake sa akin. "Jen, can I have a date-"

"Hindi." Sir Jess answered kaya parang on cue uling tumahimik ang mga kaklase ko.

Hindi? Anong ibig sabihin niyang 'hindi'. Ibig ba niyang sabihin ayaw niyang makipagdate ako kay Jake? Totoo ba 'to? Nagseselos si Sir Jess kay Jake. Ang haba naman talaga ng buhok ko! Pero wait, hindi pwede to. Baka mahalata kami ng mga kaklase ko. Baka isipin nilang may namamagitan sa amin ni hot prof, paano na lang ang scholarship-

"Hindi ko gustong marinig...no, wala akong pakialam sa magiging sagot ni Miss Buenavista." Nagsimula ng magsulat sa pisara si hot prof. "Now, the two of you, get out of my class." Kalmado ngunit mariin na pagkasabi nito.

Parang gusto kong batukan ang sarili sa mga narinig. How do you spell stupid? J-E-N-N-I-F-E-R-B-U-E-N-A-V-I-S-T-A.

"Jake, let's go!" Hinawakan ko si Jake sa braso kasi feeling ko mahihimatay ako sa pagkapahiya sa sarili. Why would I think that he's jealous? I'm just another girl para sa kanya kaya ba't naman siya magseselos.

"Sir naman." Pangungulit uli ni Jake. "Hindi pa ba kayo naiinlove sa tanang buhay niyo? Tss." Kung ako mamatay matay na sa hiya dahil pinapalabas kami ni Sir Jess, ito namang si Jake parang wala lang sa kanya. Palibhasa sanay na siyang kinikick out sa klase.

"Jake ano ka ba? Tara na." Hinihila ko na si Jake palabas ng classroom for two reasons. Sobrang nakakahiya na talaga and secondly natatakot ako sa magiging sagot ni Jess.

Parang hindi humihinga ang buong klase at inaabangan ang sagot ni hot prof. Isa na naman to sa magiging headline ng chismis mamaya sa WAC. Everyone's interested sa buhay ni Jesse Romero, especially his lovelife. Kahit pa nga mga kapwa professor niya nachichismis ding may crush sa kanya. Kaya I'm sure interesado ang lahat kung ang isang Jesse Dylan Romero - kilala sa pagiging playboy, ay nainlove na ba kahit minsan sa buhay niya.

"Hindi pa."

I heard gasps from my classmates na sinundan ng katahimikan. Tanging maririnig mo lang ay ang tunog habang nagsusulat si Sir Jesse sa pisara.

Now I'm sure kung bakit nagmamadali akong lumabas ng classroom. Hindi dahil natatakot ako sa magiging sagot niya- all along, deep inside, alam ko naman talaga ang magiging sagot niya, na hindi pa siya naiinlove, na hindi niya ako mahal, at isa lang ako sa mga maraming babae niya, na nag-iilusyong baka isang araw magkagusto at mahalin din ako ni Jess.

I took steps toward Sir Jess, finally realizing what really made me want to get out of that classroom right away.

Not because I'm afraid of his answer!

Ang talagang kinakatakot ko ay ang posibleng kaya kong gawin kapag narinig ko na mula mismo sa kanya...

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon