Chapter 31

43 3 4
                                    

Mabilis akong pumanhik sa taas at kinuha ang cellphone ko.

Idadial ko pa lang sana ang number ni Dennise ngunit lumabas na ang pangalan niya sa screen.

Dennise's calling. Siguro nakita din niya sa balita ang tungkol kay Jess sa TV.

Sinagot ko ang tawag niya bago lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Hindi ako maaaring ngumawa sa kwarto gayong alam kong may natutulog na bata.

Nilampasan ko uli sina Nanay, Tatay, Jenessa at Mike na busy pa ring nanonood ng balita tungkol kay Jess.

Nagpunta ako sa likod bahay.

Gusto kong murahin si Jess. But all I did was cry silently. Umiiyak lang ako habang tinatadtad na ni Dennise ng mura si Jess sa kabilang linya. Kung pakikinggan, parang siya pa itong niloko ni Jess.

She went on, telling me he's not worth it. Na sadyang malandi talaga si Jess at wala na siyang pag-asang magbago. Lahat na yata ng comforting words nasabi na ng bestfriend ko sa kabilang linya just to make me feel better. Even telling me something na alam ko namang hindi totoo -- na kesyo pumangit daw si Jess, na mas maganda ako sa fiance niya. Siguro nakita ni Dennise ang fiance ni Jess sa balita, hindi ko na tinapos yung balita kanina e.

"Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang hayup na lalaking yun." Malinaw na rinig ko kay Dennise ng medyo kumalma na ako. "Ni hindi ka nga niya kinontak ng ilang taon. Kung di ba naman siya isa't kalahating gago. May pa 'Wait for me, wait for me' pa siyang nalalaman." Dagdag pa nito.

"Bes." Mahinang sambit ko habang pinapahid ang luha ko. "Ang sakit." I said biting my lip. Pinipigilan kong kumuwala ang mga iyak ko.

"Sana andyan ako para damayan ka." Sisinghot singhot na sabi nito sa kabilang linya. Mukha paiyak na rin yata ang bestfriend ko.

Tumango ako at tuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. Kung nasa WAC lang sana ako, kasama si Dennise malaya sana akong ngumawa.

"Maliit lang ang mundo. I'm sure magkikita din kayo ni Jess."

Saglit akong naguluhan sa naging tono ng pananalita ni Dennise. Gusto niya pa talagang magkita kami ni Jess gayong durog na nga ako ng sobra.

"I mean... Kung magkikita man kayo ni Jess, at least mapapakita mo sa kanya na okay ka. Para magsisi siya na niloko ka niya. You can show him you're a changed woman. A woman with grace and class. Jennifer Buenavista 2.0."

"Tss. Ano naman daw yun? Grace and class? Magmumukha pa rin akong mutsatsa sa kumpara dun sa fiance niya."

"Ano ka ba? Mas maganda ka dun--"

"Den?"

"Hm?"

"Maganda ba?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot sa tanong na yun.

Narinig ko ang pagbuntung hininga ni Dennise at para akong sinaksak ng ilang beses.

Insecurities filled me again. Pinaramdam ni Jess na ako ang pinakamagandang babae sa mundo. He made me feel that. Pero ano nga ba naman ang panama ko sa mga babaeng totoong magaganda talaga.

"Jen? Bes? Andyan ka pa?" Untag ni Dennise sa kabilang linya.

"Salamat sa pakikinig sa akin bes. Ibababa ko na. I need to be alone."

"Okay." Malungkot na saad nito. "Di bale, ilang araw na lang balik uli tayo sa WAC. Kapit lang, okay?"

Tumango ako saka binaba na ang tawag.

Napatda ako ng pagharap ko, si Mike ang tumambad sa akin. Kilala ko si Mike, sa titig pa lang niya, alam kong may narinig siya

"Mike." I said. "Kanina ka pa? Andyan na ba ang sundo ni Vernice?" Pilit kong pinasigla ang boses, hoping he'd get the hint at hindi na ako isyusohin pa.

Nakayukong nilampasan ko si Mike. Ayokong makita niya ako sa ganitong ayos. Isang buwan na lang aalis na uli ako papuntang WAC, ayoko namang sa ganitong kondisyon ako maalala ni Mike. Ayokong mag-alala siya sa akin ng sobra habang nanduon ako.

"I'm your bestfriend."

Natigil ako sa paglalakad. Pinihit niya uli ako paharap at awtomatikong nagsisulputan uli ang mga luha ko. Sinubsob ko na lang ang mukha sa dibdib niya at umiyak.

Siguro panahon na para magmove-on na rin ako. Sa simula pa lang naman talaga maling mali na na mahalin ko si Jess. He's my professor for crying out loud. Bukod pa dun, napakagwapo niya. Girls cry over him. Hindi kami nababagay sa isa't isa.

Ba't ko hahayaan ang sariling magdusa at umiyak kay Jess gayong nandito naman ang totoong nagmamahal sa akin.. si Mike.

"Marry me."

Natigil ako sa pag-hikbi at iniangat ko ang paningin. Mariin akong pumikit para mawala ang panlalabo ng mga mata dulot ng mga luha dito.

Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Mike pero gulong gulo ang kalooban ko.

Parang hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Marry me, Jen." Ulit ni Mike at napaawang na lang ang labi ko.

Wattpad AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon