Chapter XI + Author's Note

2K 44 27
                                    

Chapter XI

 

[Felicity]

“Magkakilala pala kayo ni Waffles,” sambit ni Sir James habang pinipirmahan niya ang mga hinatid kong papeles.

“Ah opo, Sir. Matagal ko na siyang kakilala,” kaswal kong sagot habang nakatayo sa tapat ng executive desk niya.

Naudlot ang pagpirma ni Sir James nang iangat niya ang kanyang ulo para tignan ako. “Pa’no ba kayo nagkakilala?”

Ano ba’ng dapat kong isagot kay sir? ‘Ah si Waffles po? Kapatid lang naman siya ng lalaking nang-iwan sa’kin five years ago!’ Ah basta, bahala na! 

“Kapatid po siya ng kakilala ko at bestfriend din siya ng kapatid ko,” sagot ko na lang.

“Sinong kakilala?” sunod naman niyang tanong.

Bakit parang masyadong curious ‘tong si Sir? Sasabihin ko ba? Pero hindi naman na niya kailangang malaman pa ‘yon. At isa pa, ayoko na ring maalala ang tao na ‘yon dahil siya na rin mismo ang nagtulak sa’kin palayo. Siya na rin ang nagsabi na wala na akong aasahan pa mula sa kanya.

Pabuka pa lang ako ng bibig nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at humahangos na pumasok si Hugo. “Sir James!”

“What’s the matter?” Biglang naging seryoso ang tono ni Sir James.

“Pinapatawag na kayo ni Madam para sa meeting.”

Nakita ko naman na bahagyang napailing si Sir James. Siguro akala niya ay masamang balita ang ihahatid sa kanya. “Okay, pupunta na ako.”

Matapos mapirmahan ang mga dokumento ay inabot na niya iyon pabalik sa’kin. “Mauna na ‘ko.” Tumango naman ako at saka lumabas si Sir ng opisina.

//

[Matthew]

“What’s this?” iritado kong tanong. Initsa ko sa mesa niya ang kapirasong papel na ipinahatid niya sa opisina ko kanina lang. She was busy reading some papers when I came in.

“A plane ticket,” she simply replied without giving me a glance. Dammit! May oras pa talaga siyang mamilosopo? I controlled myself. Kahit papaano’y dapat kumalma lang ako. I know this is just her way to tease me at kapag kumagat ako, ako rin ang magiging talo sa huli.

“I know. What I mean is, bakit mo 'ko pinadalhan niyan?” Napatiim-bagang ako. I waited for her answer but she still didn’t look at me. Abala pa rin siya sa mga binabasa niya. Alam kong gusto niya talaga akong asarin.

Nang hindi ko na matiis ang ginagawa niyang pambabalewala sa presensya ko, hinampas ko ng dalawa kong kamay ang mesa niya. “Dammit, answer me!”

Pero hindi man lang siya natinag sa ginagawa niya kahit pa dumagundong na sa apat na sulok ng kwarto ang boses ko. Damn, she’s really a freaking monster. Pumasok pa ang kanyang secretary para i-check kami pero sinamaan ko lang ito ng tingin kaya lumabas din agad.

She's Ugly 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon