Chapter 30

80 8 2
                                    

After 4 years...

"O ingat sa pag-uwi." Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga bulilit na halos mag-unahan na sa pagtakbo palabas ng classroom.

"Opo teacher!" Sagot ng iilan sa kanila.

"Teacher teacher." Napatingin naman ako sa baba ng kalabitin ako ng isa kong estudyante.

"Oh Vernice, bakit?"

"Dito daw muna ako sabi ni Mama."

Yumuko na ako para magkapantay kami ni Vernice. "Matatagalan daw ba siyang sunduin ka?"

Tumangu lang ang bata at pumasok uli sa loob ng classroom. Pumwesto ito sa isang upuan at bumalik naman ako sa table ko. Tinatapos ko lang ang mga lessons ko para bukas.

Tahimik naman ang batang nagmamasid sa ginagawa ko. Isa kasi si Vernice sa mga mahiyain kong mga estudyante.

Isang taon na rin akong nagtuturo bilang preschool teacher kaya sanay na ako sa mga iba ibang ugali ng mga bata.

Halos mangawit na ang isang kamay ko kakasulat ng marinig ko ang katok sa labas ng classroom. Dumungaw ang isang nakangiting lalaki at awtomatikong napangiti rin ako.

"Tara na?" Tanong nito sa akin.

Tumango lang ako kay Mike.

Sa isang taon ko dito sa eskwelahang ito, isang taon na din siyang  nagtityagang sunduin ako.

Ewan ko ba dyan. Hindi naman ako baldado, lalong alam ko naman ang direksyon pauwi ng bahay pero mapilit talaga siya na hintayin ko siya tuwing uwian.

Kinuha ko na ang gamit ko at tumayo na ng mapansin ang lukot na mukha ni Vernice.

Nakatingin na rin si Mike sa bata.

Maya maya pa nagsimula ng mangilid ang luha ng bata. Narinig niya siguro ang pag-uusap namin ni Mike. Muntik ko na rin kasi talagang malimutan na andito pa pala siya. Ang tahimik naman kasi ng batang 'to e.

"Vernice, gusto mo intayin si Mama mo sa labas?" Tanong ko dito.

Tumangu naman ito at nagsimula ng maglakad. Nakayuko pa rin ito.

Kinuha na ni Mike ang gamit ko at sinundan na si Vernice palabas.

Ilang minuto rin kaming nag-antay sa Mama ni Vernice pero walang Ginang na dumating.

"Ma'am, kung gusto niyo po, dito na lang ang bata. Baka dumating na rin mamaya maya si Mrs. Lozano." Ani Ate Mercy, ladyguard ng school. Nasa labas kasi kami ng gate malapit sa guardhouse.

"Talaga po? Okay lang po ba?" Magalang kong tanong.

"Opo, okay lang. Kami talaga ang binibilinan ng mga bata dito Ma'am."

"Oh Vernice dito ka lang daw kay Ate Mercy mo ha. Parating na rin naman ang Mama mo."

Nagsimula na kaming maglakad ni Mike pero may kumalabit na naman sa akin.

Napatingin ako sa baba at nakita ko ang parang maiiyak na naman na mukha ni Vernice.

Nagkatinginan kami ni Mike. Ngumiti ako dahil alam na alam talaga namin ang takbo ng utak ng isa't isa.

"Gusto mo sumama sa amin?" Ani Mike sa bata. "Kay kina teacher mo na lang antayin si Mama mo?"

Napatango uli ang bata.

"Ate Mercy, sabihan mo na lang si Mrs. Lozano na inuwi ko na lang ang bata sa bahay." Wika ko kay Ate Mercy.

"O sige po Ma'am, walang problema."

Wattpad AcademyWhere stories live. Discover now