Chapter VI (Teaser)

2.7K 50 8
                                    

Ipinatong ni Matthew ang dala niyang dokumento sa mesa ni Anastacia. Hindi na ito nagsalita at akmang lalabas na ng opisina nang magsalita ang kanyang ina. "Earlier than I expected," nabibilib nitong saad.

Pagkahawak sa seradura ng pinto at napatigil si Matthew at bahagyang nilingon si Anastacia. "This would be the last time, Mrs. President," ngisi nito saka tuluyang pinihit ang doorknob at nilisan ang opisina.

Paglabas ng pinto'y agad na kinuha ni Matthew mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang papel. Plane ticket iyon papunta ng Pilipinas.

"Kaunting tiis na lang at makikita na ulit kita..," usal nito habang tinititigan ang hawak na plane ticket. Malaki pa rin ang pag-asa niya na hinihintay pa rin siya ni Felicity.

Napapitlag siya nang may tumawag sa kanyang pangalan kaya agad niyang ibinalik ang ticket sa kanyang bulsa. "Matthew, you're back," bati ni Ethan sabay akbay sa kaibigan. "I thought you'll be back by tomorrow."

"Ethan," anas ni Matthew at napatingin muna sa pinto ng opisina ni Anastacia bago bumaling sa kausap, "I need you to do me a favor."

// ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ //

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Felicity, "Bakit kailangan mo pang magsinungaling sa'kin, Malton? Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit mo 'yon ginawa."

"I'm sorry..." Nakakailang hingi na siya ng tawad kay Felicity mula nang nakarating sila ng cafe na iyon. Matapos kasing mabuko ni Felicity ang ginawa niyang pagsisinungaling ay nakiusap siyang mag-usap sila para maayos na ang lahat. Kaya naman nang pumayag ito ay dinala niya si Felicity sa isang cafe na walang gaanong tao upang magkasarilinan silang dalawa.

"Hindi ko naman hinihingi ang sorry no, gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit," nakakunot-noong saad ng dalaga. "Malton, hindi naman ako magagalit kung sasabihin mo sa akin ang totoo. Ayaw ko lang talaga na may mga taong nagsisinungaling sa'kin, lalo na ang mga taong pinagkatiwalaan ko."

Mas lalo tuloy nakaramdam ng guilt si James. Tama nga si Hugo, mas mabuti kung sinabi niya ang totoo kay Felicity edi sana hindi sumama ang loob nito sa kanya. Nasasaktan siyang makita si Felicity na ganoon nang dahil sa kagagawan niya, pero hindi pa naman huli ang lahat. Ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat ng kaya niya upang maipahayag ang damdamin niya sa dalaga, ang espesyal na damdaming matagal niyang itinago mula rito. Ngayon na nagtagpo na muli ang landas nila, he won't allow this chance to just slip away from his hands again.

"Felicity, I'm sorry. Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi nabigla ako sa mga pangyayari. Kasi...hindi ko inakala na matapos ang ten years at magkikita ulit tayo. Natakot din ako na kapag sinabi kong ako ang General Manager ng Grand Hotel, baka mailang ka bugla sa'kin."

Napabuntong-hininga naman si Felicity. "Tama ka nga. Siguradong maiilang ako kung noon ko pa nalaman na ikaw ang General Manager ng isa sa pinaka-successful na hotel sa bansa. Baka manliit talaga ako sa sarili ko 'pag nagkataon, pero hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para pagsinungalingan mo 'ko." Napayuko pa ito ng ulo. "Ang totoo n'yan, nahihiya na ako sa'yo, Malton."

"H-Ha? B-Bakit naman? Ako nga ang dapat mahiya sa'yo. Kakakita pa lang natin pero nagawa ko na agad magsinungaling sa'yo. Naging masamang kaibigan ako sa'yo," salo ni James.

Ibinalik ni Felicity ang tingin niya sa binata. "Nahihiya ako dahil para tuloy napakaespesyal kong tao upang magawa mo pang magsinungaling para lang 'di ako mailang sa'yo. Nakakahiya talaga kaya...pasensya na."

Sumilay ang isang tipid na ngiti sa mga labi ni James. "Wala ka pa rin talagang pinagbabago, Felicity. Mabait ka pa rin. It makes me feel bad to think na nagawa kitang lokohin. Pakiramdam ko tuloy ako na naman ang bully na nang-aaway sa'yo noong nasa high school pa lang tayo."

"Malton..."

"Felicity, may sasabihin ako sa'yo pero sana huwag kang mabibigla..."

Kalmado ang itsura ni James pero sa loob-loob niya ay halos nagwawala na ang kanyang puso. Ayaw niya lang ipahalata kay Felicity na kinakabahan siya. Siguro ngayon na ang perfect timing para sabihin ang bagay na matagal na niyang gustong aminin. Sana lang ay mapagtagumpayan niya ang confession na kanyang binabalak. Sana lang ay magawa na talaga niya iyong sabihin.

"Ano 'yon?" Walang kaide-ideya si Felicity sa nais ipagtapat sa kanya ng bagong kaibigan.

Napalunok muna si James bago naglakas-loob na magsalita.

"Gusto kita, Felicity..."

___________________________________

MEDYO MAHABANG OTOR'S NOTE:

Hello guys! I'm very sorry to keep you all waiting. Naging busy lang ako this past months kaya hindi ko nagagawang tutukan ang pagu-update. Pero ngayon, it's over. Summer vacation is hereeeee! I know, I know. Dapat magpapaka-active na talaga ako sa pag-update pero malas talaga at na-corrupt ang computer ko. Nakakainis talaga. Ang ganda lang ng timing. Pasensya na post talaga. Pagtiisan niyo na po muna itong teaser ko for the next chapter. Kapag naayos na ang PC ko, I will give you guys a very good update. Asahan niyong pagagandahin ko ang mga upcoming chapters. Kung sa first book e pa-sweet-sweet ang plot e dito po sa second book ay may mas malalim na kwento. Kaya sana po ay huwag kayong magsasawa at sana tumutok kayo sa mga susunod na kaganapan sa kwento nina ate Felicity at kuya Matthew, hindi lang kwento nila kun'di pati na ang mga taong nakapaligid at bumubuo sa buhay nila.

On the other hand, I want to express my endless gratitude to YOU, my readers. Salamat po sa mga votes at comments niyo. Hindi po kayo nabibigong pangitiin ako nang bongga. Salamat po dahil sa comments niyo sa Book 1, 'yong mga paghanga niyo sa ugali ng characters at mga pag-angking nagaganap. Charot lang! Pero MARAMING, MARAMING SALAMAT PO TALAGA. Maging doon sa nga taong nag-add ng SU1&2 sa kanilang RL, thank you po! MAHAL KO KAYO! ♥♥ - Wapols

She's Ugly 2Where stories live. Discover now