Chapter X

2.6K 47 24
                                    

Chapter X

[Felicity]

"Trevor, wala ka bang napansin na singsing dito sa bahay? 'Yong may Daffy Duck." Kanina pa ako natataranta kakahanap sa singsing ko na iyon. Wala sa buong kwarto ko maging sa mga drawers at cabinet. Wala naman akong naalala na nilabas ko iyon, basta alam ko nasa bag ko lang iyon e, kaso biglang nawala.

"Wala akong nakita, Ate. Baka naman na-misplace mo lang," sagot naman ng kapatid ko sabay pasok sa banyo.

"Sabihin mo na lang sa'kin kapag may nakita ka ah! Aalis na 'ko." sigaw ko pa rito bago ako bumaba sa sala. Tumungo ako sa tapat ng salamin at inayos nang mabuti ang suot kong damit.

Lumabas na ako at ni-lock ang pinto ng bahay. Pagtalikod ko ay muntik na akong mapabalikwas nang biglang tumambad sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki. Napasapo pa ako sa aking dibdib sa gulat.

"S-Skye, ginulat mo 'ko."

Nakatayo siya sa tapat ng pinto ng kanyang kotseng nakaparada. Mukhang kanina pa ito nag-aabang. Lumapit siya sa'kin pero hindi na ako umimik. "I'm sorry if I didn't tell you that I'll come over. I thought you might have changed your number after all the things that happened five years ago, kaya napasugod na lang ako dito sa bahay niyo. Mabuti na lang pala at hindi kayo lumipat."

Bumaba ang tingin ko. "Sabi ko naman sa'yong hindi pa ako handa, 'di ba?"

"Please..." Kinuha na niya ang kamay ko. "Kahit saglit lang, and besides, may kailangan akong ibalik sa'yo."

Binawi ko ang kamay ko. "Oo, makikipag-usap din naman ako sa'yo, kaso hindi ngayon. Hayaan mo muna ako."

Ambang aalis na ako nang hawakan ako ni Skye sa kanang braso at bahagyang iniharap sa kanya. "Nakausap ko si Matthew."

♡ ♥ ♡ ♥ ♡

Hindi ko rin alam kung paano ako napapayag ni Skye na sumama sa kanya. Narinig ko lang bigla ang pangalan ni Matthew, hindi na ako nakatanggi. Siguro dahil sabik na sabik na akong makarinig ng balita tungkol sa kanya.

Dinala ako ni Skye sa isang park. Pamilyar sa akin ang parkeng iyon.

"Kapag pumunta ka, ibig sabihin, tinatanggap mo 'ko. Pero kung hindi ka pumunta, ibig sabihin na kailangan ko nang tapusin ang kalokohang 'to. Tatapusin ko na ang lahat. Hindi na kita ituturing na espesyal. Ituturing na lang kita bilang isang tutor dahil iyon naman ang gusto mo."

Hinintay ko siya noon dito...pero sa huli, hindi ko rin siya nakita.

Maghapon akong nakatanga sa park na 'to noon kakahintay pero ni anino niya wala akong namataan. Gabi na no'n, unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asang darating pa si Matthew, nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang nakakainis pa, naiwanan ko ang payong ko sa bahay.

E kasi naman! Ang init-init ng panahon nitong mga nakaraang araw, tapos ngayon biglang uulan? Ayos din ang timing ng ulan na iyon, parang nakikisama sa kalungkutan ko. At least noong umiyak ako ay hindi gaanong halata. Naikukubli kasi ng ulan ang mga luha ko.

"Ilang minuto pa, Felicity. Ilang minuto pa..."

Hinayaan ko ang sarili kong maligo sa ulan. Halos mapatalon ang puso ko nang nakita kong gumuhit sa kulay abong kalangitan ang matalim na kidlat kasabay ang nakakabinging dagundong ng kulog. Natatakot ako. Para akong musmos na iniwanan ng nanay niyang mag-isa sa parke habang umuulan.

Hindi ko na kaya. Nanlalabo na rin nang husto ang paningin ko dahil sa pinaghalong luha at ulan. Labag man sa kalooban ko, lumakad na ako paalis ng park.

She's Ugly 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon