Separation Anxiety

2.8K 75 37
                                    

"O, anak, ang aga mo atang nagising," pagbati ni Vera kay Geoff.  

"Opo, Nay.  Buti nga po at gising ka na.  Paano po ba magluto ng chicken curry?"

"Chicken curry?"

"Magdadala po sana ako para kay Ada."

"Ah ganun ba?  Eh may mga sangkap ba tayo para magluto nyan?"

"Opo, bumili po ako kaninang madaling araw pagbukas na pagbukas pa lang ng palengke.  Nahiwa ko na rin po yung manok, patatas, carrots, sibuyas, at green bell pepper."

"Aba, very good naman ang anak ko.  Nagpapakitang gilas ka ata sa girlfriend mo," sabi ni Vera.

Geoff tried to hide the sadness when he heard what his mother said.  Ayaw nyang sabihin sa nanay nya na nakipaghiwalay na si Adela sa kanya.  Kaya nga gusto nyang dalhan ang dalaga ng chicken curry; gusto nyang manligaw ulit.  Ngayon, manliligaw sya dahil mahal nya si Adela at hindi dahil may kasunduan silang bet ni Derek.  

"Opo, Nay.  Tinignan ko po kung anong kailangan gawin sa internet, pero syempre gusto ko po yung timpla nyo po."

"O sige, anak, ganito lang yan..." 

Tinuruan na ni Vera ang kanyang anak sa step by step process kung paano magluto ng chicken curry.  Pinagsaing na rin nya si Geoff para ka-partner nung chicken curry.  Si Geoff naman talaga ang nagluto, binantayan lang ni Vera ang ginagawa ng kanyang binata at nagbigay ng instructions sa kung anong next step.  Nang malapit ng matapos ang niluluto nila, sinabihan nya na si Geoff na gumayak na at baka ma late pa ito sa school.  Si Vera na ang naglagay ng pagkain sa tupperware at nilagay sa lunch box ni Geoff.  Nang matapos si Geoff sa pagligo at pagbihis ay binigay na ni Vera ang lunch box sa kanyang anak.

"Salamat, Nay.  Sana magustuhan ni Ada ang niluto ko."

"Naku, anak, sa amoy pa lang, amoy masarap na.  And of course, may kasamang pagmamahal ang pagluto mo."

"Mahal na mahal ko po si Ada, ma," Geoff explained na para bang may nanghuhusga sa kanya.

"Oo nga.  Alam ko yun.  At alam din naman ni Ada yun.  Anak, sabihin mo sa kanya na bumisita dito minsan.  Ang tagal na nung last pa syang bumisita dito, bago pa magpasko."

"Try ko po, Nay."

"Sige, anak, payakap na lang sa kanya ha.  Ingat sa school."

"Opo, Nay.  Salamat po."

Geoff rode to school in somewhat high spirits.  He was excited to see his love; parang ang dami ng nangyari in the last couple of days.  Well, sa totoo lang, marami naman na talagang nangyari.  He was so sorry; he wanted to take all of her pain away.  She had been carrying the truth for a long time; nagawa pa rin ni Adela na maging civil sa kanya kahit she had every reason to be firm and break up with him the first time she tried.  Mahal nya din ako.  I can feel it.  Mahal nya din ako kahit hindi nya sabihin.  Nagmadali syang pumasok ng classroom.  Kabisado nya na si Adela.  Kapag wala syang ibang gagawin, maaga talaga sya pumapasok ng classroom at nagbabasa na lang dun sa upuan nya.  And today was one of those days.  He watched her for a few moments sa may pintuan.  She sat in her chair reading a pocket book.  Her book was on the desk with one hand holding it open and the other holding her chin up.    Her lips were puckered in a pout and his heart ached for her.  He slowly walked up to her and he squatted in front of her para mapansin sya ng dalaga.

"Baby, may dala akong chicken curry.  Nagpaturo ako kay Nanay.  Paborito ko yan, alam mo yun di ba?  Kaya naisipan ko na siguro dapat matutunan ko ang pagluto ng paborito kong pagkain," he let out a low chuckle.  "Sana magustuhan mo.  Pinaghirapan namin yan ni Nanay lutuin kanina," he continued to explain.

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon