She's Ugly 2

10.7K 114 8
                                    

Prologue:

Ang bilis ng panahon...

Akalain mong limang taon na pala ang lumipas?

Limang nakakainip na taong inilaan ko kakahintay sa isang taong bigla na lamang akong iniwan noon...

"Mahal kita Felicity..."

Iyon ang isang pangyayaring hindi ko makakalimutan, nang sabihin niyang mahal niya ako. Dapat maging masaya ako dahil sa wakas, nakatagpo na ako ng isang taong mamahalin ko at magmamahal din sa'kin.

Pero hindi...

Kasabay ng mga salitang iyon ay ang paglisan ng taong minamahal ko.

Naging biglaan ang mga pangyayari n'on. Sa isang banda, naging napakasaya ko dahil sa kanya pero hindi rin iyon nagtagal. Napalitan ang sayang iyon ng sakit. Sakit dahil bigla niya akong iniwan.

Marami pa akong gustong sabihin. Gusto ko pang iparamdam sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Gusto kong madagdagan pa ang masasaya naming alaala pero bigla na lang siyang naglaho.

Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang kayanin ang limang taong paghihintay.

Siguro dahil masyado kong ginawang abala ang sarili ko kaya hindi ko namamalayang lumipas na ang mga araw, buwan at taon nang hindi pa rin siya bumabalik.

Gabi-gabi, bago ko ipikit ang mga mata ko sa pagtulog, iniisip ko kung ano na ba ang kalagayan niya. Ayos lang kaya siya? Malusog ba siya? Ligtas ba? Gusto niya rin ba 'kong makita gaya ng kagustuhan kong bumalik na siya? Hinihiling ko na sana sa pagmulat ng mga mata ko bukas, makita ko na ulit ang gwapo't maliwalas niyang mukha na nakangiti sa'kin at kinakamusta ako. Pero lagi akong nabibigo dahil sa tuwing gumigising ako, wala pa rin siya.

Sa loob ng limang taon, marami nang nagbago sa paligid ko at pati na sa mga taong nakapaligid sa'kin. Pero ako, halos walang pinagkaiba sa kung ano ako limang taon na ang nakakaraan.


Siguro ang buhay ay talagang masaklap para sa isang panget na gaya ko. 

/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\♥/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\♥/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\♥

She's Ugly 2Where stories live. Discover now