[REVISED] Chapter II

1K 25 21
                                    

CHAPTER 2: FAMILIAR FACES

{TREVOR}


"Hi," bati niya sa akin.

     Simpleng 'hi' lang pero pakiramdam ko kakawala na ang puso ko sa dibdib ko. Ganito na ba talaga ang naging epekto niya sa'kin? Nagising na lang ako isang araw at biglang may kakaiba na sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Sinubukan ko pa kung mali ang kutob ko, pero hindi e. 

     Iba talaga siya.


"Trey, okay ka lang?" Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa'kin. 

"Ah...oo, sorry," paumanhin ko.

"May problema ka ba? Mukhang malalim 'yang iniisip mo."

"Wala," pagde-deny ko pa. "Okay lang ako. Ano ba'ng order mo?"

Ngumiti siya, at mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. "The usual."

"Caramel macchiato?" Pagkumpirma ko.

"Exactly." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

Dumiretso na ako sa coffeemaker para gawin ang order niya. "Mukhang masaya ka ngayon?"

"Araw-araw naman akong masaya ah," tugon naman niya.

"Pero may kakaiba sa saya mo ngayon." Nilingon ko pa siya habang nagtitimpla ako. Nakasandal siya sa counter. Buti na lang at hindi pa kami nagbubukas ngayon kaya may oras pa kaming makipagkwentuhan sa isa't isa. Sa loob ng isang linggo, madalas siyang dumaan dito sa cafe basta't may free time siya. Nabigla nga ako dahil maaga siyang pumunta ngayon. Lagi kasing hapon o gabi na siya dumadaan dito pagkatapos ng trabaho niya para rito naman tumulong. 

     Ang cafe na 'to na binuksan namin two years ago. Nung una, akala ko nagbibiro lang siya na gusto niyang makipagsosyo sa plano kong negosyo  dahil mga teenagers pa lang kami nun. Pero nagulat na lang ako nang papuntahin niya ako sa isang lugar at sinabing balak niyang bilhin ang pwesto para sa pinaplano kong cafe. Hindi na ako nakatanggi ng sandaling 'yon. Paano ko magagawang tanggihan siya gayong kitang-kita ko ang sobrang kasiyahan sa mukha niya habang kinukwento sa'kin ang mga binabalak niya para sana sa negosyong pagsasamahan namin. Sa tulong ng perang hiniram niya sa Papa niya at sa perang naipon ko sa mga pinasukan kong part-time jobs at pati ang kaunting halagang hiniram ko kay Ate, nakapagpatayo kami ng cafe-restaurant na ngayon ay mina-manage ko. Nung mga panahong bagong bukas pa lang kami, hindi ko inasahan na lalago ito sa estado nito ngayon. Naging successful ang cafe at ngayon ay pinaplano na naming magpatayo ng ikalawang branch. Salamat sa pangungulit niya at naging bunga nito ang successful na negosyo naming dalawa.

     Sa loob ng limang taon matapos ang insidenteng nanakit sa kapatid ko, masasabi kong marami na ring nangyari sa buhay ko. Nagkaroon ako ng bestfriend, nakapagtapos ako ng kolehiyo, nakapagpatayo ako ng sarili kong negosyo, at may freelance na trabaho pa ako na gusto ko. Kahit pa maituturing na maganda ang kinalabasan ng buhay ko sa ngayon, hindi pa rin buo ang kasiyahan ko dahil alam kong hindi pa masaya si Ate at dahil na rin may mga bagay pa akong hindi nasasabi sa taong gusto kong pagsabihan. 


"Babalik na siya ng Manila," sabi ni Waffles. 


     May hula na ako kung sino ang tinutukoy niya pero gusto ko pa ring itanong dahil baka mali ako. Sana mali ang nasa isip ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Ugly 2Where stories live. Discover now